1

3.3K 47 1
                                    

"Ayus! Salamat Kai! Ang panget panget po talaga! Haha. Alis na ako."

Pinisil ko muna ang magkabilang pisnge ni Kai bago tumakbo. Habang nasa daan, naalala ko yung panahon na hindi pa kami magkasundo ni Kai.

 Nakakatawa lang isipin. Inis na inis siya sa akin that time kasi kailangan niya akong etutor after class lagi kasi akong bagsak sa Math exams wala naman kasi akong talent sa numbers. Nagsimula yun last year nung 3rd h.s ako katatransfer ko lang tapos siya naman ganun rin nauna lang yata ako ng 2 weeks sa kanya.

Dahil sa akin kaya laging siyang late sa soccer practice nila noon at wala siyang magagawa dahil utos yun ni maam, siya yung pinakamatalino sa buong class. Ayun naging close kami. Napagtitiisan namin ang bawat isa.

 Last week na ngayon ng 3rd yr life namin. Hindi na ako pumasok tapos na naman kami sa final exams.

Nandito na pala ako. Excited na akong isampal ang perang dala ko sa mukhang may tipos na land lady namin. Three months na akong hindi nakakabayad matumal kasi ang side line ngayon. Salamat na lang at malaki magbigay ng tip si Kai kaya napadali ang pag-iipon ko ng tamang halagang pambayad.

Umakyat na ako sa taas. Teka lang bat nasa labas yata lahat ng boarders ni madam? Anong sinisilip nila? At bakit nasa tapat sila ng kwarto ko at bukas ito. Tinutoo yata ni madam ang banta niya noong isang linggo na itatapon niya lahat ng gamit ko kapag hindi pa ako nakabayad agad.

"Padaan. Padaan. Ano bang meron at nandito kayo lahat sa tapat ng kwarto ko? Bat bukas 'to?"

Sinigawan ko sila. Well, hindi ako friendly sa kanila dahil puro sila plastic at saksakan pa ng arte plus feeling magaganda hindi naman talaga.

 "Shy si madam nagbukas ng room mo. May uupa yata?"

Si Jek. Siya yung occupant sa kabilang kwarto. Siya lang yata ang medyo kasundo ko mabait naman, taga kabilang school siya . Ito pa lang boarding house namin ay hindi exclusive for girls. As long as kaya mong magbayad ng renta ay tatanggapin ni madam. Gahaman masyado sa salapi.

Teka may uupa? Eh kwarto ko 'to ah! Mas lalo akong nainis. Pumasok na ako sa loob at sinarado ko ang pinto. Binagsak ko pa talaga para naman makaramdam ng hiya ang mga chismosa at baka umalis.

"Mabuti naman at nandito ka na Shy. Tinabi na namin yung mga gamit mo. Hakutin mo na lang."

Huminga muna ako ng malalim para kumalma ng konti dahil isang putak pa nito ihuhulog na siya sa balkone. Isa pang rason kung bakit gusto ko dito dahil natapat sa room ko ang maliit na balkone. Tuwing gabi dito ako tumatambay at tumitingin sa kalangitan. Aish! Tama nga muna ang emote dahil may makakasagupa pa akong may tipos.

"Madam. Ito na po yung bayad ko. Sabi ko naman po gagawan ko ng paraa-"

Hindi ko pa nga matapos ang sasabihin ko pumutak na agad siya.

"Wala na akong magagawa nakadown na ang bagong boarder last week at 3months advance 3months deposit yun. Kaya magsimula ka ng maghakot. Nandiyan na yung mga gamit niya. Nakakahiya sa kanya."

Naubusan na talaga ako ng pasensiya. At may hiya pala siya sa katawan.

"Mawalang galang na po madam pero unfair naman po yun. Nandito na po yung bayad ko oh."

Medyo pasigaw kong sabi. Nilabas ko yung pera at akmang ilalagay sa kamay niya pero hindi tinanggap.

"Layas na! Nakakadisturbo na tayo sa kanya mukha pa namang pagod."

Lumingon ako sa gilid may isang lalaking nakasandal sa dingding at naka-cross arms pa. So siya ang dahilan nitong lahat.

"Hoy lalaki! Sa akin ang room na 'to humanap ka na lang ng iba!"

Sa inis ko dinuro-duro ko pa siya. Pero nag-smirk lang siya sa akin at tiningnan ako from head to foot. Abat bastos ang isang 'to.

"Ha? Nagsimula na kayong mag tong-its? Hintayin niyo ko. Papunta na ako. Bye. Shy umayos ka wag mo akong ipahiya. Maghanap ka na lang ng ibang matutuluyan. "

Tuloy-tuloy yung pagkakasabi niya saka biglang umalis. Pagbukas ng pinto nandoon pa rin yung ibang boarders. Lumapit ako sa pinto at binagsak ko uli ang pagkakasara tapos ni-lock ito.

Kung ayaw mong umalis lalaki ka mas lalo na ako. Magkakamatayan na kung magkakamatayan.

Sinimulan kong pulutin ang mga gamit ko na pinaghalo-halo lang sa isang sulok. Inayos ko yung higaan sa baba, double deck kasi. Manigas ka diyan.

"Tsk! Witch."

Tsk! Tsk! Pa siyang nalalaman. Oo witch talaga kaya humanda ka na. Araw-araw akong maghahasik ng lagim hanggang sa lumayas ka. Kainis!

Napabangon ako bigla ng gumalaw bahagya ang double deck. Si panget paakyat sa taas. Ibig sabihin hindi siya aalis? At ayoko ring ako ang umalis, ano ba paulit-ulit na lang ako so magkakamatayan talaga kami. Napahinto ako pagkakamot ng ulo at biglang nanlaki ang mga mata ko.

"We're roomates!"

Hindi ko mapigilang sumigaw. WTF! Loading yung utak ko dahil sa mga nangyayari.

"I know you're celebrating but will you keep it to yourself and shut the f@ck up!"

 Sumungaw yung ulo niya mula sa itaas. Ang yabang, hambog at ang sungit pa. Kala mo kagwapuhan eh ang panget-panget naman!

My Jerk Roommate [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon