"Run ka na, Ninang. Hahabol kita.”
Hindi sinunod ni Robielle ang hiling ni Lester. Itinutulak siya nito ngunit sa halip na sundin ang gusto nito ay naupo na lang siya sa buhangin.
Pagod na kasi siya. Hindi niya kayang makipag-sabayan sa taas ng energy level nito. Nagsawa na ito sa paglalangoy sa dagat. Ngayon naman ay gusto nitong makipaghabulan sa kanya.
Umalis kasi si Dina. Sinamahan ng kaibigan niya ang maid nito sa Burgos upang patingnan sa dentista ang sumasakit na wisdom tooth. Kaya naiwan sa kanya ang malikot na bata.
“Run ka na!” Itinulak naman nito ang braso niya.
“Pagod na si Ninang. Ang mabuti pa, tabunan mo na lang ng sand ang mga paa ko.”
Nabugnot ito at lalo pa siyang itinulak. Sinambilat naman niya ito at pinagkikiliti.
Tawa ito nang tawa. Nang lubayan niya si Lester ay bigla itong tumakbo. Napilitan na siyang habulin ito.
Nang maabutan niya ang bata ay kinarga na niya. “Mainit na ang sikat ng araw. Magbanlaw na tayo, Sharky. Baka magkulay-lechon ka na.” “Sharky” ang gustong palayaw nito mula nang kuwentuhan ito ni Dina ng isang istorya na may ganoong pangalan ng isa sa mga characters. Hango iyon sa storybook na iniregalo niya nang huling mag-birthday ang bata.
Nagpapasag ito sa pagkakahawak niya. “Ayoko pa.”
“But I’m already tired.” Pinaghahalikan niya ito sa pisngi at leeg. Humalakhak na naman ito. Humakbang na siya patungo sa bahay niya. Nagulat pa siya nang makitang naroon din sa beach si Salvador. Kaagapay nito sa paglalakad ang asong si Jagger. Nakatingin ito sa kanila ni Lester.
Her heart began to race at the mere sight of him. Talaga yatang malala na ang pagka-crush niya sa lalaking ito na feeling career-in ang pagkaantipatiko.
“Who is he?” tanong nito nang makalapit sa kanila.
Huminto siya sa paghakbang. “Anak siya ng friend ko. Si Dina, 'yong nakatira diyan.” Itinuro niya ang bahay ng kaibigan niya. “Lester, say hi to Tito Salvador,” baling niya sa bata.
“Hi. Daddy ka ni Sharky?”
Natawa siya sa tinuran ng bata. “Pasensiya ka na sa madaldal na ito. Ang sinasabi niyang Sharky, eh, character sa storybook niya.”
“No, Lester. I can never be anyone’s dad.”
Ano kaya ang ibig sabihin ni Salvador sa sinabing iyon? Ayon dito ay dati na itong nagkaasawa. Bakit hindi ito maaaring maging ama?
“Can you run?” sabi rito ni Lester.
Napatingin sa kanya si Salvador. Hindi yata nito naintindihan ang sinabi ng bata. May kaunting pagkabulol pa si Lester.
“He said, ‘can you run.’ Kanina pa ako niyayaya nitong maghabulan kami.”
“I’m beat, little boy.”
“O, Lester, mag-good-bye ka na kay Tito Salvador.”
“'Bye, Tito.” Kumaway pa ang bata kay Salvador.
“You’re good at it.”
“What?” nalilitong tanong niya rito.
“You’re good at babysitting.” Pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa paglakad. Inunahan naman ito ng aso pauwi.
Natitilihang sinundan niya ng tingin ang lalaki. Was that a compliment or what?
“Tito looks like my dad.”
BINABASA MO ANG
Braveheart 19 Salvador Ibarra (Savior's Quest) COMPLETED
RomancePhr Book Imprint Published In 2007 "I love you with the love that is beyond limits... beyond understanding..." Hindi pa man kilala ni Robielle si Salvador ay iniligtas na siya nito mula sa makamandag na cobra. Ilang ulit na siyang inililigtas nit...