Episode 2

59 6 20
                                    

Episode 2:
Common Pry

"Yes Mom. Ayos lang po ako dito don't worry."

"Mag-ingat ka pa rin. Iba na panahon ngayon. O sige na. Ba-bye na at ako'y magtatrabaho pa."

"Sige po ba-bye! I love you po!"

"I love you din anak," huling sinabi ni Mommy bago namatay ang tawag.

I uttered a sigh of loneliness. I really miss my Mom kahit pangatlong araw ko pa lang dito. The fact that I'm a single child and my mother is a single mom. Being apart from her is really sad.

Ibinulsa ko ang cellphone ko at tinuloy ang paghahanap ng damit sa maleta ko. Naghahanap ako ng maisusuot para sa party ni Mafer mamaya. Wala naman siyang sinabi kung anong susuotin, kaya namumroblema ako kung anong isusuot ko.

Mukhang wala naman ata akong nadalang damit na bagay sa party.

"Kung mamili na lang kaya ako sa mall?"

Ibinalik ko ang maleta ko kung saan ko ito kinuha at nag-ayos ng sarili. Mamimili na din ako ng mga kaylangan ko dito sa bahay. Mga groceries at iba pa. Tutal matagal din akong tutuloy dito. Kung kasya pa ang pera ko.

Nang makalabas ng building ay naglakad ako palabas ng subdivision. Wala kasing mga dumadaang sasakyan dito kaya kaylangang lakarin hanggang 523 Alley. Medyo malayo din pero ayos lang naman.

Ngayon lang ako nakapaglakad dito since pangatlong araw ko pa lang naman at ang palagi ko lang napupuntahan ay ang gubat.

Kumpara sa Fort, mas tahimik dito. Mararamdaman mo talagang nasa probinsya ka. Ang sarap ng simoy ng hangin at wala masyadong usok ng mga sasakyan. Gustong-gusto ko dito dahil andaming puno. Sa Fort kasi bilang lang. Sa may Fort City Park lang ata may mga puno doon e. Punong-puno na kasi ng mga buildings. Polluted na din ang hangin. Kung andito lang si Lolo, hihilingin ko kay Mommy na dito na lang kami tumira.

Habang inaappreciate ko ang ganda ng Gonwana, sumagi sa isip ko ang nangyare kahapon pati na rin 'yung mga nabasa ko sa libro. 'Yung mga kakaibang nakasulat doon na posibleng totoo. Mas lalo tuloy akong na-eager alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa lugar na ito.

I immediately hopped in a cab when I arrived at 523 Alley. Sinabi ko na ihatid ako sa pinakamalapit mall, since wala pa 'kong alam na ibang lugar dito. Pero sinabi nito na nag-iisa lang ang mall dito kaya doon na lang ako nagpahatid.

I gave him the fee and jumped off the cab and entered the mall. Hindi ito kalakihan katulad nung mga malls sa Fort.

Naghanap ako ng mga damit na mabibili na sakto lang sa budget ko. Baka kasi maubusan ako ng pera. Wala pa naman akong matatakbuhan dito.

I bought a white polo long-sleeves and slacks as an attire for the party. Maybe this will do. Ito lang kasi ang nakita kong medyo mura at sakto sa budget ko. Buti na lang at hindi mahal ang mga paninda dito 'di tulad sa Fort.

Bakit ko ba laging kunikumpara ang Fort sa Gondwana? E halata namang mas lamang ang Gondwana kesa sa bulok na Fort na 'yun. Ayoko na ngang bumalik doon e.

Habang naglilibot sa mall ay napadaan ako sa isang antique shop. Nacurious ako kaya pumasok ako. My mom loves to collect antiques stuffs. I don't really put much attention to her likes but I think antiques are cool. It makes you remember the events and memories of the past, the good old days. It'll give you a thought that sometimes, past is better than present. But it also gives you the feeling of sadness realizing that you can't turn back time.

Nilibot ko ang shop. May iba't-ibang mga uri ang makikita sa loob. May mga magaganda, maliliit, malalaki, at may mga creepy. 'Yung iba halatang sobrang luma na dahil sa kulay at hitsura.

FUCK FICTIONWhere stories live. Discover now