Introducing

501 23 7
                                    


Hi! My name is Raymond Castillo. You can call me Zain. 21 year's na akong namumuhay sa mundong ibabaw. Graduate na ako sa kolehiyo at mayroon na rin akong trabaho. I am a Roman Catholic. Bininyagan ako sa Catholic Church. Tinuruan ako on how to do a sign of a cross since I was young. And this really gave high impact to my life. But life is amazing, meeting new people with different races and beliefs is opportunity to build who you are.

Isang araw, nag-uusap kami ng Mama ko at todo puri siya sa akin na ganito daw ako. Na gwapo raw ako. Naniwala naman ako sa kanya dahil Nanay ko siya e pero hindi ako nakontento sa sinabi ng Mama ko kaya naghanap ako ng salamin to know the truth.

Napangiti nalang ako nang makita ko na ang sarili ko sa salamin.

Totoo nga! Gwapo nga talaga ako. Maganda kasi ang hugis ng mukha ko at matangos ang ilong.

'Yong ngiti ko pa ay parang pang-commercial na ngiti sa toothpaste. Ang ganda kasi lalo na maputi ang ngipin ko at sobrang bango pa ng hininga ko.

Nyahaha!

Idagdag mo pa ang mapupula kong labi. 'Yong tipo ng labi na inaasam asam ng lahat na mahahalikan. Mwah!

Hindi ako nagyabang huh! Totoo ang lahat na sinabi ko.

Hindi ko namalayan na lumapit pala si Mama sa akin.

"Grabe naman ang ngiti mo d'yan Zain." sabi ni Mama.

Tumawa nalang ako at sinabi ko ang totoo. "Ang gwapo ko kasi 'Ma."

"Sos!" ngumiwi si Mama. "Teka Anak, kailan mo ba ipakilala sa amin ang boyfriend mo?"

Huh? Nanlaki ang mga mata ko.

Anong nangyari kay Mama?

I don't hide my true gender sa pamilya ko. They already knew na ganito na ako. Na lalaki ako pero nagkagusto ako sa isa ring gwapo.

Yes! I'm gay but lalaking lalaki sa panlabas na kaanyuan.

Hindi ako 'yong tipong pumutok ang make-up para lang ma-attract ang mga lalaki sa akin. Hindi ako nagdadamit ng pambabae kahit gustong gusto kong mag ala-Cinderella dahil sa ganda ng gown niya. Hindi ko iniipit ang boses ko para lang magtunog na parang babae at hindi ako kumikimbot kung maglakad. Hindi ako gano'ng tao dahil naniniwala ako na kung gusto mong umani ng respeto, umasta ka ng karespe-respeto. Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanila. Hello! Tao rin sila at kailangang respetuhin.

NBSB pala ako. No Boyfriend Since Birth. Hindi ko sinabing high standards ako kundi it's my choice to become single.

"Ano'ng boyfriend ba?" instead na sagutin ko si Mama sa tanong niya ay tinanong ko rin siya. Ahahaha!

"Ikaw nalang kasi ang walang pinakilala sa amin. 'Yong dalawa mong kapatid ay meron na!" sagot ni Mama.

Oo nga no? Si Ate at kuya kasi ay meron na pero ako wala pa.

Pero maghihintay pa rin ako dahil darating din ang araw na makikita ko ang Mr. Right ko.

"Hahaha!" tinawanan ko lang si Mama. "Parang ikaw yata ang nagmamadali 'Ma ah!"

"Ano kasi Anak, gusto ko ng maranasan mo ang umibig."

"Bakit?" naguguluhan kong tanong kaya nagkasalubong nalang ang kilay ko.

"Para handa ka o maranasan mo kung sakaling mabigo ka sa pag-ibig."

"Hahaha! Si Mama talaga oh! Bigo agad?"

"Ganito kasi 'yon Anak. Paano kong masaktan ka dahil sa pag-ibig?" tanong niya.

Hindi ako sumagot kundi kumunot nalang ang noo ko.

Hindi pa nga ako umibig tapos sakit na ang mararamdaman ko?

Tsk. Tsk.

"Alam mo kasi Anak, mahirap kapag nasaktan ka. Nakakabaliw!"

"Hahaha!" tumawa nalang ako.

"Bakit ka tumawa?"

"Alam mo kasi 'Ma, ang pag-ibig ay hindi nakakabaliw. Ang nakakabaliw ay 'yong hindi kumain. Kaya sa ngayong wala pa akong minahal, kakain muna ako ng marami dahil kung sakaling darating na 'yong taong magmamahal sa akin at sasaktan ako ay hindi na ako mabaliw kasi marami na akong kinain. Hehe."

Tumawa nalang si Mama.

Nakapanggigigil din 'tong si Mudra e. Ang sarap tirisin. Hahaha joke.

Lumabas nalang ako ng bahay para magpahangin.

Biglang tumawag si Lester.

Si Lester ay kasamahan ko sa work pero kaibigan ko lang siya. Hindi lang basta kaibigan kundi super close na kaibigan and we even called each other as "Bai". Dumating ang point na mapagkamalan na kami ng mga kasamahan ko sa trabaho na magkasintahan kami dahil sa sobrang closeness namin at dahil napaka-sweet rin na kaibigan ni Lester sa akin. Pati sina Mama at Papa ay napatanong sa akin noon kung siya na ba ang lalaking hinihintay nila na magmamahal sa akin pero hindi eh. Kaibigan ko lang si Lester. Kaibigan ko lang siya.

Ano kaya ang kailangan ng Tungaw na 'to?

Bakit kaya siya napatawag?

Bakit nga ba? Bakit nga ba napatawag si Lester?

Next chapter na agad!

Please vote and comment Guys.

Hintayin Mo Ako Sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon