7. Daring

5.5K 144 28
                                    



“Good afternoon, Mrs. Ibarra. Ako si Robielle Ordoñez,” pakilala niya sa kaharap. Sa pamamagitan ng kakaunting impormasyong nalaman niya mula kay Salvador at mula sa inupahan niyang private investigator ay natunton niya ang kinaroroonan ng ikalawang ex-wife nito. At nang mapagtagni-tagni na niya ang mga iyon, lakas-loob na pinuntahan nga niya ito.

Medyo nakaka-insecure ang ganda ng babaeng kaharap niya. Hindi nga nakapagtataka na naging asawa ito ni Salvador. Napakakinis ng mamula-mulang kutis nito, maamo ang magagandang mata. She had an angelic face. Iyon din mismo ang deskripsiyon dito ng private eye na inupahan niya.

“‘Miss Cervantes’ na ako ngayon. Pasensiya ka na pero hindi ko matandaan na nagkakilala tayo dati,” anito.

“Tama ka, ngayon pa lang tayo nagkita. Pero nakita na kita sa pictures. Narito ako para tanungin ka sana tungkol kay Salvador Ibarra.”

Nabahiran ng pag-aalala ang magagandang mata nito. “Bakit, ano’ng nangyari sa kanya?”

“Wala naman. Gusto ko lang siyang makilalang mabuti.” At sana lang ay makuha niya ang kooperasyon nito.

Niyaya siya nitong pumasok sa loob. 

“Girlfriend ka ba ni Salvador?” walang paliguy-ligoy na tanong nito nang nasa sala na sila.

“Hindi pa. Pero alam kong magiging girlfriend niya ako.” Ugh! I hope I’m not overdoing it. Kunsabagay ay determinado naman talaga siyang mapaibig si Salvador.

“Matagal na ba kayong magkakilala?”

“Kailan lang. But I know enough of what I need to know. Isang bagay lang ang gusto kong malaman kaya ako nakipagkita sa 'yo, Miss Cervantes.”

“Call me ‘Andrea.’ Ano ba’ng gusto mong malaman tungkol kay Salvador?”

“And call me ‘Robielle.’ Alam kong ex-wife ka niya. Alam ko rin na maayos ang naging paghihiwalay ninyo. Pero ang kailangan kong malaman ay kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ninyo.”

“Masyadong personal ang hinihiling mo. Kahit hiwalay na kami ni Salvador, katungkulan ko pa rin na protektahan siya at ang sarili ko.”

Kung determinado siyang makuha ang pag-ibig ni Salvador, mukhang determinado rin itong hindi magbukas sa kanya. Nabawasan ang pag-asang kinakapitan niya. “Iniiwasan ako ni Salvador, Andrea. Sa mga nakalap kong impormasyon sa kanya, nalaman ko na hindi mo siya minahal at hindi ka rin niya minahal. Pero ako, handa kong gawin ang lahat matutuhan lang niya akong mahalin. Hindi ko nga lang alam kung paano siya paiibigin. Sa simula pa lang kasi, itinataboy na niya ako.”

Naging sympathetic na ito. “Robielle, ano ang kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal mo kay Salvador?”

“Kahit buhay ko, kaya kong isugal mahalin lang niya ako.” Halos pabulong ang pagkakabigkas niya ng mga salita. Noon lang niya naamin iyon nang hayagan sa ibang tao. Kahit si Dina ay walang ideya sa kasalukuyang estado ni Salvador sa puso niya. “Kaya nga nakikiusap ako sa 'yo. Importanteng malaman ko kung ano ang dapat kong iwasan at gawin para magtagumpay akong paibigin siya.”

Saglit na nag-alangan ito. Ngunit sinabi rin nito ang kailangan niyang marinig. “Virgin ako nang pakasalan ako ni Salvador. Virgin pa rin ako nang mag-divorce kami.”

“ANO’NG sinabi ninyo, Mommy?” usisa ni Robielle sa kanyang ina. Nasa harap sila ng almusal noon. May sinasabi ito ngunit hindi niya kaagad naunawaan.

“Pambihira kang bata ka. Kanina pa ako salita nang salita rito pero hindi mo naman pala ako naiintindihan,” reklamo ng mommy niya, dahilan upang mapukaw ang atensiyon ng daddy niya mula sa binabasang diyaryo.

Braveheart 19 Salvador Ibarra (Savior's Quest) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon