I am so excited na umuwi na ng bahay para makapag-video call na kami ni Josh at para malaman ko kung ano ang sorpresa na sasabihin niya sa akin.
Nakangiti ako kahit nasa labas pa lang ako ng gate at nang makapasok na ako ng bahay ay bigla nalang nawala ang ngiti ko dahil sa isang pagtataka.
Nagtataka kasi ako dahil nasa bahay sila Uncle and Auntie.
Bakit kaya sila nandito?
Pagpasok ko sa may sala, parang na-shock ako sa nakita ko.
Parang gusto kong tumalon dahil sa sobrang saya.
Sobra ang saya ko nang makita ko si Josh na nasa bahay namin.
Ang laki ng ngiti ko habang nakatingin ako sa kanya.
Ito pala ang sorpresa niya sa akin. Well, nasorpresa talaga ako.
I make myself calm but deep inside ay sobrang bilis na ng pagtibok ng puso ko. I've never felt like this before. Kinilig ako dati sa kanya pero sobra ang naramdaman ko ngayon. Sobrang saya na parang kinikilig na ewan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Nakangiti si Josh habang nakatingin siya sa akin.
"Zain, kinausap na namin ang boyfriend mo." sabi ni Uncle. "Ikaw huh, hindi mo talaga sinabi sa amin na may boyfriend ka na pala!"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Uncle at tumingin lang ako kay Josh.
Never akong nagdala ng lalaki sa bahay at ipakilala sa parents. Even Bai. I've never introduced him to my parents. Only Bai himself ang nagpakilala sa parents ko na bestfriend ko siya.
Why?
It's all because that I promise to my self na ipakilala ko lang sa parents ko ang lalaki na 'yong sure na talaga akong para sa akin.
Since nagkakilala na sila, so, no need na kung ipakilala ko pa si Josh sa kanila.
Umalis sila sa sala at kaming dalawa nalang ni Josh ang naiwan sa sala.
Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko. Kasing bilis ng takbo ng train. Ang hirap habulin.
"So, ano'ng ginawa nila sa'yo dito?" nakangiti ako habang tinanong ko siya.
Umupo ako at tumabi siya sa akin.
"Wala naman!" sagot niya na nakangiting nakatingin sa akin. "Okay lang naman sila."
"Ano naman 'yong pinagsasabi mo sa kanila?"
"Wala nga!"
"Sure ka?" tanong ko.
Hindi siya sumagot at bigla nalang niya akong niyakap. As in super tight ng yakap niya sa akin and whisper that he misses me so much.
My heart beats faster and faster and faster. Parang kay hirap talagang habulin.
I miss him too but hanggang sa isip ko lang.
After ng yakapan namin ay pumunta kami sa terrace para magkumustahan.
"Kumusta ka na dito Zain?" tanong niya at hindi pa rin nawala ang ngiti niya.
Syempre, nakangiti rin ako habang nakatingin sa kanya.
Ikaw ba naman ang sorpresahin sa taong sobrang na-miss mo. Hindi ka ba sasaya?
"Okay lang." sagot ko. "Ikaw?"
"Okay lang din." sagot niya. "Alam mo, ikaw lang ang palaging iniisip ko."
Ewan ko kung kiligin pa ba ako. Kanina pa kasi akong kinilig sa lalaking 'to e.
Para akong maiihi sa lakas ng impact niya sa akin.
Hays.
Ano na ba 'tong nangyari sa akin?
Ayeee! Kinilig ako. Bussset! Ahahaha!
BINABASA MO ANG
Hintayin Mo Ako Sa Langit
General Fiction"23 years and my life is still. It took me sometime to have the courage para magsalita pero I think, I need someone whom I could leave my heart and took care of it. And it's really you! I don't know why but may mga bagay talaga na hindi natin mae-ex...