Chapter V.

56 0 0
                                    


[Jessie Michelle's POV]


Kakatapos lang ng shift ko sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Grabe pagod ko today, ang daming customers kanina. Buti na lang at morning shift lang ako at maaga ang uwi ko.


Nag-aabang na ko ng jeep para makauwi na ko nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko.


"Jessie!", at paglingon ko nga ay nakita ko 'yung asungot.


Inirapan ko lang siya. Bahala siya sa buhay niya nako! Pagtapos niyang hindi magpakita ng isang buwan, bigla na lang siyang susulpot dito sa work ko na parang walang nangyari.


"Oy Jess, snobbers ka na.", lumapit na nga siya sa'kin at hindi ko pa rin siya pinapansin, "Galit ka ba? Sorry na! Medyo busy lang ako 'nung mga nakaraan."


"Na sa sobrang busy mo ni hindi mo ko nareplyan kahit isang beses?", obvious ba na galit talaga ko? Kabwisit eh!


"Jess, look. I'll make it up to you, tara na kasi.", yakag niya pa rin sa'kin.


"Understand this too. I'm not someone who waits around for someone's text or call, and just go with them whenever they pop up. Masyado ba kong convenient for you, Justin?", I said looking in his eyes.


Yumuko naman siya. Nahiya yata, buti naman. "It's not like that. It's just that..", pinutol ko na siya kung sa mga sasabihin niya.


"You know what? You don't need to explain. Nice meeting you, Justin. See you around.", buti na lang at may dumaan ng jeep at dali dali na nga akong sumakay.


Hindi ko alam, pero ang sakit. Pero ayaw ko namang isipin niya na pwede niyang gawin sa'kin 'yun at bumalik kung kelan niya na lang gustuhin.

--

"Oh, bakit ganyan mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa?", bungad sa'kin ni Erin pagpasok ko sa apartment.


"Akyat na ko Erin. Magpapahinga na ko.", sagot ko habang diretso ang lakad ko paakyat sa kwarto ko.


"Okay ka lang ba talaga? Masama ba pakiramdam mo?", pangungulit pa rin niya.


"I'm fine. I just need rest.", nginitian ko siya bago ko sinara ang pinto ko.


Nahiga na nga ko sa kama ko at saka tinitigan ang kisame. Bakit ganito kabigat ang pakiramdam ko? Bakit parang ang lungkot lungkot ko?


*One message received*

From: Keith-monggy

Hello Mitch. Have a nice day! I know you just finished your shift. Keep smiling :)

--

[Keith's POV]


Naks! Pinag-POV ako ni author ang sweet.

Against All OddsWhere stories live. Discover now