Chapter 2- Away sa Likod ng mga Ngiti

14.4K 351 6
                                    

Violet

"Hindi ka pwedeng pumunta sa Monte Carlo." Sabi ni Summer sa akin. Nakaupo kami sa pinakamalayong table para hindi makita ng mga titos and titas na nagtatalo na naman kami.
"Why not?" Tanong ko sa kanya.
"Violet, ano bang balak mong gawin sa buhay mo?" balik na tanong ni Summer.
"Teka nga... I have my own money, Summer. Kumikita ang blog site ko. And I am a racer."
"Not professionally..." Sumbat niya. Lalong nag-init ang ulo ko.
"Violet, hindi ka si daddy. Babae ka. Kailangan mong magkaraoon even a little dream... Saan ka pupulutin sa pinagmamalaki mong mga trabaho?" Pangaral ni Summer.
"I am not you..." I said through gritted teeth. "I will never be like you whose life was already written in a 10-year plan."
"Kaya walang sumeseryoso sayo eh... They see you as a joke because you are not taking your life seriously." Sagot ni Summer. Nagkakainitan na kami ng ulo.
"Would you please go back to your organize life Summer and leave me alone?"
Tinitigan ako ng matalim ni Summer bago ako iniwang mag-isa. That...hurts...
Kaya ba kung pagbintangan na lang ako na bad influence ay dahil isa akong malaking joke sa kanila?

"Violet, okay ka lang?" Tanong ni Kiro sa akin. Nakaupo na siya sa upuan na binakante ni Summer.
"I'm fine." Sagot ko. Ano na naman ang sasabihin nitong lalaki na ito?
"Sorry nga pala sa mga nasabi ko."
Nyek... hindi iyon ang inaasahan ko.
"Alin doon?" Tanong ko.
"Yung napagbintangan kita... I know, I don't know you at all... And I'm sorry for assuming the worst in you." He said sincerely.
"Lahat naman ng tao ganun ang tingin sa akin eh." Sagot ko. Kahit nga yung magaling kong kapatid eh. 
"Then they are doing the same mistake that I did." Sabi niya. Tumango na lang ako. May lagnat yata si Kiro. Ano ang nakainin nito?
"Next, I want to thank you for standing by with Sakura. For keeping her align. She told me that you even defend me to her."
I snorted but didn't reply. Hayop na Kiro 'to... Kaseryoso ng tinamaan ng magaling.
"Can we be friends?"
"Okay ka lang ba Kiro?" Natatawang tanong ko. Hindi ko na napigilang tanungin...Baka may taning na ang buhay kasi at nagpapaalam na.

"Sakura changed you. Hindi ka nga namin makausap dati, ngayon kusa ka pang nagsosorry."
Ngumiti lang ang gago.
"Friends," I said. Nilahad ko ang kamay niya at nagshake hands kami.

I saw Lucas went to the wine bar and Summer is in there. Syempre, yung matinong kapatid ang gugustuhin niya... Kahit ang parents ko sumuko na sa kakasabing ayusin mo ang buhay mo Autumn...

"Masarap bang maging solong anak?" Naitanong ko bigla kay Kiro.
"Last month meron akong tatlong kapatid eh, ngayon, mag-isa na lang ako." Sagot niya.
Nangiti ako. Oo nga pala, nagkusang umalis sa bahay si Kiro dahil sila na ni Sakura. "Shinota mo yung isa eh." Biro ko.
"Hindi ko type yung natirang dalawa." Biro naman niya. "Family is family, Violet. Kahit ano pa ang hindi nyo pagkakasundo. Sa huli, magpapasalamat ka pa dahil may kapatid ka."

Tumango ako. May point naman siya at alam ko naman yun. "I am just tired of proving my worth to everybody and they only see Summer."

"Someone will come for you, Violet. Someone who will believe in you without you proving your worth." Sabi nito.

Napapailing na lang ako. "Nahawa ka na kay Kuya Gab."
He chuckled. "Huwag kang magmukmok dito. Sumama ka sa mga kaibigan mo."
"Thank you Kiro. Alagaan mo si Sakura ha?" Bilin ko sa kanya bago ako pumunta sa table ni Brook, Xykie at Sakura.

"Bati na kayo?" Tanong ni Brook pagkalapit ko sa table. Si Wiiliam naman ang kausap ni Lucas ngayon. At mukhang nagtatalo din ang dalawa.
"Ano ang pinakain mo kay Kiro, bakit ang bait?" Tanong ko kay Sakura.
"Mabait naman siya, dati pa." Sagot ni Sakura. I rolled my eyes.
"Bakla, patingin ng sing-sing mo." I said to Xykie. Binigay niya naman ang kanang kamay niya at pinakita ang sing-sing na nakakasilaw sa laki ang bato.
"Hindi ka kaya maputulan ng daliri kapag isinuot mo yan sa Metro Manila?" Biro ko.
Natawa si Xykie. "As if napupunta ako dun." She made a face.
"Oo nga naman. Hindi nga makalabas ng tower si Rapunzel." Biro ni Brook. Hinampas ni Xykie si Brook sa braso. Napaaray si Brook sa lakas ng hampas niya.
"Pambihira, ang bigat talaga ng kamay mo." Angal ni Brook.

Ngumuso si Sakura sa gawi ng table nila Ralph. Kasama niya si Summer at Camilla. "Ano ang drama nyong dalawa?" Tanong niya.
"Same-same," I replied. Uminom ako ng iced tea at tiningnan kung nasaan na si Lucas. Nakita ko siyang palabas ng venue.
"Ano na naman ang pinagtalunan nyo?" Tanong ni Xyk.
"Yung magulong buhay ko." Sagot ko.
Natahimik ang tatlo.
"No offense meant bakla, ano ba ang magulo sa buhay mo?" Tanong ni Brook.
Nayayamot akong tinabing ang buhok ko na napunta sa mukha ko dahil pag-iling ko. "Because I am a joke, at least yun ang intindi ko sa sinabi ni Summer."
"Baka naman hindi iyon, bakla. Hindi kasi kayo makapag-usap ng hindi nagwawalk-out ang isa sa inyo eh." Sabi ni Sakura.
"Ano bang masama sa sundan ko ang dream ko?" I asked.
"Wala." Sagot nilang tatlo.
"Exactly... So bakit parang ang loser ko dahil wala akong negosyo kagaya niya? Walang fix na income... Pero masaya ako sa blog na ginagawa ko. Kumikita ako doon... And racing is my dream so I followed it. So bakit parang mali iyon sa paningin ng pamilya ko? Because I am a woman?"
"Hindi naman siguro, Violet. Baka nag-aalala lang sila sayo." Sabi ni Brook.
"I may not be as rich as my sister, I don't have a penthouse sa Grace Hotel kagaya niya...Heck, I don't even have a plan sa Monte Carlo kung bakit ako pupunta doon. Gusto ko lang kumuha ng video for my vacation blog. But at least I am happy...until she pokes on my life." Nagmumukmok sa kwento ko sa kanila.
Hinawakan ni Xykie ang kamay ko. "Kung saan ka magiging masaya, Violet, nasa likod mo kami."
Buti pa ang mga baklang ito... nakakaintindi! Bakit si Summer, ang kitid ng utak?!

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko pero hindi ko muna pinansin.

"Daan kang Cordonia kung sawa ka na sa Monte Carlo. Baka gusto mo din gawan ngvideo." Dagdag ni Xykie.
"Sige ba... tingnan ko, hindi ko magaling magplan kaya susulpot na lang akobigla." Sagot ko.

Someone Who Believes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon