10. Love Beyond Limits

8.2K 196 51
                                    

“Kitty, please. Alam ko, in the past, lagi n’yo akong pinagbibigyan. Kaya nga nakikiusap ako sa inyo na pagbigyan n’yo pa ako kahit ngayon lang. Wala ako sa mood na makipagsosyalan ngayon. Naibigay ko na ang designs na kailangan para sa launching ng line ng mga lingeries. Ayoko munang umalis ng isla ngayon.” Itinaas pa ni Robielle ang kanyang mga paa sa footrest ng drawing board habang nakadiit ang cellphone sa kanyang tainga.

“Ano ka ba naman? Big event ito sa Elle. May press people pa nga 'tapos kulang tayo sa launching. Minsan lang naman mangyayari sa atin 'to. Saka hindi mo naman kailangang magtagal dito. Kahit kinabukasan lang, puwede ka nang bumalik diyan sa isla.”

Bumuntong-hininga siya. “Ayokong fake na ngiti ang ipaplasta sa mukha ko sa araw ng launching. Alam mo naman ang present situation ko ngayon, 'di ba?”

“Bakit ba kasi ayaw mong kausapin ang Salvador na 'yon? I-confront mo siya. Tanungin mo kung nagsinungaling lang ba siya sa 'yo. Kung aaminin niya na talagang mahal niya ang ex-wife niya, at least, masaktan ka man, hindi ka habang-buhay na nakabitin sa ere sa tanong na hindi nasagot.”

Naikuwento na niya rito ang lahat ng tungkol sa kanila ni Salvador. Noon kasing unang linggo niya sa isla pagkatapos niyang bumalik doon ay hindi na siya nakipag-communicate kahit kanino. Tanging si Dina lang ang kinakausap niya. At iyon ay sapilitan pa dahil kapitbahay lang niya ito at mahirap pang itaboy.

Kailan lang siya bumalik sa pagguhit ng disenyo. Noong una ay wala siyang gana sa lahat. Inuubos niya ang buong maghapon sa paglalakad sa tabing-dagat, sa pagtanaw rito mula sa swing sa kanyang balkon, sa walang katapusang pagtitig sa kalangitan kapag gabi.

Pinuntahan siya roon ni Kitty. Inaalam lang daw nito kung buhay pa siya. Napilitan siyang ikuwento rito kung bakit siya nagmumukmok at kung bakit wala siyang maipadalang trabaho rito. Napagalitan pa siya ni Kitty. Hindi raw ganoon ang tamang treatment sa heartbreak. Umuwi muna raw siya sa sibilisasyon. Buhayin daw niya ang kanyang social life. Baka raw maloka lang siya sa patuloy na pagmumukmok sa isla.

“I’m sorry, Kitty. Hindi ko talaga mapipilit ang sarili ko na lumuwas ngayon.”

“Ah, basta, magpapadala ako ng tao riyan na puwedeng pumilit sa 'yo para daluhan mo ang affair na ito.” Tinapos na nito ang pag-uusap nila.

Napailing na lang siya. May pagka-bossy talaga minsan ang kaibigan niyang ito. Bumalik siya sa pagguhit. Wala pa siyang tatlumpung minuto sa ginagawa nang makarinig siya ng katok sa pinto.

Nagtaka siya. Hindi naman ugaling kumatok ni Dina. Kapag pumupunta ito roon ay nagtatawag lang ito hanggang sa lumabas siya. Imposible namang iyon ang taong sinasabi ni Kitty. Kung sakaling totohanin nga ng kaibigan ang sinabi nito, bukas pa dapat darating ang taong iyon.

Nang marinig uli niya ang mga katok ay napilitan na siyang lumabas. Si Mrs. Legaspi pala ang naroon. May bitbit itong metal cage na kulay-pink ang pintura. Sa loob niyon ay nakakulong ang dalawang puting kalapati. “Kayo po pala,” aniya. “Tuloy po kayo.”

“Huwag na, hija. Ibibigay ko lang ito sa 'yo.” Iniabot nga nito sa kanya ang cage. “Pares ang mga 'yan, babae at lalaki.”

Nasorpresa siya. Generous talaga ang matandang babae. Ngunit hindi niya inaasahang pati ang pinakamamahal nitong mga alaga ay ipamimigay rin nito. “Bakit po ninyo ako binibigyan nito?”

Ngumiti ito. “Magagamit mo 'yan kapag ikakasal ka na.”

Natawa siya. “Naku, matagal pa po 'yon, Mrs. Legaspi.”

“Kung matagal pa, 'yon na lang sigurong magiging anak ng mga 'yan ang magagamit ninyong ceremonial doves.”

Wala siyang balak na mag-alaga ng maiingay na kalapati. Ngunit ayaw niyang biguin ang pagmamagandang-loob ng mabait na matanda. “Maraming salamat po pala. Hayaan po ninyo, pararamihin ko rin ang mga ito.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Braveheart 19 Salvador Ibarra (Savior's Quest) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon