Nang lumingon ako ay doon ko lang napansin na may apat palang lalaki ang nasa sala at nakaupo sa sofa.
Kilala ko ang tatlo. Si Bai at ang dalawa pa niyang mga kapatid pero may isang lalaki na hindi ko kilala.
Nakangiti siya sa akin.
Ang gwapo niya.
Shit! Parang nakukuryente ako. Ewan!
"Hahaha! Kilala ko naman sila Tita!" sabi ko. Bumalik ang atensyon ko kay Tita.
"Uy! Hindi mo pa kaya kilala 'yong isa!" sabi naman ng Papa ni Lester. "Siya ang ipakilala namin sa'yo. Fresh from Heidelberg Germany."
Ngumiti nalang ako. Parang akward kasi.
"Bai, siya ang kaibigan ko." pagpakilala ni Lester sa kaibigan niya sa akin. "Pare! Siya 'yong bestfriend ko!"
"Hi! I am Josh!" ngumiti siya and lending his right hand for shaking at tinanggap ko naman ito.
Shit!
Parang lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko nang hinawakan niya ang kamay ko.
My Goodness!
Hindi pa nga ako nakasabi sa pangalan ko ay pinaalalahanan na ako ni Bai. "Hoy! Sabihin mo 'yong totoo mong pangalan huh! Hindi 'to joke joke lang."
Usually kasi ay hindi ko talaga hilig na sabihin ang totoo kong pangalan unless nalang kung formal occasions or events like work and special gatherings. So, nickname lang talaga ang ibinibay ko lalo na kung charchar lang.
Since nagpaalala na si Bai sa akin, sinabi ko nalang ang totoo kong pangalan.
"Raymond pala!" nginitian ko siya.
So, after kong makilala siya ay nag-exuse na ako. Naka-feel kasi ako ng awkward moment.
Nang makalabas na ako, hindi ko napansin na nakasunod pala sa akin si Bai.
"Hoy Gago! Siya 'yong ipinakilala ko sa'yo. 'Yong kaibigan kong seaman." sabi ni Bai.
Nag-isip muna ako sandali. Nakalimutan ko na kasi 'yon.
Siya na ba 'yon?
Napatanong ako sa isipan ko. Akala ko kasi ay nagbibiro lang si Bai. Tsk!
"Ahh! Kaya pala fresh from Germany huh. Hahaha!" sagot ko sabay tawa.
"Ano ang ma-say mo sa kanya Bai?" tanong ni Bai.
"Ano'ng ma-say ba? Ahh! May 2nd impression na ako sa kanya. Para na siyang nakaligo ngayon."
Hahaha!
Tumawa nalang kaming dalawa ni Bai.
Actually, noong una ko siyang nakita, it was really nothing to me. Pero to be honest, he was not that guy na 'yong iniisip ko noong nakita ko ang picture niya before. Though medyo mahaba pa rin ang kanyang buhok at may pagka-curly din pero he was neat and clean. Ang gwapo niyang tingnan. Pero kanina ay parang naiilang ako sa kanya. Para kasi akong natutunaw sa titig niya kaya umiwas nalang ako.
After sa celebration ay nag-decide nalang ako na umuwi. Gabi na rin kasi. Nagpaalam nalang ako sa mga magulang ni Bai. Sinabihan nila akong dito nalang sa bahay nila matulog pero ayaw ko.
Hindi na ako nagpahatid ni Bai kasi medyo tipsy na siya. Uminom din naman ako pero kaunti lang. So, lumabas na ako sa bahay at naglakad nalang papunta sa waiting shed.
Habang naglalakad ako, may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako.
"Raymond!" tawag sa akin ng isang lalaki.
Nagtaka naman ako kung sino ang tumawag sa akin at paglingon ko ay si Josh pala.
"Yep?" 'yan lang ang sagot ko pero patuloy ako sa paglalakad.
"Wait muna!"
Huminto ako sa paglalakad. "Bakit?"
"Pwede bang ihatid kita sa bahay mo ngayon?" sabi niya. "Okay lang ba? Kukunin ko muna ang motor ko huh!"
"No! H'wag na lang. D'yan lang naman ako sasakay." sabi ko sabay turo sa waiting shed. "Marami naman ang jeep na dadan d'yan."
"Kahit sa terminal lang kita ihatid. Matagal ang jeep dito kasi may coding sila e." sabi ni Josh.
Nag-isip muna ako.
Papayag nalang kaya ako? Terminal lang naman e.
"Ah, sige!" pagpayag ko.
"Sige! Punta muna tayo sa simbahan namin. Nandoon kasi naka-park ang motor ko."
Naglakad kami papunta doon. Malapit lang din naman ang simbahan at gilid lang sa bahay nina Bai.
Iba pala ang religion nila sa akin at 'di ko nalang sasabihin kung ano. Magkapareho pala sila ng religion ni Bai.
"Helmet ka muna Zain! Ahw, ito nalang ang gamitin mo oh kasi ginamit yan sa kaibigan ko." sabi niya at nagpalit kami ng Helmet.
Na-shock ako sa pagsabi niyang Zain. Zain is my nickname and no one calls me like that except my family and close friends. Kasi kung hindi ko close, Raymond talaga ang tawag nila sa akin.
Pero, binalewala ko nalang 'yon at isinuot ko nalang ang helmet.
"Okay lang ba sa'yo kung tatawagin kitang Zian?" tanong niya.
Ang FC naman nitong taong 'to.
"Hindi!" sagot ko.
"Why? I mean, ahmm okay hindi pala pwede." sabi niya at tumingin siya sa akin. "So, tara na?"
Sumakay ako sa motor niya at nakarating kami sa terminal na hindi man kami nag-uusap.
Ewan! Parang nahihiya kasi ako na ako ang unang magsalita. Siguro ay gano'n din siya.
"Salamat!" sabi ko sabay bigay ng helmet sa kanya nang makababa na ako sa motor niya.
Ngumiti lang siya.
Para naman akong nakonsensya. Ewan ba. Maybe I was rude sa kanya or ano ba? Hindi lang kasi ako sanay ng long talk sa mga strangers. Mabilis din kasi akong mawalan ng sasabihin.
Sumakay na ako ng jeep at hindi pa rin siya umalis hanggang sa umalis na ang sinasakyan kong jeep.
Habang nasa byahe na ako, kinuha ko ang phone ko at headset para makinig ng music.
Mayamaya pa ay may nag-pop up na message.
Unknown Number: Message me back when you're home. Josh.
Ngumiti nalang ako pero nagtataka.
Saan kaya niya nakuha ang number ko? Tsk!
Hindi nalang ako nagtaka kung saan niya nakuha ang number ko dahil alam ko na kung kanino galing.
I felt like I'm being guarded by someone unknown to me.
Hala! Siya na kaya ang Mr. Right ni Raymond? Abangan!!!
BINABASA MO ANG
Hintayin Mo Ako Sa Langit
General Fiction"23 years and my life is still. It took me sometime to have the courage para magsalita pero I think, I need someone whom I could leave my heart and took care of it. And it's really you! I don't know why but may mga bagay talaga na hindi natin mae-ex...