Nasa likod ko na pala ang panget kong escourt. At Oo late na kami. Kasi naman kanina hindi ko nabanggit pina-ulit ni panget ang pagmemake-up kasi daw sobrang kapal para daw akong clown. Sabi naman ni bakla ganun daw yung magmemake-up nila kay Stacy. Sino kaya yun. Tatanungin ko sana si panget pero bigla na lang niyang sinigawan si bakla kaya ayun natahimik kami.
Sobrang daming kotse ang naka-park sa labas ng isang mansiyon. Nasa venue na kami. Nauna lumabas ng kotse si panget. Tapos agad namang may tumakbong grupo sa kanya. Nag-ilawan ang mga camera. Media ba sila? Photograhers? Feeling ko may matutuklasan ako sa gabing 'to.
May kumatok sa bintana ng kotse. Nandito pa pala ako sa loob. Pagbukas ko nakalahad yung kamay niya. Wow ha ang plastic lang dahil may mga photographers.
Bahala ka sa buhay mo. Hindi ko tinanggap ang kamay niya. Sumingkit naman yung mga mata niya. Wag mo akong daanin sa mat among yan. Kala mo ha. Kaplastikan ka talaga.
Lalakad n asana ako pero siya mismo ang kumuha sa kamay ko at inangkla sa braso niya. Ninigpitan pa niya ito kaya wala akong magawa. Baka magsaksakan na kami dito pero late na kami kaya pinabayaan ko na lang. Hindi rin ako ngumingeti tulad niya. Habang naglalakad kami panay ang picture nila sa amin.
"Magka-iba sila ng escourt. Hiwalay na nga sila."
"Hindi pa confirm. Baka LQ lang."
Sino ba ang mga pinag-uusapan nila.
Nakapasok na kami sa loob. Tiningnan ko yung cellphone ko. 9:30 PM. Sobrang late na.
Nilibot ko yung tingin ko. Ang sosyal nga ng party. Nakita ko sa isang table sila Drew. Akala ko doon kami dederitso pero papunta pala kami sa gitna nandoon si Paris at nakaupo habang kausap ang isang babae. Marami naman sila sa table pero yung kausap ni Paris ang nakakuha sa atensiyon ko. Kung sobrang ganda ni Paris mas lalong maganda ang babaeng kausap niya. Black gown ang suot nito at kumikinang ang mga alahas nito. Para ba siyang bituin na kumikinang. Yung mga lalaki nga na nasa table malapit sa kanila sa kanya nakatingin.
Yung mga taong madadaanan namin nagbibigay ng daan sa amin. Lahat sila nakapako ang mga mata sa amin. Kung kanina na normal lang ang lahat para sa akin ngayon ay hindi na. Kinabahan na ako. Sa tingin pa lang ng mga bisita at sa mga bulungan nila alam kong may nangyayaring kakaiba sa party na 'to.
"Mas maganda pa rin si Stacey. Pero mas bagay siya kay Reese."
"Bet ko ang isang yan compare kay Stacey."
"Reese is damn hot girls."
"He's here. Look at Reese..Gosh the sex appeal."
"Dude she's damn hot than Stacey."
"I agree."
"She's really beautiful, wait I think I know her."
"Come on lahat na lang ng magaganda kilala mo."
Gustuhin ko mang tumingin na lang sa baba pero para naman akong engot nun. And I think, kailangan ako ng panget na 'to ngayon. Hindi ko na lang pinansin yung mga chismosat chismoso sa paligid.
"Your fucking late Ruan!"
Mahina ang pagkakasabi ni Paris pero nakangeti ng pilit para siguro hindi mahalata ng mga bisita.
"So?"
Pwede namang humingi ng paumanhin wala talagang modo. Pagkatapos bomeso ni Paris sa kanya tumingin ito sa akin. Ngumite naman ako.
"Pasalamat ka escourt mo ang pinakamaganda ngayon dito."
Bomeso rin siya sa akin.
"Sorry we're late, my fault."
Sinabi ko na lang para wala ng gulo. Ang dami kasing nakikinig sa usapan namin. Yung iba pasimple pang dumadaan.
"Tsk!"
May dumaan na waiter at may dalang drinks. Kumuha si panget ng dalawa at straight na ininom. Anong drama niya? Napansin kong nakatingin si panget doon sa katabi ni Paris. Matagal niya itong tinitigan kanina.
I got it.
"Hey babe, that's enough. You haven't eaten your dinner yet."
13.
Haha, Gusto kong tumawa ng malakas. Napaubo kasi ng mahina si panget. I'm enjoying this. Habang sinasabi ko yun nakatingin lang ako sa babaeng katabi ni Paris. Parang hindi mapakali. BINGO.
Dagdagan natin ang palabas.
"Paris would you mind if we leave you here? Kailangan pa kasing kumain ng babe ko."
Sumandal pa ako sa palikat niya. Kung wala sigurong tao sinuntok na ako ni panget. Alam kong nagpipigil siya.
"Sure. Sure."
Tumatawa ng mahina si Paris at kumindat ito kay panget. Naglakad kami at pinagtitinginan pa rin. Papunta kami sa table nila Drew.
Pagdating namin sa table at hindi pa kami nakakaupo ha bigla na lang siyang nagtransform.
"What was that?"
Nagkibit-balikat lang ako. Parang naguguluhan naman sila sa table. Akalain mo naman na bigla-bigla lang kami sumulpot at nag-aaway pa.
"Hi everyone."
Nagkatinginan yung apat.
"Shy?"
"Super model?"
"Ano ba namang tingin yan ha? Teka kaninong pagkain 'to? Gutom na kasi ako eh."
Parinig ko kay panget. Pero nakatayo pa rin siya. Isusubo ko na san yung isang finger food pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at kinuha yung hawak ko na pagkain. Itinayo niya ako.
"Witch! Halika na nga kukuha tayo ng pagkain natin. Next time wag kang namumulot ng pagkain ng iba, lalo nat hindi mo alam kung malinis."
Speech ba yun? Ang haba nun ah. Parang ganun rin ang iniisip nila Drew. Ngumite naman nila at nagkatinginan uli.
"Hoy Ruan! Anong gusto mong palabasin ha hindi ko naman kinainan yan? Alam kong concern ka kay super model pero wag mo naman saktan ang damdamin ko."
Maypa-iyak-iyak pa si Drew wala namang luha. Nagtatawanan naman yung iba.
"I'm not concern!"
Pinukpok niya pa yung mesa. Hindi talaga 'to marunong sumakay ng biro.
"Ahm, excuse me. Reese can we talk? Privately?"

BINABASA MO ANG
My Jerk Roommate [FIN]
JugendliteraturMayabang. Hambog. PANGET. That's my jerk roommate.