[Jessie Michelle's POV]
Day off ko today! Hay salamat at walang pasok ngayon. Nag-inat pa kong konti at saka na nga ko bumaba papuntang kusina. Narinig kong nagkakalampagan ang kubyertos, so meaning may tao sa baba. At mukang nagluluto siya ah!
"Erin?", tawag ko ng makababa ako sa hagdan.
"Yes, bes?", sagot ni Erin pero sa sala siya nanggaling.
"Wala naman. Akala ko kasi ikaw 'yung nasa kusina.", bago pa makasagot si Erin ay lumabas na mula sa kusina si Keith. "Anong ginagawa mo dito, Francisco? Ang aga aga!"
"Good morning, Mitch! Pinagtimpla na kita ng hot chocolate mo, tapos pinagluto na din kita ng breakfast. Upo ka na!", buyo niya sa'kin hanggang sa pumwesto na ko sa dining table namin.
"What's all this for? May okasyon ba?", sabi ko habang pinupuno naman ni Keith ang plato ko.
"I just want to make your morning better. Anyways, kain ka na.", nginitian niya naman ako. "Kayo din Glaze and Erin, sabay na kayo dito."
Sabay namang naglakad papunta sa lamesa 'yung dalawa.
"Akala ko di mo kami yayayain eh. Paaalisin talaga kita dito!", reklamo ni Glaze.
"Alam kong gutom na gutom ka na 'no! Mukha ka na ngang mangangagat kanina pa eh.", biro ni Keith. Sinamaan naman siya ng tingin ni Glaze.
Nag-offer ng magligpit si Erin at si Glaze naman ay bumalik sa kwarto niya para matulog pa. Nagpaalam din agad si Keith dahil may seminar daw siyang dapat na puntahan.
--
Hapon na ng katukin ako ni Erin sa kwarto ko. Naalimpungatan ako at nakabusangot na binuksan ang pinto.
"It's Saturday! Why are you waking me up?", reklamo ko.
"May bisita ka sa baba.", sabay talikod na ulit niya.
Sumunod lang ako habang nakasibangot pa rin. Akala ko ba may seminar si Keith, ba't parang ang bilis naman makabalik 'nun.
"Akala ko ba--", natigil ako sa sasabihin ko ng makita ko si Justin sa sala. "Anong ginagawa mo dito?"
"Bumibisita. Dumaan ako sa coffee shop, kaso sabi nila off mo daw. Hindi naman kita makontak sa phone mo, so dumiretso na ko dito.", paliwanag niya.
Sakto namang bumaba din si Glaze mula sa kwarto niya at parang nagulat. "Justin? Nandito ka pa?"
"Kakarating ko lang, actually.", sagot naman ni Justin.
"Nagluto ka ng breakfast kanina dito dba? Ay takte, si Keith pala 'yon!", sabay facepalm pa niya sa mukha niya.
YOU ARE READING
Against All Odds
RomanceLove stays true if two people fight for it. Cover: CarGel ♥