Chapter 15- In Her Defense

10.2K 347 33
                                    

Violet

Nagising akong nakayakap si Lucas sa akin pero sobrang ilag naman niya ng buong maghapon. Parang kahapon, sobrang sweet niya noong naliligo kami sa dagat, tapos biglang ang cold niya.

Pagdating namin sa Rome, sumakay kami ng private charter papuntang Cordonia. Buong biyahe namin, tahimik si Lucas. Lalong kumunot ang noo nito nang biniro kosiya.
"Nasa midlife crisis ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
And the looks that he gave me made me shut up. Hay... Saan ba ako lulugar?

Pagdating namin sa Cordonia, meron agad na kotse na naghihintay sa private airport nila. Deretso kaming pumunta sa bahay ni Henry. Nandoon na si Kuya Gab at Kiro, kasama si Sakura...at Summer. My heart fell when I saw her. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang gap sa amin ni Summer pero ramdam ko na meron.

"What happened to you?" Tanong ni Summer. Hindi maganda ang tono nito.
"I'm fine. Thanks for asking." I replied sarcastically. Napatingin si Summer sa mga taong nakapaligid sa amin. Mukha siyang napahiya.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Sakura. Yumakap siya sa akin pati na si Xykie. Mabuti pa sila, pero ang kapatid ko? Never mind.
"Thank you Lucas for taking care of her." Kinamayan ni Kuya Gab si Lucas.
"She found my yacht. The situation just favored her." Lucas replied.

"Sakura and I already erased every copy of that video, Violet. Unless merong nakasave sa flash drive. But I made a program that will detect that video. If ever merong gagamiti ng flash drive na may copy ng video mo, automatic na maeerase agad ang video." Sabi ni Xykie sa akin.
"Thank you, Xyk. Salamat Sakura." I told them sincerely. Naiiyak ako sa kabaitan nila.
"See what happened, Violet. This is what we are saying to you... Hindi ka pa nadala nang maaksidente ka. Look what have you done." Sumbat ni Summer.

Napako ako sa kinakatayuan ko. This is why I don't want to ask for help... The blame will fall on me.

"This is not her fault," Lucas replied to Summer.
"Your sister is the victim here. She didn't ask to be kidnapped. She didn't ask any of this."

"If she just listens to us, she will not be victimized." Giit ni Summer. Unti-unti ng umiinit ang ulo ko.
"Shut up, Summer," I told her.
"You shut up. See, kita mo ang abala na ginawa mo? Kuya Gab has his own family pero pinuntahan ka dahil nasa trouble ka na naman." Sumbat niya.
"Summer." Pagbabawal ni kuya Gab pero ang mahadera kong kapatid, dere-deretso sa panunumbat.

"Why can't you just grow up? Ano ba ang gusto mong patunayan? Kaya ka napahamak dahil kasalanan mo rin naman." Sabi ni Summer.
"Shut up. I swear lady if you will not shut your mouth I will make it shut up permanently. You don't know what happened. You don't even know that your sister didn't want any of your help. I am the one who called Gabriel not her. I am the one who told Xykie what happened not her. She doesn't even want to see you so why you are here? She is the victim. She didn't ask for this. She was almost raped."Lucas shouted which make Summer pale and my knees buckled. Sakura and Xykie help to sit.
"Kung wala kang masasabing maganda, shut your mouth para makatulong ka. Walang humihingi ng opinion mo." Dagdag ni Lucas.
"She is my sister." Ganting sagot ni Summer.
"Then act like one." Pangbabara ni Lucas.

"Morris..." Tawag ni Lucas sa butler ni Henry na nakatayo sa tabi ng bintana.
"Bring this lady to her room if she has... We will talk about something important which do not require her presence. Give her tea to calm... with your Master's permission, of course." Walang emotion na utos kay Morris. Henry cleared his throat.
"Morris, please do what Your Grace told you to do." Sagot ni Henry.
"Yes, My Lord. As you wish, Your Grace. Lady Summer, this way please." Sabi ni Morris.
Naningkit ang asul na mata ni Summer at nagdadabog na lumabas ng library.

"Huwag mo ng pansinin si Summer." Bulong ni Xykie sa akin.
"Pasensya na, wala akong nagawa noong sumama siya. Kasama ko kasi siya noong tumawag si Xykie sa akin." Hinging paumanhin ni Sakura.
"Okay lang. Alam ko naman na ganun ang sasabihin niya." Nanghihinang sagot ko.
Kuya Gab squatted in front of me.

"Tell me everything that happened Autumn... Every fucking thing that they do to you." He calmly said.
"I'm sorry," I murmured to him.
Niyakap ako ni Kuya Gab. "It's not your fault, Violet."

Kahit nanginginig ako sa takot, kinuwento ko ang buong nangyari sa akin. Mula sa drag race hanggang sa nakidnapped ako sa Jardin. And ginawa sa akin ni Alberto sa yate. Ikinuwento ko kung paano ako nakatakas at kung paano ako nakita ni Lucas.

Ikinuwento ko iyon sa harap ng mga kaibigan ko at kay Kuya Gab.

"He will pay for what he did to you." Sabi ni Kuya Gab.
"Kuya, huwag na. Baka mapahamak ka. Prinsipe yun eh."
"Wala ka bang tinawala sa akin?" Tanong ni Kuya Gab.
"Meron. Pero tama si Summer, may family ka na."
He snorted. "Hintayin mo ang gagawin nila kapag nalaman nila ang nangyari sayo. Maghahalo ang balat sa tinalupan. Huwag mo ng pansinin yang kapatid mo. Manang yun eh." He dried my tears.
"Masaya 'to." Sabi ni Kiro. "Asul nga kaya ang dugo ng royal?" Tanong niya.
"Let's do the hunting..." Pumapalakpak na sabat ni Sakura.
"Sasama ka?" Tanong ni Xykie kay Lucas.
Tumango si Lucas.
"Do we need to tell Ate Jack?" Tanong ni Sakura. "Baka bored na yun sa palasyo niya."
Naiiling na lang si Henry sa kanila. I look at them... My friends are willing to help me in any way they can. Hindi man tama sa paningin ng iba ang gagawin nila...who am I to blame them?

I look at Lucas and saw that he is looking at me. I mouthed my thanks to him and he nods at me. Ano na kaya ang inissip niya sa akin ngayon?

---------
A/N

Gusto kong tagain si Summer sa mga oras na ito...

Someone Who Believes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon