Episode 1

112 10 19
                                    

Episode 1:
Welcome to Gondwanaland

I closed the book of "The History of the World" that I was reading here in the library. Since ito na ang huling araw na mababasa ko ang librong 'yon because summer vacation will start tomorrow. And tomorrow will be the day of my nightmare.

I'm a member of the English Club in our school. And our club leader assigned us to find a good topic for our school newspaper. And she wants us to complete that task before the summer ends. I can do that but hey, it's summer. That's the perfect time to relax and explore. And with that taskㅡ It's like you're having a day off with office works in your hands. I hate her, but what can I do. Isa ako sa mga top writers sa school, and I need to maintain that reputation.

I exited the library and walk to the locker room. I'm gonna leave my books, notebooks and other school stuffs in here. Except for one notebook. I will write my future topic here.

"See you after summer Fort High School!" I said after exiting the school gate.

I start walking my way my home. I live in the Fort, a big town in the city of Murther. Famous for it's world class hotels, classy casinos, top businesses, and modern technology. 'Yon ang nakikita ng mga tao. Pero kung taga rito ka, makikita mo kung gaano kasama ang lugar na ito.

Fort is like the worst town in town. Crimes are everywhere. Very far from what people see.

Nang makarating ako sa bahay ay wala si Mommy. Nakarinig ako ng mga buhos ng tubig sa banyo kaya baka andoon siya. Umakyat na lang ako sa taas at nagbihis. Pagkatapos no'n ay inayos ko ang gamit ko.

"Peri? Naka-uwi ka na ba?" tanong ni Mommy. Sakto naman at pababa na din ako. Nakabihis na pala siya. Ambilis naman

"Andito na po," sagot ko.

"Wala na kayong pasok bukas ano?"

"Wala na po Mom. Summer vacation na bukas e," sagot ko at kumuha ng tubig sa may ref.

"Ah ganun ba? Saan mo naman balak mag-bakasyon?" tanong niya at binuksan ang kalan.

"I don't have any plans Mom. I need to find a topic for our newspaper. Kayo? Sa'n niyo gustong mag-bakasyon?" pinanood ko siya habang hinahalo niya ang niluluto niyang kanin. Wooh fried rice.

Tumayo ako. Kumuha ng instant coffee sa cabinet at nagtimpla.

"Tinanggap ko yung offer ng Tita Carol mo na magtrabaho sa bakeshop niya. 2 months lang naman. Dagdag ipon," sagot niya.

"Saan? Sa may Mandaluyong?" tanong ko. Umupo at humigop ng kape.

"Oo," sagot niya at hinain ang mga pagkaing niluto niya. "At ikaw naman, tutal wala ka namang plano, doon ka muna sa bahay ng lolo mo. Malay mo makahanap ka ng magandang topic doon," dagdag pa niya.

"Ako lang mag-isa?" tanong ko pa.

"Bukas na yung start ko doon sa trabaho. Tsaka nakabili na din ako ng bus ticket mo papunta doon," sagot niya habang nagsasandok ng pagkain.

"What?! Mom ang bilis. Hindi mo ako sinabihan," sabi ko.

"Tulog ka na nung nag-text sakin ang Tita mo e."

I sighed. "Okay. Anong oras alis mo at anong oras yung sa bus?" tanong ko.

"8 AM ako aalis. 8 AM din yung sa bus. Bale sabay na tayo papuntang terminal," sagot niya.

"Okay," sagot ko.

"Doon ka muna sa bahay ng lolo mo mag-stay," sabi niya.

"Saan nga ulit nakatira si lolo?" tanong ko.

FUCK FICTIONWhere stories live. Discover now