Chapter 14.2

350 9 4
                                    





-------

Sapphire Pearl Alcantara's POV

Ilang minuto nalang bago kami mag lunch break kailangan ko ng mag ipon ng lakas ng loob na kausapin si Phoenix.

"Okay class lunc---" hindi na namin pinansin si ma'am at dali-daling lumabas ng classroom. Gutom na kami! Bago kasi mag lunch break is math yung subject namin. Like duh. Ang sakit na ng utak ko binigay ko na yung 99.9% ng energy ko sa math.

Pero sa totoo lang wala naman akong na-gets sa diniscuss ni ma'am eh. Nakagawa pa ako ng sarili kong formula.

Bigla nalang akong may naramdaman na humawak sa kamay ko. "Please don't leave me."nakapikit siyang nakaluhod sa harapan ko habang hawak ang kamay ko. Patuloy ang pag iyak niya. Luh. ,"okay lang sakin kung manglalake ka, just please wag mokong iwan."

This is really creeping me out. Hinila ko ang kamay ko at kinausap siya.

"Kuya, i don't know you po." Unti- unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at napatayo sa gulat.

"Sorry po, napagkamalan ko lang po kayo na girlfriend ko." Tumakbo siya papunta sa kung saan man yon.

Gosh, kawawa naman yun. Walang kwenta girlfriend niya.

Bigla nalang parang tumigil ang oras. Lumapit saakin si axl at sinakal ako.
"Are you cheating on me?!" Hindi ako makahinga.

Napahiga na ako sa sahig at pinipilit na makakuha ng hangin! Ano bang problema niya!

Tinanggal niya yung kamay niya sa leeg ko at lumayo. Doon... bumalik ang oras. Lahat ngayon ng tao sa cafeteria ay nakatingin saakin. Namumutla na ako.

Bigla nalang may nagbuhat saakin at dinala ako sa clinic. Parang lalagnatin ako.

Raven's POV

Sakura Foro Hirai, my bestfriend's name.

Nandito nanaman ako sa bar, hindi para uminom kundi hanapin siya. Masamang impluwensya ba ako sa kanya as a friend?

Her first love died because of a car accident and guess what? Ako yung nakasagasa. It's just an accident pero feeling ko pinatay ko siya.

I hate myself, hindi ako makapunta sa burol niya dahil nandoon ang bestfriend ko at mga kamag- anak niya. Wala akong maihaharap. Hindi sapat ang rason na aksidente lang yon, na hindi ko sinasadya.

Namatay siya dahil sa kagaguhan ko. It's the first time na naglasing ako. Pilit akong pinapauwi ni foro kasi wala daw siya doon, that time sinabi niya sakin na papakilala niya yung boyfriend niya. Yung palagi niyang kinukwento tuwing magkasama kami.

But then, habang nagmamaneho ako napaiyak ako, since birth.. we've been together, hindi ba dapat na saakin ka lang nun?

Na may mas karapatan ako sayo? Na akin ka lang? Habang iniisip ko ang mga iyan. I crashed. Biglang nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako sa hospital. Nasa harap kita nakangiti. Why? Alam mo na ako nakapatay sa boyfriend mo. Pero bakit ngumiti ka lang?

That day, the day na nagtatago ako at tinitignan kayong nagluluksa sa harap ng kabaong ng boyfriend mo.

Gusto kong lumapit at lumuhod para sabihin na...

Sorry sa lahat ng nagawa ko.

------

Tinignan ko siya habang sinasakal siya. Who's that guy? Hindi ko magalaw ang katawan ko.

Nang nakagalaw ako ulit ay binuhat ko siya papunta sa clinic. I looked at her. She's suddenly cried. I hugged her out of nowhere.

"Shhh." Pagpapatigil ko sa kanya sa pag iyak.

"Ewan ko ba. Wala akong matandaan. Wala akong mataandaan sa mga nangyari sakin. Nalilito nako."

----

After class I promised her na ihahatid ko siya sa bahay niya. She told me na nagka-amnesia siya. Wait. Natandaan niya pa kaya kung saan siya nakatira?

Nasa loob kami ng car habang nagtuturo siya ng daan saakin pauwi.

"Diyan."

"Ay hindi!"

"Lumiko ka."

"Diyan sa kaliwa."

Tumawa siya saglit at kinurot ang pisngi ko.

"Just kidding, deretso lang." Nagpatuloy siyang magbigay ng direksyon at nahinto na kami sa harap ng bahay nila.

"Thank you, my name is Sapphire Pearl. Pleased to meet you." Ngumiti siya at nagbow sakin.

"Raven. Raven Stein."

Pumasok na siya sa bahay nila at pumasok na rin ako sa kotse ko. Pero habang nagmamaneho ako bigla may humintong lalaki sa harap ko. No please. Am i having a flashback? No! Please!

Nanginginig ang kamay ko at hindi ko makontrol ang sarili ko. Gusto kong ihinto ang kotse ko pero hindi ko magawa.

And fuck.




What the hell?!



He just stopped my car with his bare hands and looked at me. Maya maya ay biglang may lumabas na sungay sa ulo niya and his eyes darkened. Bigla siyang lumakad malapit sakin and spoke with his freaking deep voice.

"Don't you dare be close with her or i'll rip your head off." Then he vanished out of nowhere. W-What was that?

As a Maid of the VAMPIRE KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon