CHAPTER II

30K 485 99
                                    

Dedicated to @carpediemzen


The second one to guessed that Candy and Tintin are the same person. ❤️


[ Benjie POV ]


It's been three weeks since my dance summer class started. So far, I can say that it's fun. Hindi man ako kasing galing sumayaw nila Kyle at Tintin pero natuklasan kong may ibubuga din naman pala ako sa pagsasayaw.


"Kyle, bakit kayo masyadong close ni Tintin?"


"Bakit mo gustong malaman? May crush ka siguro kay Tintin noh?" Nag-init ang pisngi ko sa tanong nya. Wala naman sigurong masama na aminin ko sa kanya na crush ko nga ang kapitbahay nya.


"Hindi ko lang crush si Tintin kundi crush na crush."Pag-amin ko sa kanya tapos ay inilapit ko ang bibig sa may tenga nya at bumulong. "Ang totoo nyan, Kyle, sa tingin ko in love na ako kay Tintin."


"Naku! Patay kang Benjie ka!" Napalakas na sabi nya kaya pinandilatan ko sya ng mga mata. Mabuti na lang at nasa may umpok ng mga girls si Tintin sa mga oras na ito dahil nagpapaturo sa kanya ng tamang dance step ang mga ito.


"Shhh! Ang ingay mo naman." Saway ko sa kanya. "At bakit mo nasabing patay ako? May crush na ba o nagugustuhan si Tintin?" I asked curious. 'Wala pa sana syang crush o nagugustuhan.', sabi ko sa sarili ko.


"Wala pa syang crush o nagugustuhan, Benjie. Kaya ko nasabing patay ka ay dahil daddy's girl si Tintin."


"Eh, ano naman kung daddy's girl sya." Sabi ko. Tumawa si Kyle at nagkibit balikat.


"Sabagay. Mama's boy ka naman kaya bagay kayo."


I glared at him. I never liked it when people make fun of me, being dotted by my mother. Not that I don't love the attention that my mother is giving me but nakakahiya lang kasi at baka isipin nila na lampa at malamya ako, which I'm definitely not.


"Look who's talking." I said then gave him a smug look. "Sabi kaya ni Tintin ay mama's boy ka din."


"I know and I'm proud of it." He said but I know better. Sinong batang lakaki ang proud na masabihang mama's boy?


"Yeah, right!" I agreed giving him an understanding look. We both laugh afterwards. When we stopped laughing ay nagtanong ulit ako sa kanya. "Alam mo ba kung ano ang gusto ni Tintin sa boys?"


"Ang alam ko wala syang hilig sa boys kasi nga number one sa puso nya ang dancing."


Anak ng patatas! Mukhang ang hirap kalabanin ng kakompetensya ko kay Tintin ah. Dancing? Paano ko ipapakita kay Tintin na I am a better choice kung hindi pala tao ang karibal ko?


"Ganun?" Nalungkot na sabi ko. Mukhang mabibigo yata ako sa unang pagkakataon pagdating sa girls.


"Ganun na nga." Malungkot na sabi din ni Kyle at tinapik pa ako sa balikat. "Pero baka late bloomer lang si Tintin kaya wala syang hilig sa mga crush-crush at boys tulad ng ibang batang babae."


"Hindi ka ba nya crush?" Nagdududang tanong ko. Baka kasi karibal ko lang pala si Kyle at dinedenggoy ako.


He let out a deep sigh. "Nagdududa ka siguro sa akin. Ang totoo nyan ay bakla ako at alam yun ni Tintin kaya malabong maging crush nya ako."


"You mean?"


"Yes." He said. "Kaya nga kami close ni Tintin kasi iisa ang pangarap namin at ito ay ang maging isang ganap na choreographer. Kaya huwag mo na akong ituring na karibal."


She's MAID For ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon