Chapter 9- In Trouble

9.7K 296 5
                                    

Violet


After namin kumain, nagpaalam na si Lucas na babalik na daw sa hotel niya. I, on the other hand, kumuha pa ako ng videos para sa vlog ko. It was mid-afternoon nang makabalik ako sa hotel and I was planning to walk around later after dinner.

So, nagpahinga muna ako sa hotel ko with the view of that half naked man na nakatambay sa veranda na parang si Dambo sa laki.

Philip called me and said that he already transferred my money to my account minus the taxes and wire transfer fee. Sinend din niya ang resibo sa akin. I checked my accounts and who would have thought na may naipon na akong millions of dollars ng dahil sa drag race?

After kong mag-edit, ng unang video ko, I posted it to my Youtube channel, and to my other social media account. There, another income na naman yan. Not much gayang racing, but enough para panggastos ko.

I ate my dinner sa isang café near my hotel. The weather is warm pero hindi kasing init sa Pinas kaya masarap maglakad. Madalas akong pagsabihan ni Kuya Gab about sa paglalakad ko nang mag-isa sa gabi. Meron kasing ibang feeling kapag gabi... mas payapa...tahimik.

Nagpunta ako sa Jardin Exotique de Monaco, isang garden na nakatanaw sa dagat. Medyo marami pang tao dito kaya palagay ang loob kong okay pa ako. Maganda ang lugar, maraming cactus... At huwag ka, may bulaklak ang mga cactus. Mayroon din mga exotic na mga bulaklak na ngayon ko lang napagkita. Meron pa nga akong kinuhanan ng picture na bukalak na kulay Violet. Habang busy ako sa pagkuha ng video, hindi ko napansin na may tumabing dalawang lalaki sa akin. It's already late ng namalayan ko ang balak nila. Someone has already put a cloth on my mouth and nose that made me dizzy.

I woke up in an unfamiliar surrounding. Sobrang bigat ng ulo ko. I started to feel the panic that is creeping on my nerve. Where the hell am I? Ok, Violet, kalma...Kalma lang...Then think...

Medyo mauga...maalon? Nasaan ako? Walang bintana sa kwarto... May parating... Pinilit kong kumalma nang bumukas ang pintuan at ilaw.

"You're awake." Sabi ng lalaki. Pinakatitigan ko ito at natatandaan ko siya... Isa siya sa mga nakalaban ko sa race kagabi.
"What are you now, you arrogant bitch?" Lumapit ito sa akin at sinampal ako ng malakas. Napahiga ulit ako sa kama dahil sa lakas ng sampal.
"Show me your razor sharp tounge and you will see the real me." Sabi nito. Humanda ka kay Kuya Gab. Makatakas lang ako dito, ipapahunting kita.
"Mauricio, later... You will have your time with her later. Leave us." Sabi pa ng isang lalaki sa may pintuan. Nang umalis ang lalaking tinawag na Mauricio doon ko nakita si Alberto.
"Violet, isn't?" Sabi nito. Sinarado nito ang pintuan.
"How about we make a truce? You will do what I want or I will destroy you?" Sabi nito. Hinatak niya ang paa ko palapit sa kanya...

Nagpupumiglas ako. "Let me go... Let me go..."
Hinila ni Alberto ang mga damit ko. Pinunit niya ang mga ito hanggang sa mahubaran ako. I get the bed sheet to cover my naked body.... Hayop ka...Humanda ka kay Kuya Gab...Ipapapatay kita.
Kahit natatakot ako, hindi ako umiyak. Magfocus ka Violet... Magfocus ka.

Hinablot ni Alberto ang bedsheet. Nakahubad akong kinuhanan ng video ng gago. Halos magdugo ang mga labi ko sa sampal niya kapag itinatago ko ang mukha ko sa video. When he is done, he throws the bedsheet to me. Mabilis kong kinuha ang bedsheet at itinakip ko sa katawan ko.

"Now slut... I want my two houses back from Lucas. Race again tomorrow and make my man win. It's not a request." Nilaro laro niya ang cellphone na hawak.
"My man will be here in a minute to know you better..." Sabi pa nito bago ako iniwan sa kwarto.

Mabilis akong pumunta sa pintuan...naka-lock...

Nanginginig man ang mga kamay ko, pilit kong kinuha ang mga hair clip na nasa ulo ko pa. Tinuruan ako ni Kuya Gab na magbukas ng lock gamit ang hair clip. Gawain namin sa bahay dati para hindi mahalata ni daddy na tumatakas kami sa gabi. Nadidinig ko ang mga yabag galing sa itaas.

"Come on." I murmured habang pinapasok ang mga hair pin sa door lock.

Isang hair pin pa ang isinuot ko sa door lock at nabuksan ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sinilip ang labas. Makipot ang pasilyo pero walang tao. Itinapis ko sa katawan ang bedsheet at dahan dahang lumabas. Maingat akong umakyat sa makipot na hagdanan papanik sa taas. Tama ang hula ko, nasa gitna kami ng dagat. Nadidinig ko ang boses ni Alberto sa kung saan. Wala ng oras para hanapin pa ang cellphone niya, kailangan ko ng makatakas.

Lakas loob akong lumakad papunta sa gilid ng yate. Tanaw ang iba bang yate na nakahinto sa dagat. Malayo ang pampang ng Monte Carlo na nasa kabilang dulo. 

Tunog ng paa pababa ng hagdanan ang nadinig ko, wala na akong oras para mag-isip. Hinubad ko ang bedsheet na nakatakip sa katawan ko at hinagis sa dagat.

Tumakbo ako sa kabilang gilid ng yate, salamat at walang nakakita sa akin at tumalon ako sa tubig. Mabilis akong lumangoy palayo sa yate ni Alberto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, masakit na ang mga braso ko kakalangoy at hindi ako aabot sa pampang. Napansin na rin nila Alberto na wala na ako sa yate nila dahil dalawang jetski ang mabilis na lumabas sa yate at pinaikutan ito... Medyo malayo na ako sa kanila at tinungo nila ang gawi kung saan ko binato ang bedsheet.

Isang yate ang malapit sa akin... Ito na lang ang pag-asa ko. Nilangoy ko ang natitirang ilang metro papunta sa nakahintong yate. Ginamit ko ang chain ng anchor para makasampa ako sa bandang likuran. Nanginginig ang katawan ko sa lamig ng hangin pero kailangan kong makarating sa deck para makahingi ng tulong bago pa ako makita ng tauhan ni Alberto. Kahit nanghihina, pinilit kong abutin ang railing para makaakyat ako papunta sa deck. Nagsimula na akong mahilo ulit, kasama pa ang panlalambot at ginaw... pinilit ko ang katawan ko sa huling lakas na meron ako para maiangat ang buong katawan ko. Kalahati ng katawan ko ang nasa deck nang mawalan ulit ako ng malay. This time, hindi ko alam kung makakaligtas pa ako.

--------------
A/N
Naku...humanda kayo kay Gabriel.
Sanggang dikit pala sila ni Violet. Lagot ka Alberto.

Someone Who Believes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon