Part 7 : Ice cream Monster

373 14 4
                                    

Part 7 : Ice cream Monster

"Julian Capili bumalik ka dito!!!!!!!!!!!" Dali-dali akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse. Lumingon ako sa likod at nakita ko ang galit na galit na expression niya mula sa bintana ng ikalawang palapag ng bahay...

na parang balak na niya akong ibitin patiwarik sa puno ng Acacia, hampasin ng sanga ng punong santol at paluhudin sa daang-daang buto ng monggo. Nakakatakot mukha niya, kulang nalang lagyan siya ng malaking chainsaw sa kamay at mag-mumukha na akong galing sa horror movie na Friday The 13th

sumasamba ako sa hangin at araw na please tuparin niyo

ang wish ko na.....

MAAYOS na mukha naman ang ipakita niyo saakin ! T_T

"Brother wait for me!" binuksan ko yung lock at pinapasok ko ang inglishera kong kapatid na nanggaling sa ibang bansa. At dahil nga galing siya sa ibang bansa ay hindi na siya masyado nakakaintindi ng tagalog .. short term memory ba? 

" Why did you do that ? look the witch is angry again ! " pati ba naman ikaw papagalitan ako ? Sasabihin ko na sanang thank you hangin pero wag nalang pala. Isa pa to eh .. Ibalik ko nalang kaya to sa ibang bansa ?

aba nag-pout pa ang bata

"Stop nagging me, I did nothing wrong " sabi ko sabay pitik sa noo niya

"Ouch ! " hinimas niya yung part na pinitik ko "Pero kuya Look ! She looks like a monster na" Tumingin ako sa likod at nakita kong palabas na siya ng pinto..

0_o patay !

"Alex ? "

"hmm ? "

"kapit mabuti ha ? "

"what ? "

*vroooooooooooooooom * 

"Kuyaaaaaaaaa ! you're driving really fast !!!! " pinaharurot ko yung kotse para sure na hindi na siya makakahabol saamin. may lahing kabayo pa naman yoon, kung makatakbo parang hinahabol ng buwaya.

Tili ng tili si Alex. mga babae talaga oh ? buti nalang nandito na kami sa mall na gusto niyang puntahan.

Girl Bonding daw, mag shoshopping, Kakain ng crepe/ice cream/Tacos , manonood ng sine, mag shoshopping ulit, Kakain, mag sta-starbucks , magchichikahan sa loob ng isang store, iisa-isahin ang mga botique na paborito nila kahit hindi naman bibili, mag sna-snack habang nagpapahinga, tapos window shopping nalang kasi wala ng pera at pag wala ng pera nag-aayaan na silang umuwi.. Yan ang pag-kakaintindi ko sa explanation ng kapatid ko sa girl bonding

*slam *

"Kuya, why don't you just come with me to -- "  ah here we go again

" I still wan't have something to do here and hey you're gonna be late if you continue blabbering " sabi ko at ginulo yung buhok niya. Iwas topic naman and drama ako ngayon

^__^

"wahhh  Nakakainis ka! " haha yan kasi, she knows naman na I hate that topic so why does she always bring it up ?

"I know, marunong ka na pala mag tagalog  "

" Kuya ! " hala hindi pa pala niya maintindihan lahat haha

"okay okay, I said you should already go. "  umalis na siya at lumakad papunta sa loob ng mall. Sinimulan ko ng paandarin yung kotse. Isang Chevy Camaro ZL,

ang pinakaunang car na nabili ko ^_^ , at syempre pinagtrabahuhan ko yan noh ! yung mga contest na pinalanunan namin yung pinag kuhaan ko ng ipon

 About my sister... 5 years na since bumalik siya dito, for a vacation. Masaya naman daw doon and marami na siyang kakilala kaya ayun, medyo natagalan bago siya makabisita ulit dito.

Dancer My LovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon