10

1.2K 35 0
                                    

Pipihitin ko na sana yung door knob pero bigla itong bumukas. Isang babaeng nakataas ang kilay ang bunungad sa akin. Naka mini dress ito na hapit na hapit sa katawan at naka high heels. Sa kanya siguro yung red na kotse sa baba.

"Hindi ba kumalat ang lips stick ko?"

Nakangesing aso niyang tanong sa akin habang papahid-pahid ng tisyu sa baba ng lips niya. Bitch.

"Hindi naman ganda. May muta ka lang."

Pa-sweet kong sabi. Pagkatapos ko yung sabihin pumasok na ko sa loob at binagga ang balikat niya. Dumeritso ako sa bathroom at doon tumawa. Nanlalaki yung mga niya kanina habang pinapahid ng tisyu yung mata niya. Nahihiya siguro dahil rinig na rinig ni panget yung sinabi ko. Sabi ko nga I love challenge. Hindi ako umaatras sa laban lalo na sa mga tulad niya.

Maya-maya pa narinig kong ang malakas na pagsara ng pinto.

Paglabas ko naka-upo si panget sa kama ko. Oo nga pala magmulang noong birthday ni Drew hindi kami nag-uusap ni panget. Well, nasanay naman akong walang kausap dito kaya keri lang kahit magwa-one week na. May topak kasi ang panget na yun pero wala akong paki.

Lumapit ako sa kama ko pero hindi siya umalis. Anong pakulo na naman ito. Nang-iinis na naman ba siya? O galit ba siya dahil sa ginawa ko sa babae niya?

"Tabi."

Hindi pa rin siya umaalis. Sinusubukan na naman niya ang pasensya ako.

"Tonight is Paris' thanks giving party."

So? Ano kinalaman ko dun? Gusto ko sanang sabihin pero wag na lang mabait naman si Paris sa akin nung birthday ni Drew.

Hindi na lang ako magsasalita wala rin naman akong maisip na sasabihin.

Since biglang nagging awkward ng moment ay lalabas na lang ako. Pero bao ko mabuksan ang pinto nagsalita siya uli.

"She wanted you to be there."

Lumingon ako sa kanya. Mukha naman totoo yung sinasabi niya.

"Send my congratulations. I'm not going."

Pwe! Napapa-english tuloy ako. Pwera biro ayoko. Ang dahilan? AYOKONG may makakikilala sa akin. Mahirap na pangmayaman na pary baka may maligaw.

"Damn it! Bat ba ang hirap mong paki-usapan ha!"

Wow! Nakiusap pala siya sa lagay na yun. Sabi ko nga mas mabuti pang hindi kami nagkikibuan dahil magbabangayan lang kami.

"Ang ganda ng paki-usap mo pre grabe na touch ako."

Sarcastic kong sabi.

"She'll tell Tita my whereabouts if you're not coming tonight."

Mahina niyang sabi. Teka nahihiya ba siya? May pa tingin-tingin pa kasi siya sa floor.

"Nakaka-insulto ha, bat sa floor ka nakatingin diyan kung nakiki-usap kamu sa akin? Mas maganda basa akin yang sahig ha? Saka mag-please ka."

Nakakaamoy na ako ng tagumpay.

"Witch."

Hindi pa rin siya nakatingin sa akin.

"Mapuntahan na nga si Jek, maganda siguro pumasyal sa park –"

Ayan na naman ang habit niya na namumutol ng sasabihin ng iba.

"Fuck! Will you just come with me tonight! Dami pang arte!"

Ay grabe talaga. Naparomantic niyang magyaya. Sarap tadyak-tadyakan tapos ihulog sa balkoni.

Biglang nag-ring yung phone niya.

"What?"

Ang galang sumagot ng tawag. Idol ko na talaga ang siya. Tsk!

"Here."

Ini-abot niya sa akin yung cellphone niya.

"Anong gagawin ko diyan?"

Nakasimangot kong sabi.

"Iluto mo. Masarap.Try mo kayang sagutin diba."

Nakuha pa talagang mamilosopo. Siya kaya yung may pabor na hihingin sa akin. Kinuha ko na lang yung cellphone baka masuntok ko pa siya.

"Hello."

Panimula ko.

"Hey Shy! Paris here. 7PM sharp. I'll be sending my P.A. there. See ya."

Magkapatid nga sila. Psh! Binalik ko na yung cellphone sa kanya. Padabog kung kinuha ang towel. Lalo pat nag-smirk na naman si panget sa akin. 

My Jerk Roommate [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon