Chapter IV.

71 0 1
                                    


Author's Note: Meet Keith (John Lloyd Cruz)


[Jessie Michelle's POV]

Birthday ngayon ni Erin, isa sa mga bestfriends ko simula elementary. Busy-ng busy kaming tatlo nila Glaze dahil nga may konting salu-salong magaganap. Close friends lang naman ang invited, usually mga naging barkada namin from high school to college.


"Oy baks, 'yung shanghai mo papunta na ng uling. Wag tulala friend!", sabi ni Glaze pagkapansin niya sa niluluto ko.


"Wag ka ngang nangengelam. 'Dun ka na Glazilda!", taboy ko naman sa kanya.


"Don't call me that!", sabay hampas sa braso sa'kin ni Glaze.


Inirapan ko naman siya bago siya tuluyang lumabas ng kusina. Maya maya lang din ay nakarinig na ko ng ingay mula sa sala. Malamang may mga dumating ng bisita. Sakto namang pumasok sa kusina si Archie.


"Uy Jess, si Erin nasaan?", pabulong na tanong ni Archie sa'kin.


"Nasa kwarto niya yata nagbibihis. Ba't ka ba bumubulong dyan?", takang tanong ko naman sa kanya.


"Wag kang maingay ha. Pero kasi..", nilabas naman niya sa bulsa niya ang isang singsing. "..magpo-propose na ko sa bestfriend mo."


"Oh my gosh Arch!", napayakap naman ako sa kanya. "Shit, shit, shit! Swerte ni Erin sa'yo nakakainis!"


"Alam ko. Swerte din naman ako sa kanya 'no.", sagot ni Archie sa'kin.


Kumalas na ko sa pagkakayakap ko kay Archie at nagpunas ng luha, naiyak pa kong very light ano ba 'yan!


"Wag mo muna sasabihin kahit kanino ha. Lalong lalo na kay Glazilda nako, napakadaldal 'non eh!", bilin niya habang binalik niya ulit sa bulsa niya 'yung singsing.


"Oo Arch pramis!", tinaas ko pa ang kanang kamay ko sa harap niya.


"Ano meron 'teh? Panatang makabayan?", bungad agad ni Glaze pagpasok niya ng kusina.


"Patawa di naman kalbo.", pang-aasar naman sa kanya ni Archie.


--

An hour passed and almost ready na rin lahat ng pagkain. Plus, ang dami na ring tao. Ilan ba in-invite ni Erin at parang punong puno ang apartment namin.


*One message received*

From: Asungot ^_^

Hey, I'm here on your gate. Parang ang daming tao haha


Reply to Asungot ^_^

Lalabas na pows.


Naglakad na nga ko palabas ng harangin ako ni Erin. "San ka punta bes?"

Against All OddsWhere stories live. Discover now