Chapter 2: She wakes up. on the wrong time
Unat dito, Unat doon.
Ang sakit ng likod ko dahil sa kanya. Sipain daw ba ako ng maraming beses pababa ng kama.Biruin niyo, tulog mantika pa siya non. Pano kaya pag nagising siya? Baka amazona to. Kung maka-sipa akala mo may kalabang octupus sa kama
May pangalawa pang kasalanan tong babae na to. Isa siya sa mga tao na pag nalasing ay sobrang daldal.
*flash back*
" Mahal ~ *hic * anou ka ba a-man .." Gising na pala ulit siya
"Ui al-m mo beng mas-ma *hic * pagintayieen ang bay-bae ? " Dagdag pa niya.
"Mhalllll ~ nakaatingin ka aaman sha iva " Sinuntok niya yung balikat ko, Hindi masakit pramis. Tsaka ano ba yang mahal mahal na yan? napaka cheesy. Kamukha ko ba yung tinatawag nyang mahal o talagang naghahallucinate lang siya?
*Chuckle * Tumingin ako sa matandang nasa harapan namin, hala pati si nanay pinag tatawanan ako
" Girlfriend mo Iho?" Tanong niya
"Ah parang ganun na nga po, Ihahatid po siya" One-night girlfriend.Magalang ang ginagamit kong words, hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na 'Iuuwi ko po siya, lasing eh' nakakahiya naman yun. Baka isipin pa nilang pumi-pick up ako.
tinangal ko yung stray hair sa mukha niya
"Malandi ka...." Tinarayan niya ako at tinapik ang kamay ko. Ginawa niyo yun diba? *Hingang malalim*
"'Nay wag po kayo maniwala sa mga pinag-sasasabi nito, Hindi ko po siya pinaghintay." Sabi ko sabay turo sa Sleeping beauty na nasa tabi ko. Tama yun nalang itatawag ko sa kanya. Ngayon lang ako naka kita ng taong walang laman yung student book. pero may picture ng lalaki na naka ngiti , Siguro yun yung syota niya
Nasaan kaya ID nito?
"Mahal~~ wag mu ko iywan pleaseeeeeh, pag iniwon mu ko.... " Huminto siya at napatingin kami ni nanay sa kanya. hinihintay ang sususnod niyang sasabihin
"G*GO KA! BAKIT KA GANYAN ?! SABI MO SAKIN SABAY TAYONG TATANDA PERO PINAGPALIT MO AKO ! YUNG PINANGPALIT MO PA SAKIN LOLLIPOP ! ANG GANDA NGA NG MUKHA ANG PANGIT NAMAN NG KATAWAN. FLAT NA FLAT! WALA KA NABANG TASTE?? DINAANAN ATA NG PISON YUN EH! P*TAN INA !! napaka sinungaling mo.... ZZzzz "
(0_0")
Tinawag niya akong Gago!
*End of flashback *
Dahil sa pagratatat ng bungaga niya ay napatulala ang matandang nagtanong sakin.
Hindi ako nagtatanim ng loob.
Madaling araw na at hindi ako makatulog kasi Iisa lang ang kama sa condo na to, sa sofa natulog ang kapatid kong si Alex. Ewan ko nga kung ano nakain nun eh, ang laki nung ngiti nung nakita niya akong may kasamang babae.
Parang first time naman nangyari yun.
Maliligo na nga lang ako!
*After 5 minutes *
Tsk.. nakalimutan ko pala kumuha ng malinis na damit sa drawer. Tulog pa naman siguro siya diba? Lumabas na ako ng CR at tama ako, tulog pa nga siya. Grabe tong babaeng to, wala manlang poise pag natutulog. Parang starfish lang, Idol niya ba si Patrick Star?
Hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa drawer.
Maya-maya ay may lumipad nagamit na sumapol sa ulo ko. Nagkaroon ng pendulum effect at humampas ang ulo ko sa drawer.
"Tss...."
"Kyahhh! bakit ka nasa kwarto ko?!! " Masakit sa tenga ang sigaw niya, parang sirena ng pulis. Dilat na dilat na ang mata niya.
"Lumabas ka dito! " Sigaw niya, Condo ko to pero ako pinapalabas niya
Kahanga-hanga. Dapat nang bigyan ng award!
"Miss-- " *swooshh * Binato nanaman niya ako, buti nalang paling yung bato niya.
"Teka lang- " *swoosh *
"Tama na nga yang pagbato mo!" Muntik na niya ako tamaan, pasalamat nalang ako sa sarili ko at naka-yuko ako bago pa man ako abutan ng bagay na binato niya.
Tumigil siya sa paghagis. Tumitig lang siya sakin na parang ngayon lang siya nakakita ng tao.
Napasinghap nalang siya bigla
"Kyahhh! bakit nakalantad yang katawan mo?!!" Note: Isa siya sa mga tang laging late reaction.
Tinignan ko ang katawan ko, nakatapis lang ako
Kaya pala ang lamig.
"Im sexy and I know it " Pangaasar ko sa kanya. Biglang naging kakulay ng ampao ang mukha niya.
Ngumisi ako.
"Ang kapal mo!" Hinablot niya yung gamit na pinakamalapit sa kanya "Takpan mo nga yan!" Sigaw pa niya, Nalipat ang atensyon ko sa hawak niyang bagay. Hawak niya ang iPod ko, Hindi naman siya seryoso na ibabato niya yan..
hindi ba?
Binato niya nga!! Tumakbo ako at sinalo ko yung gadget
Tiningnan ko siya ng masama at dahandahang lumapit, mahal ko tong ipod ko at ibabato niya lang? hindi ko ata to mapapalampas
"A-ano ? wag mo sabihing rarapin mo ko? " Medyo nanginginig niyang sagot, Cute suggestion! Mas ginanahan tuloy akong ipakita sa kanya ang pasasalamat ko
^‿^)
"You're pretty" Sabi ko sabay hawi sa buhok na nakatakip sa mukha niya, bibigyan ko siya ng isang seryosong mukha na makapagpapabilis ng tibk ng puso niya.
"Pr-pretty ka dyan!" Inangat niya ng mabilis yung kumot hanggang sa ilong niya. Yung action niya, Nakita ko na to sa isa sa mga Koreanong teleserye na pinapanuod ng kapatid ko dito sa condo. Tignan natin kung ano magiging ekspresyon niya dito sa gagawin ko.
Mas lalo siyang namula nung inilapit ko ang mukha ko
"Yes, you're like the star in the night Sky " Nginitian ko siya bago dinagdag ang
.......
................
...........................
..................................
"And the fish in my ulam~" Sinabayan ko ito ng killer smile.
"Ikaw- !! "
"Hahahahhahaha " Hindi ko napigilan ang pagtawa. Nakakatuwa kasi bihira na yung mga babaeng open na open sa pagpapakita ng mga ekspreyon niya. Ito ang unang pagkakataon na nakasalamuha ko ang gantong tao, hindi mapagpanggap
*Creeeeeek~*
"Looks like you're okay... sorry for disturbing! "
Hah?!
Akmang isasara na ng intruder ang pinto
"Alex!! bumalik ka dito!" Napasigaw ako sa pagpigil sa nakakababata at maganda kong kapatid-- Puring puri ko na siya dito ah.
Noong huling beses na nakita niya akong may kasamang babae pinagkalat niya sa buong bayan na may gilfriend na ako, nag-assume tuloy yung girl na girlfriend ko talaga siya and little did I know.. President ng malaking kumpanya ang tatay ng babaing yun kaya naipit ako sa isang malaking GULO!
Well.. I don't blame her for doing that. Kaso hindi ba pwedeng limitan naman niya yung pagkakalat niya? Halos limang beses na rin nangyayari yun eh. May pagka-atat din tong kapatid ko tungkol sa lovelife ko noh?
-_-)
"Uhmm... hehe. I heard your voices at the hallway so I thought I should atleast join you.. " Bumalik ulit siya sa loob at nag 'hi' sa katabi ko.
"Oo nga pala" Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumingin kay Sleeping Beauty na mukhang hindi pa nakakarecover sa ginawa ko kanina
"I'm Jules Capili at your Service " Sabi ko at ngumiti
BINABASA MO ANG
Dancer My Loves
RomanceA side story about a girl and A mischievous Dancer. Magkakaroon to ng extended edition hehe