CHAPTER 21 JUST SAY YES

18 1 0
                                    

CHAPTER 21

JUST SAY YES

 

-

(YNA)

 

“Agang-aga, busangot mukha mo.” Bungad sakin ni Iris pagkalampas ko ng kwarto niya. Kalalabas pa lang niya.

“Bakit?” Pakikiusyoso ng magaling kong kaibigan habang sinasabayan ako ng paglakad pababa ng hagdan.

“Wala.”

Hindi na siya umimik pero kung hindi ako nagkakamali, nakita ko siyang ngumisi at nauna na sakin pagkalabas ng bahay. Ako pa tuloy maglalock -_-

“Nasan ba yung apat?” Tanong ni Iris habang naglalakad kami.

Commute lang naman kasi kaming apat ngayong umaga kasi nagtext daw si Blade kay Jorj at si Xy kay Mads na hindi nila kami masusundo.

“Ewan. May inaasikaso ata.” Sabi ni Jorj.

“Wow.” React ko. “May IBA pa palang inaasikaso.”

I sounded bitter? Sure. Ge, Okay. Pero ano naman? Kung ganun, eh.

-

Pagdating namin sa school, dumiretso na din kami sa kanya-kanya naming room. At pagpasok ko sa classroom, wala pa si Kiel.

Siyempre mapapansin ko kasi katabi ko diba?

Defensive much, Yna? Tsk. Tsk. Wengyang konsensya.

“HI, Yna!” Bati sakin ni Trish.

Sige na nga. Kakausapin ko na. Wala akong kausap, eh. “Hi.”

Naupo siya sa tabi ko, sa pwesto ni Kiel.

At sinong may sabi sayong pwede kang umupo diyan sa upuan niya?!

 

“Uhm, wala pa ba si Kiel?”

Nandyan na. Baka naupuan mo! Kita mo naman diba? -_- “Wala pa, eh. Hindi kami nagsasabay-sabay kanina.”

Tumangu-tango naman siya. “Sayang. Papasalamatan ko pa naman siya.”

Nataka naman ako sa sinabi niya kasi mukhang malungkot na disappointed na whatever yung tono ng boses niya. “B-bakit?”

Tumingin siya sakin, diretso sa mata. “I called him kasi yesterday, asking him kung pwede ba niya akong damayan kasi nag-away kami ng mom ko. At yeah. Dimayan niya ‘ko. He had coffee with me, actually. And gumaan yung loob ko. Thanks to him.”

DESTINY'S GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon