Episode 5

23 3 0
                                    

Episode 5:
Bodies, Riches, and Secrets

"Bangkay?!" tanong ko.

"May tumawag kay Mrs. Florentino, sabi may nakita raw na bangkay sa lawa. Tara na dali!" Elo said and immediately ran. I locked the door of my unit first before following.

"Paano niyo nalaman? Sinabi niya sa inyo?" I asked.

"Hinde, nakasalubong namin siya ni Eva kaya tinanong namin siya," sagot niya. "Sabi ko pa hintayin niya tayo kasi sasama tayo."

"Ayun!" turo ko sa kotse ni Mrs. Florentino nang makalabas kami ng apartment building. Agad kaming sumakay dito at nakita kong nasa loob na pala sina Eva at Crisha, I sat on the shotgun seat. Agad namang pinaharurot ni Mrs. Florentino ang sasakyan, dahilan para mapakapit kami sa car seats.

"Dahan-dahan lang po baka mabangga tayo," angal ni Crisha habang nakakapit kay Eva.

"Pasensya na, kinakabahan kasi ako. Baka si Mafer na 'yung nakita sa may lawa," sagot ni Mrs. Florentino at nag-menor. "Diyos ko, 'wag naman sana," dagdag niya.

"Huwag po kayo masyadong mag-alala," wika naman ni Elo. "Pwede onti lang, pero 'wag masyado," dagdag pa niya. Napangiti naman si Mrs. Florentino.

"Siya nga pala, nasaan si Jea? Bakit hindi niyo kasama?" tanong nito at sandaling lumingon sa amin bago ibalik ang paningin sa daan.

"Nagpapahinga na po," sagot ni Eva.

"Napagod ata kanina. Pasensya na kayo ah, masyado lang talaga akong nag-alala kung nasaan si Mafer," she added while doing hand gestures and frequently looking at us. Medyo nakaka-kaba tuloy dahil baka mabangga o makabangga kami. "Sana makita na natin si Mafer."

"Saan po pala kayo nagpunta? Wala po kasi kayo since nung birthday ni Mafer e," tanong ni Crisha.

"Ahh ano kasi, Mafer's Dad and I went to Mandaluyong para asikasuhin 'yung files ni Mafer," as soon as she said Mandaluyong, I already got interested. That's where my mom is. "You all know that Mafer's adopted right?" tanong niya at agad naman silang tumango. "Except for Mafer and Ape," dagdag niya at tumingin sa akin.

"Peri," wika ko.

"Right." Pati siya napagkamalan akong si Ape. Lumingon ako sa kanila at iniwasan nila ako nang tingin which is weird pero hindi ko na lang pinansin. "Gusto kasing bawiin si Mafer ng tunay niyang mga magulang. Ofcourse, i don't want that to happen and we adopted her legally," dagdag niya.

Adopted pala si Mafer. Pero hindi ko 'yun nahalata dahil grabe ang pag-aalala ni Mrs. Florentino sa kaniya. Tama nga sila, wala sa dugo ang pagiging magulang.

"Her real parents were furious there, and I was furious too. Hindi nila pwedeng kunin ang anak ko sakin. She maybe the biological mother but I am Mafer's Mother more than she is," pagpapatuloy niya habang pasulyap-sulyap pa rin sa amin. Hindi ko naintindihan ang sinabi niyang 'yon dahil may iba akong iniisip. Si Ape. Sino ba siya? "Nagkagulo kami doon at nakalmot niya ako, that's why I got this scratch," hinawi niya ang bangs niya at ipinakita samin ang kalmot niya sa noo nang biglang may kung anong sumulpot sa unahan ng sasakyan.

"Oh my God!" Mrs. Florention exclaimed. She immediately pulled over but the car still hitted the thing. "Shit," she whispered.

Agad siyang lumabas ng sasakyan at agad din kaming sumunod.

"What the hell was that?" agad kong tanong. Tinignan namin ang harapan ng kotse and there it is again, 'yung black substance nung halimaw. Ayun ang nabangga namin. "Nabangga natin 'yung halimaw," wika ko at lumingon sa kanila.

FUCK FICTIONWhere stories live. Discover now