[Keith's POV]
Nandito ako ngayon sa apartment nila Mitch at hinihintay namin silang matapos na mag-ayos dahil aattend kami ng reunion para sa batch namin 'nung high school. I asked her to be my date since Glaze and Erin will be arriving alongside their boyfriends.
At isa pa, ginamit ko na rin 'tong opportunity para finally masolo ko na si Mitch. Kahit pa magkaibigan na kami ni Justin, syempre dagdag pogi points para sa'kin kung makakapagbond ng kami lang dalawa.
Maya maya pa lumabas na si Erin at Glaze mula sa kwarto nila. 'Kala mo mga timang na nakangiti 'yung mga boyfriend nila.
"Para kayong mga bakla 'tsong. Sara niyo 'yang mga bibig niyo baka mapasukan ng langaw 'yan.", pang-aasar ko habang tumatawa pa.
"Ewan ko sa'yo, Keith! Panira ka talaga ng moment eh.", saway sa'kin ni Glaze.
"Wag ka na magmaktol love. Ganda ganda mo kaya tonight!", pang-aalo ni Jaypee sa girlfriend niya na halata namang nagpakilig din kay Glaze.
"Asan na ba si Mitch? Pababa na din?", tanong ko kay Erin.
"Hi. I'm sorry to keep you waiting.", sabi ni Mitch mula sa hagdanan.
Pagkalingon ko, nakita ko si Mitch na suot ang black lace dress. Grabe, ang ganda ganda niya talaga. Napakaswerte ko naman at ako ang date neto.
"Pre ano? Speechless? 'Yan tayo Keith eh!", ganting asar naman sa'kin ni Archie ng hindi ako makapagsalita pagkababa ni Mitch.
"Now I know what you feel.", sagot ko lang habang nakatitig pa rin kay Mitch.
"Shall we go now?", tanong ni Erin.
Inalalayan ko naman si Mitch palabas sa kanila hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Hiwa-hiwalay kami ng sasakyan since meron naman kaming kanya-kanya.
"You look wonderful.", sabi ko kay Mitch habang nakatitig pa rin sa kanya.
"Stop staring at me, monggy!", sabay iwas niya ng tingin.
Ngumiti lang ako saka nagsimula na ring magdrive. Pareho kaming tahimik sa loob ng kotse kaya naisip ko na lang na magpatugtog. Pag-intro pa lang ng kanta ay nagkatinginan na kami agad.
Isn't She Lovely by Daniel Padilla
~ Isn't she lovely
Isn't she wonderful
Isn't she precious
Less than one minute old
I never thought love we'd be
Making one as lovely as she
But isn't she lovely made from love ~
YOU ARE READING
Against All Odds
RomanceLove stays true if two people fight for it. Cover: CarGel ♥