CHAPTER XVIII

17K 454 105
                                    

[ Candy POV ]


It's been five weeks since I became Benjamin's maid and... four weeks as his 'secret girlfriend'. Parang tangang napangiti ako ng magreplay sa isip ko ang mga kasweetan ni Benjamin para lang mapatunayang mahal nya nga ako. Sa tuwing darating ako sa unit nya para sa trabaho ko ay may nakadikit na sticky note sa fridge na kung anu-anong love quotes na noong una ay balewala lang sa akin pero kalaunan ay naging nakakakilig na.


I am currently in his room arranging his closet after I finished ironing his clothes when I had a glimpse of his desk clock. It's 5:00 PM and my time is up, pero hindi pa ako uuwi dahil may usapan pa kaming sabay maghahapunan ngayon. Benjamin, promised to cook dinner because according to him he wants to impress me with his culinary prowess. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga damit nya at ng matapos ay nagpasyang magpahinga saglit kaya nahiga ako sa kama nya.


"Love, wake up." I heard Benjamin's voice. I lazily opened my eyes and was greeted by his handsome face. I smiled at him then lifted my hands to caress his face.

"You're here na pala." I said. He nodded at me.


"Yeah." He removed my hands in his face and kissed them one by one. "Naglaba at plantsa ka na naman ng damit ko. Sorry about that. " Mahinang sabi nya habang hinahaplos ang dalawang kamay ko.


I pulled my hands to him and sat. "It's part of my job, Benjamin."


Umiling sya. "Bukas magsama ka ng isang maid mula sa agency nyo at sya na ang hayaan mong mag-asikaso ng pangangaliangan ko ng hindi ka na mapagod at ng hindi pumangit ang mga kamay mo."


I hit him gently on his chest. "I won't do that. Ako ang maid mo na kinuha ni tita Bea kaya dapat lang na hindi ko sya dayain. I have to give my best service to you sa loob ng makakaya ko."


"Pero ayokong makitang napagod ka ng dahil sa akin."


I took his hand and intertwined it with my mine. "Hindi naman ako napapagod kaya huwag ka ng mag-alala. Minimal lang ang ginagawa ko dito at isa pa ikaw naman ang pinagsisilbihan ko kaya okay lang sa akin."


He gave me a lopsided grin. "Just think of this as a practice, love. Practice ng pagiging maybahay mo kapag naikasal na tayo."


I felt my cheeks flushed. "Puro ka talaga kalokohan!" Ingos ko sa kanya.


"I am serious."


I rolled my eyes. "Serious na kung serious." Sabi ko ng biglang maalala ang pangako nya sa akin. "Hindi ba at pakikitaan mo kamo ako ng culinary prowess mo? Halika na sa kusina." Aya ko sa kanya sabay tayo. Inalalayan nya ako at magkaakbayan kaming nagpunta sa kusina.


When we were inside the kitchen I can't help but admire Benjamin. I must say that he really knows what to do and not just trying to impress.


"Am I impressing you, love?" He asked me. I blushed because he caught me looking at his every move. I raised my eyebrow on him trying to hide my embarrassment.


"What's there to be impress, Benjamin?" Palusot ko na tinawanan nya. Hindi ko na naman napigilang pagmasdan sya habang tumatawa dahil ang ganda nyang tumawa. Ipinilig ko ang ulo ko bago umiling. Am I falling for my sir-slash-boyfriend already? Ito na ba ang sinasabi nyang mananakaw din nya ang puso ko ng hindi ko namamalayan? Kung ito man iyon ay dapat ko na bang sabihin sa kanya na mahal ko na din sya?


She's MAID For ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon