And then suddenly may biglang tumawag kay Josh.
"Hi Josh! Kumusta ka na?"
I looked at him. He is a very handsome and a decent guy. Parang medyo bata pa siya sa amin ni Josh kung tingnan. Parang 2 years younger. Ewan!
I looked at Josh. He didn't utter any words. He just stared the guy infront of him.
I am confused. My mind is in commotion.
Tumingin ang lalaki sa akin so I gave him a smile. Normal na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Likewise, ngumiti din ang lalaki sa akin.
Since walang reaksiyon si Josh, siniko ko siya.
I dont know pero no'ng siniko ko na siya ay para bang bumalik siya sa pagkatao niya.
At dahil sa nangyari sa kanya, late na ang reaksiyon niya doon sa lalaki.
"Oh, hi Charles!" late na reply ni Josh kay Charles.
So, Charles pala ang name niya.
"Long time no see ah!" sabi ni Charles kay Josh. "So kumusta ka na?"
"I'm doing good." sagot ni Josh at tumingin si Josh sa akin. "By the way, this is Zain. Kasintahan ko."
Pinapakilala ako ni Josh kay Charles.
"Oh?" sagot ni Charles.
Parang sarcastic pakinggan ang pagkasabi ni Charles ng "Oh."
Pinansin ko si Charles. "Hi!"
Tipid lang ang sinabi ko kay Charles kasi tipid din naman ang reaksiyon niya.
Dumating pa ang iba pang mga ka-churchmates nila so umalis si Charles at ini-entertain niya ang dumating.
I look at Josh and I can really since na iba talaga ang reaksiyon niya when he saw Charles.
Bakit kaya gano'n siya?
Hindi ko nalang pinansin 'yon dahil nag-start na rin ang celebration ng birthday party ni Pastor.
While on going ang celebration, napansin kong bihira lang makipag-usap si Josh. Hindi din siya nakikipag-mingle sa iba.
Ano kaya ang nangyari sa kanya?
"Josh," sambit ko sa kanya.
"Hmm?" tumingin siya sa akin.
"Okay ka lang?" tanong ko.
Tumango siya. "Okay lang ako Zain."
Sobrang tahimik ni Josh. Parang bigla nalang siyang nagbago.
Nakaupo lang kaming dalawa ni Josh.
Wala ako masyadong kausap since ayaw naman niya akong kausapin kaya nakaramdam na ako ng antok.
Inaantok na talaga ako at parang ang sarap na talagang matulog at nang tiningnan ko ang orasan ay 10:00 pm na pala.
"Josh, pwede bang ihatid mo nalang ako?" pakiusap ko sa kanya.
"Bakit?" tanong niya.
"Inaantok na kasi ako. Parang ang sarap na matulog."
"Tara!"
Mabuti at pumayag si Josh kaya pumunta agad kami sa parking area ng simbahan para puntahan ang motor niya.
Hinatid niya ako hanggang sa bahay namin.
Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kaming dalawa. Hindi kami nag-uusap.
Pagkababa ko sa motor niya ay bigla nalang niya akong niyakap and he kiss my forehead.
Nagtataka talaga ako dahil hindi siya nagsalita. Para kaming mga pepe.
"Salamat sa paghatid." sabi ko.
Hindi siya sumagot at sumakay siya pabalik sa motor niya.
Sobrang nakapagtataka talaga ang mga kilos niya.
I bid goodbye sa kanya at pumasok na ako sa gate ng bahay namin.
Mayamaya pa ay narinig kong pinatakbo na niya ang kanyang motor.
Hala! Ano kaya ang nangyari kay Josh?
BINABASA MO ANG
Hintayin Mo Ako Sa Langit
قصص عامة"23 years and my life is still. It took me sometime to have the courage para magsalita pero I think, I need someone whom I could leave my heart and took care of it. And it's really you! I don't know why but may mga bagay talaga na hindi natin mae-ex...