Authors note : Uunahan ko na po kayo. maikli lang to at... ano enjoy niyo nalang... :]]]]]
AT HINDI pa ito ang last chapter. yung susunod last na
Part 10 : Exposed
3rd person POV
Isang oras na ang nakalipas mula nung makipagkasundo ang binata sa pinakamamahal niyang babae. Tumila na rin ang ulan at nagsimula ng lumabas ang buwan.
"Bakit nginingitian mo pa ako? " sambit ng binata sa buwan. Halos ginawin na siya mula sa kinauupuan niya pero wala parin siyang balak umuwi. Ang gusto lang niya ay mapag-isa.
Inaasahan na niya ang ginawa ng dalaga kanina. ang makipag-hiwalay, Dahil alam niya na pag-sinabi niya sa dalaga na aalis siya ay maaring iwan rin siya nito. Kaya mas ayos sa kanya kung hindi na malalaman ng dalaga iyon...Kahit na siya lang ang nasasaktan.
"gusto... ha-ha... mahal kita Jules eh.... mahal... pero parang hindi naman ata tayo pareho'" Muli niyang naalala ang sinabi ng dalaga sakanya. Gutso ko siya. bakit nga ba iyon ang naisagot niya ? Ang totoo mahal na mahal niya iyon hanggang sa puntong tatanggapin niya kahit na may mahal ng iba ang dalaga.
Tumayo na si Julian at nagsimulang lumakad papauwi. Tuyo na ang mga mata niya at wala na itong mailalabas pa na luha. Lumakad lang siya papauwi at hindi na sumakay pa.
'Gusto kong mapag-isa' yan parin ang iniisip niya. Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na sabihin sa dalaga na aalis siya. Aalis siya ng bansa ngayong gabi at magtatagal siya doon.
Nung isang araw ay tumawag ang kapatid niya at sinabing may problema daw sa kumpanya
nila sa america, Siya lang ang makaka-ayos nito. Hiniling daw ng isa sa kasosyo ng ama nila na ipakasal si Julian sa anak nito. Hindi pumayag ang ama niya kaya't nagalit ang ka sosyo nito.
Sinubukan na itong gawan ng paraan ni Julian sa pamamaggitan ng pagtawag pero hindi parin iyon sapat, wala na siyang nagawa pa.. kailangan niyang umalis at personal na kausapin ang kasosyong iyon.
Pagdating niya sa Condo niya ay tahimik lang ang paligid. Dumiretso siya sa banyo at agad na naligo. 'Wala na, wala na akong magagawa. Babalikan kita '
Nakaligpit na ang mga gamit niya sa sulok at handa na siyang umalis. Tinitigan niya ang cell phone niya na parang may inaantay na tawag. Hiniling niya na sana panaginip ng ang nangyayari at mamaya tatawag ang dalaga sa kanya , Magkukulitan sila at hindi nila ibaba ang tawag hanggat hindi pa tulog ang kahit isa sa kanila.
*krnggg*
"Hello ? " mabilis na sinagot ni Julian ang tawag, nagbabakasakaling ang dalaga ang nasa kabilang linya
(Julian, nasan kana ba? huwag mo sabihin hindi ka sisipot dito sa airpor- )
"Hindi auntie, paalis na ako. " ibinaba niya ang tawag. Bumugtong hininga siya bago kinuha lahat ng gamit niya at lumabas ng condo
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Pagdating niya sa airport ay nandoon na ang tiya niya.
'Hindi naman siya sasama ah' inisip ng binata. Medyo naiinis din kasi siya dahil sa lagi siya nitong pinagkakasundo sa mga babaeng 'di naman niya kakilala. Bata pa naman siya, kaya alam niya kaya niyang maghhanap ng babaeng mamahalin. Hindi yung ipinagkakasundo lang siya
"Julian... " Hindi kumibo ang binata. 'Ni hindi nga niya ito niyakap, wala siyang ginawa kundi tumitig sa malungkot na mukha ng tiya niya
"siguro galit ka sakin " Nakita niyang bumuga ito ng hangin at may iniabot na papel sa binata
"Hindi ako hihingi ng tawad Julian. Kasi Sigurado akong balang araw ang ipagkakasundo ko sayo ay mamahalin mo " Ngumiti ito bago tumalikod. Binuksan niya ang papel na ibinigay ng tiya niya sa kanya. Tumakbo si Julian at niyakap ito mula sa likod
"Auntie.. salamat" naramdaman niyang tumulo ang mga luha nito. Madalas kasi ay pinapainit lang ng binata ang ulo ng tiya niya... Pero ngayon naramdaman niya na na hindi lang pala puro pakikipagkasundo ag alam ng tiya niya, na nag-aalala din ito sa kanila
Pumasok na siya sa waiting area at ilang minuto nalang ay darating na ang eroplanong sasakyan niya. panay parin ang tingin niya sa cell phone niya. Bakas pariin sa mukha niya ang pag-asang tumawag o kaya mag text man lang ang dalaga.
pero wala.
"passengers of flight-158, All passengers holding tickets please proceed to gate two"
Natuon ang tingin niya sa speaker. Hindi maitatago ang lungkot sa mg mata niya.
'hindi siya darating' Tumayo na ang binata. Kahit na mabigat parin ang loob niya ay kailangan na niyang umalis. Bigl niyang naalala ng mukha ng dalaga, napangiti nalang siya
' Hindi ko naman sinabi sa kanya kaya bakit siya darating? t@nga talaga ako' Lumakad na siya papasok sa gate.sahuling pagkakataon ay tumingin siya sa pinanggalinggan niya. Ngayon hindi na malungkot ang mga mata niya. Makikita mo ang malakas na determinasyon. Determinasyon na makakabalik siya dito matapos ang siyam na buwan.
Sa totoo lang ay hindi siya sigurado na makakabalik siya ng ganun kaikling panahon. Pero porsigido siya. Gusto niyang makarating sa ping-usapan nilang lugar sa eksaktong araw na nagkasundo sila.......
"hintayin mo sana ako sleeping beauty... "
BINABASA MO ANG
Dancer My Loves
RomanceA side story about a girl and A mischievous Dancer. Magkakaroon to ng extended edition hehe