2

1.7K 43 1
                                    

Lumilindol ba? Para kasing umuuga ang kama. Dahil sa idea na yun napabalikwas ako ng bangon dahilan kung bakit tumama ang ulo ko sa kahoy masyado kasing mababa yung double deck.

"Aray!"

Ang sakit ng ulo ko. Hinihimas-himas ko yung parte na masakit. Feeling ko magkakabukol 'to.

"Ano ba kanina ko pa pinapatid yang higaan mo ang tagal mong magising."

Kaya pala umuuga ang higaan ko. Ang hudas na 'to ang may kagagawan. Padabog akong tumayo hindi ko siya pinansin. Mauububusan ako ng dugo sa bwesit na lalaking 'to. An gaga-aga bad trip agad. Dumeritso ako doon sa sulok kung saan nandoon pa rin ang iba kung gamit. Halos binaliktad ko na yung buong kwarto pero hindi ko pa rin nakikita tuwalya gusto ko pa namang makaligo agad nakatulog ako kahit pawis na pawis sa kakatakbo kanina.

"Babae ka ba talaga ha? Napakaburara mo. Hindi lang ikaw ang nakatira dito kaya umayos ka ha!."

Automatic akong napalingon kay panget na naniningkit ang mga mata ko. Ako burara? Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto nagkalat yung mga kung anu-anong gamit ko. May hinahanap lang naman ako ah makasabi siya ng burara parang diring-diri na siya.

"Wala kang paki! Hinahanap ko yung tuwalya ko at sino ka-"

May biglang kumatok. Siya yung malapit sa pinto kaya hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Pero ilang beses ng pabalik-balik ng katok yung nasa labas pero hindi pa rin niya ito binubuksan nakatayo lang din siya at nakatingin sa akin.

"Alam kong maganda ako marami ng nagsasabi niyan pero sa ngayon pwede ba buksan mo yang pinto hindi mo ba naririnig may kumakatok?"

Kumunot yung noo niya. Ang slow rin ng isang 'to.

"Sabi ko-"

"I'm not deaf don't bother to repeat yourself. And I don't care kung may kumakatok I'm not expecting any visitor so bakit ako magbubukas?"

Walang modo talaga.Hindi ako pinatapos magsalita! Konting-konti na lang at matatagpuan na yung katawan niya na lumulutaw-lutaw sa ilog pasig. Mapapaslang ko talaga ang isang 'to.

"Shy? Nandiyan ka ba?"

Si Jek pala yung kumakatok. Habang papunta sa pintuan binangga ko yung balikat niya medyo na out of balance pa nga siya. Buti nga. Kala mo uurungan kita sa ugali mong yan. NEVER.

Binuksan ko ng lonti yung pinto as much as possible ayokong ma issue ako dito na may kasama akong lalaki sa kwarto. Hindi pa namin na-settle ang sitwasiyong 'to. Kung si Jek lang wala namang problema hindi naman makitid ang utak nito baka lang kasi may mapadaan na mga bruha. Nagkalat pa naman sila sa bahay na 'to.

"Ahm hi Shy. Towel mo baka hinahanap mo na. Lagi mo na lang yan naiiwan sa bathroom ko."

Haist! Naiwan ko pala 'to kaninang umaga doon. Since sira yung bathroom dito sa kwarto mag-iisang linggo na kaya doon ako nakikiligo sa kanyang bathroom. Bago ako lumabas nakabihis na ako naiyampas ko siguro to doon at nalimutang bitbitin palabas. At sasabihin ko lang once maliligo ako lumalabas si Jek sa kwarto niya ganun siya ka gentleman at nilolock niya ang pinto.

"You're taking a bath in a man's bathroom?"

Napalundag naman ako sa kinatatayuan ko. Papatayin niya talaga ako ng maaga.

"Putek naman oh! Bat ka ba nanggugulat diyan! At hindi ka kasali sa usapan kaya wag kang sumabat okay!"

Nagbago yung expression niya sa mukha parang hindi niya yata nagustuhan yung sinabi ko. Bahala sila wala akong paki.

Nakita ko naman na medyo nagulat si Jek pero hindi nagtanong. Nagtataka siguro na may lalaki akong kasama sa kwarto.

"Hindi ko yan ka ano-ano, aalis-"

Naputol na naman ang sasabihin ko kay Jek dahil umepal ang bwesit.

"We have to discuss something now."

Ang bastos talaga kita niyang may kausap pa ako. At para saan yung smirk niya kay Jek? Kabago-bago pa lang dito hindi man lang marunong makisama.

"Katok ka lang pag gusto mo ng maligo. Sige pasok na ako sa kwarto ko."

Nag-smile na lang ako sa kanya bago sinara ang pinto.

"Bastos ka rin-"

"I have house rules and you have to follow accordingly. Unless you have other place to stay then don't bother to listen.

Kita niyo na? Kita niyo na? Lagi niyang pinuputol ang mga sasabihin ko. Sa inis ko pinatid ko ang isa niyang binti.

"WTF! What is your problem huh?!"

At tinanong pa talaga niya ha. Hindi man lang marunong makiramdam. At bakit may rules rules akong susundin?

"Ang kapal mo rin no! Nagtanong ka pa anong problema ko? IKAW! Kwarto ko 'to umepal ka lang kaya wag kang feeling boss dito!"

Gusto ko pa sanang ilabas ang inis ko sa kanya pero tinalikuran niya ako at sinagot ang tawag. Dumistansiya siya ng konti.

"That's bullshit Tita! No! Don't you dare! Fuck! I said NO!"

Grabe siya. Ang daming mura nun. May problema nga ang isang 'to. May pinagdadaanan 'to. Nakita niya akong nakatigin sa kanya binaling ko agad ang tingin ko sa ibang bagay. Pero sa gilid ng aking kaliwang mata nakita kung umupo siya sa higaan ko at hinilot-hilot ang sentido niya. Okay fine. Tomorrow ko na lang itutuloy ang mga sasabihin ko sa kanya at ipagpapaliban ko muna ang plano kung palutangin siya bukas sa ilog pasig.

"Where are the tools here?"

Ha? Tools? Anong tools?

"Utak ipis talaga. Sira ang bathroom natin diba? Now give me the tools I'll fix it."

Tinatamad niyang sabi. Okay na sana eh pero bakit may utak ipis pa.

"Are you really that deaf huh?"

Kanina pa ako gigil na gigil upakan siya. Alam na alam niya talaga paano painitin ang ulo ko.

Huminga muna ako ng malalim. Tandaan mo Shy na magandang walang katulad ikaw ay maganda at may pangarap kaya tiis-tiis muna.

"Manghihiram muna ako sa kabilang kwarto. Wala akong tools at hindi ako tubero kaya-"

"So that cockroach looking guy is a plumber."

 Pilosopo na nga mapanglait pa. Lahat yatang masasamang ugali nasa kanya na. Hindi ko na lang pinansin. Tinalikura ko na siya.

"Which is his room the one in the left or right?"

Kumunoot yung noo ko bakit niya tinatanong.

"Left."

Sinagot ko na lang. Pagkasabi ko nun  bigla na lang lumabas. Kala ko ba ako yung inutusan niya ng tools. Nagkibit balikat na lang ako.

My Jerk Roommate [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon