5

1.5K 40 0
                                    

Nasa tapat na kami ng pintuan. Galing kami ni Drew sa malapit na fastfood sinama niya kasi ako. Nagtake-out lang kami. Nakuha ko naman kung bakit niya ako sinama para magkasarilinan sina Ruan at ng bisita niya.

Napatingin ako kay Drew parang kinakabahan pa rin. Napansin ko rin kanina parang tumiklop ang dalawang 'to doon sa babae.

Biglang bumukas yung pinto. Bumungad yung babae at si Ruan. Balik sa dating expression si Ruan hindi tulad kanina na halos lumuwa yung mga mata tulad ni Drew. Yung babae naman nakangeti na. Nagkaayos na siguro. Naka-angkla pa nga ang kamay ng babae sa braso ni Ruan. Tsk! Clingy much.

Biglang uminit ang ulo. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at padabog kong binigay kay Ruan ang take out namin na softdrinks.

"Magpalamig ka. Masyadong nag-aalab."

Kumunot yung noo ni Ruan. Pa inosente effect pa. Tadyakan ko siya diyan eh. Dito pa talaga sa kwarto namin. Walang konsiderasiyon.

Napansin kong tumawa ng mahina si Drew kaya sinamaan ko ng tingin pumormal naman ito agad.

Yung babae mas lalong dumikit kay Ruan. Kala niya siguro aagawin ko. Hello??? May taste ako no. Teka nga ano ba 'to iniisip ko. Paki ko sa kanila diba. Naiinis lang ako dahil parang ako pang lumayas eh kwarto ko rin 'to. Siya lang kayang suniksik dito. Tapos ngayon parang ako pa dapat ang makiki-adjust?

"Morning Shy! Gagamit kaba ng  bathroom ngayon?"

Si Jek bagong ligo topless ito at nakasampay ang towel sa balikat. Napa-iwas tuloy ako ng tingin. Lagi naman yang ganyan pero hindi pa rin ako nasanay. Sasagot na sana ako pero may umepal. Hinila pa ako, siya na ngayon ang nasa harapan ni Jek.

"Our bathroom is already fixed."

Ngumite lang si Jek sa akin na nakasilip mula sa likod ni Ruan.

"Dating gawi. Namiss ko ang bonding natin."

Nakasanayan na kasi namin ni Jek na tuwing Sabado pagkatapos ng mga gawain at kung wala akong raket ay nagrerelax kami sa park.

Ngumite na lang ako ulit sa kanya at tumango kahit parang ang weird niya ngayon. Pati si Drew parang may topak rin kanina pa 'to tumatawa ng mahina. Nakita ko nga na pinandilatan siya ni Ruan.

"Bye Shy. Kakatok na lang ako mamaya sa kwarto mo."

Pagkatapos magpaalam ni Jek tumalikod na ako para maghanda sa lakad namin pero bigla na lang nasa harapan ko si Ruan.

"Nakaharang ka, alis diyan!"

Nakatayo pa rin siya at hindi tumabi. Si Drew naman medyo tumaas ang kilay habang nakatingin sa amin.

"You're not going anywhere today."

Napakunot ang noo ko dun. Ano ba ang meron sa araw na 'to at ang daming weird. Ang gulo lang.

"Whoah! I can't imagine the great mr.popular is now being territorial!"

Sinapak naman ni panget si Drew pero tumatawa lang 'to. Ano bang pinagsasabi ng Drew na 'to at yung babae naman aliw na aliw. Ang arte pa tumawa may pa takip-takip pa ng bibig.

"Pwede ba panget.Tabi!"

Tinulak ko siya ng mahina at nilagpasan siya, si Drew narinig kong sumisipol-sipol.

Magkatabi si panget at yung babae sa upuan doon sa loob, si Drew kinakalikot ang laptop ni panget, ako nandito sa balkoni tinitingnan yung mga bulaklak sa ibaba. Kami ni Jek ang nagtanim nun. Mahilig ako sa pag-aalaga ng bulaklak. Habang nakatingin ako sa baba hindi ko namalayan na tumutulo na ang mga luha ko.

"Mom."

Humihikbi na pala ko. Agad kong pinunasan yung mga luha ko. Hindi na pala ako nag-iisa ngayon dito sa kwarto. Nakakahiya kung makita nila ako na ganito.

"Miss her?"

May biglang tumabi sa akin at inakbayan ako. As always lagi niya akong naaabutan sa ganitong sitwasiyon.

"Kai naman eh wag kang sulpot ng sulpot dito. Baka nandiyan yung bruha mong ex  at kalmutin na naman ako."

Dito rin kasi nakatira yung ex ni Kai, actually 2weeks lang sila pinagbigyan lang ni Kai ang bruhang yun para daw hindi na ako pagdiskitahan. Yun kasi ang kondisyon ni Mia, 1month dating daw sila ni Kai pero 2weeks lang angsabi ni Kai walang nagawa si Mia. Take it or leave it ang hamon ni Kai sa kanya.

"Kaw naman kasi sabi ko doon ka na malapit sa amin mas malapit yun sa school at siyempre mas lagi tayong magkakasama."

Nakasanayan ko na ang pagiging malambing ni Kai. Kaya nga dami kong haters sa school puro member ng fans club niya. Campus crush kasi ang loko.

"Hi sexy super model, sorry to disturb your romantic moment but...pano ba..hmm.. gusto kasi ni baby Ruan- OUCH! That hurts you know."

Bigla siyang sinapak ni panget nasa likod kasi ito ni Drew. Natawa tuloy ako sa itsura ni Drew na kumakamot sa ulo. Gwapo ang batang 'to at napakacharming at masyadong matamis ang dila. Laging nakangeti at parang walang iniintinding problema, opposite sila ng bestfriend niyang panget.

"Oh my bad, I forgot to introduce myself here, Andrew Alvarez pare bestfriend ng panget na 'to. Oops easy man, di ka naman mabiro."

Sinamaan kasi siya ng tingin ni panget.

"Kai Vincent Alfonte. Shy's bestfriend and classmate."

Nakipagshake hands naman si Kai kay Drew. Tapos kay panget.

"Ruan Reese Zeerick. Witch's bedmate."

I officialy declair war. Sinusubukan niya talaga ako. Nasabi ko lang yung bedmate na yan kasi nga nung narealize ko na magkakasama na kami sa isang room nasa lower bed na ako nun at siya nasa upper bed. Double deck nga. Double deck. Bat iba yung pinaparating ng panget na 'to. Kung may laser lang sana na lumalabas sa mata ko kanina pang tupok ang panget na lalaking 'to.

Nakakahiya talaga kina Drew at Kai. Napaubo pa nga si Drew pagkasabi nun ni panget. Buti na lang at cool lang si Kai. Tapos na rin silang magshakehands. Poker face si panget. Cool pa rin si Kai.

"Sweetheart kaya pala ako nandito kasi pinapasundo ka ng baby NATIN."

Okay. Nakikisali pa si Kai ngayon sa pagiging weird. Seriously? Ano nga ba ang meron sa araw na 'to.?

Baby naman talaga namin ang turing kay Zai pamangkin ni Kai. Nagbabay sit kasi ako kay Zai pangdagdag allowance. Pero bakit may pa emphasize pang nalalaman ang Kai na 'to sa NATIN.

"WOW! You still look perfectly sexy super model kahit may baby ka na."

At naniwala pa si Drew na may anak ako. Pinabayaan ko na lang. Feeling ko napakawalng kwenta mag-explain ang weir nila. Redundant na ako sa weir. Psh!

"So let's go sweetheart?"

Isa pang weird, tinatawag lang naman akong sweetheart ni Kai pag nasa kanila kasi sinasakyan ni Kai ang panunukso ng ate niya sa amin.

"Shy ready na ako, saan na yung gamit mo ako na magdadala."

Naman nakalimutan ko. May lakad pala kami ni Jek. Mukha ngang ready si Jek may dala na nga siyang backpack.

"Sayang naman super model isasama ka sana ni Ru- namin pala birthday ko pa naman. Maaga pa nga akong pumunta dito kahit na hindi ako morning person pero gumising talaga ako ng maaga at nagdrive pa ng halos 2hours.Nagvideo call pa nga tayo last time at para ma-set yungpagpunta ko rito. Sabi mo pa anytime pwede. Pero may lakad ka pala na ngayon lang esinet yung sa akin mas nauna."

Hindi naman ako masyadong kinokonsenya ni Drew sa haba ng sinabi niya. Haist! =__=

My Jerk Roommate [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon