Episode 6

35 3 0
                                    

Episode 6:
"Shane, Hello?"

–––Jea

Ilang araw nang nag-aalala si mama. Nabalitaan niya kasing dumarami pa 'yung mga nawawalang tao dito s Gondwana. Nag-aalala siya dahil parang nauulit lang ang nangyari dati. Tulad ng dati na maraming nawalang bata, tapos hindi na nakita. Ngayon naman may mga nawawala ulit, nakikita naman 'yung iba pero patay na. At everytime na makaka-kita sila ng bangkay ay pare-pareho lang itong may mga kalmot at kagat.

Nagusap-usap kami kagabi kung sasabihin ba namin sa mga pulis ang tungkol sa halimaw. Dahil para sakin kailangan nilang malaman 'yon para sa proteksyon ng mga mamamayan ng Gondwana. The longer na hindi nila alam 'to, the more na maraming mamamatay and that will be our fault. Hindi kakayanin ng konsenysa ko 'yon. Nawala na samin si Jay, umalis na si Ape at ngayon nawawala si Mafer, ayoko nang mawalan ulit.

"So, bakit mo nga ulit kami pinapunta dito Crisha?" tanong ko kay Crisha. Tinawag niya kasi kami papunta dito sa tavern. Alas otso pa lang ng umaga.

"Grand opening na ba ngayon ng tavern?" tanong naman ni Elo.

"Delikado pa ngayon ah? Pagala-gala pa 'yung halimaw," wika naman ni ate Eva.

"Hinde, hinde saglit lang," pagpigil naman ni Crisha. "May sasabihin ako. Importante 'to," dagdag niya.

"Ano naman 'yon?" tanong ko ulit. "Tsaka, ba't kami lang tinawag mo, si Peri hinde?"

"Shhh! May sasabihin ako," pagpapatuloy niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko, 'tong babaeng 'to. "Feeling ko hindi si Irene 'yung natagpuan sa lawa."

"Ano?" tanong ni ate Eva.

"Teka, pano mo naman nasabi? Lumabas na nga 'yung autopsy ni Irene 3 days ago," tanong naman ni Elo.

"Hindi niyo ba napansin? 'Yung nakuha nilang bangkay walang nunal," sagot niya.

"So?" tanong naman ni ate Eva.

"May nunal sa mukha si Irene!" sagot ni Crisha. Oo nga no? Pero hindi ko 'yon napansin.

"So, tingin mo mannequin 'yon ganon?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin.

"Baka naman nawala," wika naman ni Elo kaya napatingin kami.

"Nawala?" tanong ni ate Eva.

"Oo, diba kapag namatay naaagnas 'yung balat? Naagnas na siguro tapos nawala 'yung nunal," paliwanag naman ni Elo.

"That doesn't make sense," kunot-noong wika ko.

"It does! Hindi natin alam kung ilang araw nang nasa lawa 'yung katawan niya, baka nga hindi lang araw e," paliwanag niya ulit.

"No no no, no! I really believe na hindi si Irene 'yon. Kabisado ko mukha niya," wika pa ni Crisha.

"So, tingin mo kamukha lang 'yon ni Irene? Pero pano 'yon, wala naman siyang kambal diba?" tanong kong muli pero hindi niya pa rin ako pinansin.

"Siya 'yon, Crisha. Bakit hindi ka naniniwala sa mga pulis?" tanong ni ate Eva.

"Because they're liars!" Crisha automatically answered.

"E pulis tatay mo diba?" sabat ni Elo.

"Yeah, and he's a liar too," sagot ni Crisha.

"That's mean," wika ko habang nakatingin sa kanila.

FUCK FICTIONWhere stories live. Discover now