Part 11: Dancer My Loves
Here I go,
Scream my lungs out and try to get to you,
You are my only one.
I let go,
There's just no one that gets me like you do
You are my only,
My only one.
Ngumiti ako ng marinig ang chorus nito. Sa siyam na buwan na nilagi ko sa America, hindi ako nagsasawang iplay ito. Lalo na ngayon na babalik na ako ng Pinas.
Sayang, kung naging kami sana ni Sleeping Beauty, sana kasama ko siya ng halos isang buong taon dito.
Sayang, hindi niya nakita si Liberty.
Sayang...
Mahal ko pa naman yun. Sana nakita ko yung malapad niyang ngiti habang binabagtas namin ang mga daan sa New York. Marinig ang mga tawa niya tuwing manunuod kami ng mga comedy flicks at higit sa lahat ay ang maramdaman na ako ang dahilan ng pagtawa at kasiyahan niya.
Kahit hindi ko alam ang pangalan niya. Sana nakasama ko siya. Sana sabay kaming gumala dito. Sana kilala niya na parents ko. Sana nasabi kong mahal na mahal ko siya.
Pero dahil sa isang katangahan, yung trip na masaya sana ako, nagkagulo na.
Mas okay pa sana kung hindi na lang ako pumayag na pumunta at kausapin yung pamilya nung babaeng pinipilit sa akin. Kung Hindi lang sana nakasalalay ang kumpanya ng Ama ko hindi sana ako aalis. Nang dahil sa pagbabanta ng kososyong iyon ay may tao tuloy akong nasaktan at iniwan.
Pero bumalik naman ako, diba ?
Sa siyam na buwang dumaan, mahal ko parin siya. Bawat picture niya, hindi ako nagsasawang tignan. Sa ngiti niya, kumakabog ang dibdib ko na para bang nasa harapan ko lang siya. Sa kanya ako kumuha ng dahilan para bumangon sa umaga.
At siya rin ang dahilan ng pagtulog ko ng mahimbing.
Kung hindi ako nagpakatorpe sa nararamdaman ko, sana naging kami.
Pero sana hindi rin siya sumuko. Sana tinatagan niya lang ang loob niya.
Kung naging kami, sana may dahilan na ako para umatras ng tuluyan sa kasalan.
Sana siya yung haharap sakin sa altar at susuotan ko ng singsing.
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Nang lumapag ang eroplanong sinasakyan ko, hindi ko na alam kung anong mararamdaman. Magulo ang isip ko at hindi maitatagong kinakabahan ako. Ganoon parin pa ang ugali niya? Eh yung itsura niya? kahit ano pang maging itsura niya ay maganda parin siya para sakin. Pupunta kaya siya sa tagpuan namin? Nakapaghintay kaya siya?
Kaya ko kaya?
Pinaglaruan ko ang maliit na box sa kamay ko. Binigyan na ng taning yung pagdedesisyon ko. Kailangan ngayon, may pipiliin na ako. Kung hindi ko siya aayaing magpakasal ngayon, mapupunta ako sa babaeng hindi ko naman gusto.
Sana pumayag siya, kasi siya na lang ang gusto ko.
Siya lang ang babaeng pinangarap kong makasama.
9 months akong nagulila sa kakulitan niya. Tinamaan kasi talaga ako. Kung sinu-sino nang pinakilala sakin pero wala. Kahit na gaano pa kayaman o kaganda ng mga ipinapakilala sakin ay wala paring nakapantay sa kanya. Walang kahit ano at sino.
Umuwi ako sa dati kong condo. Walang nagbago 'ni isa sa mga gamit ko. Pati ang mga litrato ay nasa lamesa parin. Malinis ang buong lugar at gaya ng dati walang alikabok sa makikita kahit pa sa sulok. Pinatili nilang maayos ang condo ko.
BINABASA MO ANG
Dancer My Loves
RomanceA side story about a girl and A mischievous Dancer. Magkakaroon to ng extended edition hehe