CHAPTER 4 INSECURITIES

18 0 0
                                    

CHAPTER 4

INSECURITIES

 

-

(YNA)

 

Fast forward. Nararamdaman kong totoo nga yung sinabi noon ni Kiel. Nararamdaman ko na yung ‘pagmamahal’ na sinasabi niya. Hindi siya nagtatanong kung sasagutin ko ba siya o hindi. Hindi din siya nangungulit about sa topic na yun.

Wala. Basta nandyan lang siya. Hindi siya nawawala kapag kailangan ko ng kasama, kausap at kaibigan. Naging komportable na din ako sa ginagawa niya. Parang sa isang araw, hindi na ako magugulat na may Kiel na magtetext o tatawag o pupunta sa bahay kasama yung tatlo.

In short, nagiging bahagi na siya ng araw ko.

“Huy!”

“Ay Kiel!”

Napahawak naman agad ako sa dibdib ko nang mapatingin sa harap ko at nakita si—teka. Anong sabi k-ko?

Agad namang pumorma na nang-aasar na ngiti yung labi ni Jorj. “Kiel pala ah.” -_-

Tinalikuran ko siya at bumalik sa pag-aayos ng bag ko. “Ano bang kailangan mo at nandito ka?”

Naupo siya sa kama ko. “Kanina pa kaya kita tinatawag. Tapos na kay Kiel lang pala ang is—“

“Shut up.” Agad kong sabi at bumalik sa harap ng salamin para magsuklay. “Bakit ba kasi?”

“Kukunin ko na po kasi sa’yo yung ID lace naming tatlo para sa ID.”

“Nandyan sa drawer.”

Nakita ko namang tumayo siya at dumiretso sa drawer. Pero bago siya umalis bitbit na yung ID laces, tumigil siya sa likod ko.

“See you downstairs—KIEEEEEEEEEEL.” Sabay takbo.

“UGH! HUMANDA KA SAKIN JORJIENA!!”

-

Sabay-sabay kaming pumasok na apat. Commute lang kami ngayong araw kasi pinapaayos pa yung van nina Blade. Kaya wala kaming sundo. Hehe.

“Uy, nandyan na yung B4G.”

 

“Oh my gosh. Meaning nandyan na din sina Blade?”

 

“Grabeeee. Hindi ko kineri yung summer nang hindi man lang sila nasisilayan.”

 

“Hi, Jorj.”

 

“Good morning, girls.”

 

“Kita tayo mamaya, Yna!”

DESTINY'S GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon