....
"Oy. Grabe kayo. Iniwan nyo talaga ako dun. Ang sarap nyong itapon sa ilog pasig." padabog kong nilagay yung bag ko sa upuan at saka umupo.
Nandito nga pala kami ngayon sa Canteen. Hindi na ako pumunta ng CR kasi di naman talaga ako natatae.
"Sus. Nagustuhan mo naman yung ginawa namin e." wika ni Micaela habang punong puno ang bibig ng burger patty.
"Besh, hinay hinay. Marami pa tayong pagkain." sabi ni Criselyn kay Micaela habang tinatapik tapik pa ang likod nito.
"Putek. Anong nagustuhan dun? Kita nyo namang playboy ang mokong tapos iiwan nyo lang ako ng mag-isa. Buti na lang sanay na ako sa mga ganung uri ng tao." kinuha ko yung isang plato ng nuggets at nilantakan iyon.
"Playboy, playboy. Pero gusto naman nya." bulong ni Charleen.
"Iba ang crush sa gusto Charleen. At yung nararamdaman ko sa kanya ay crush lang. Bakit? Dahil gwapo siya, matalino at saka magaling magpasunod ng tao. Yun lang."
"Di namin tinatanong." sabay sabay nilang sabi.
"Oy mga bakla. May pupuntahan kayo pagkatapos nito?" bulong ko sa kanila habang nakatingin kay Mrs. Wangtakot.
"Sa alabang besh. Maghahanap ng customer. Hahahaha charot." biro ni Jynarrah habang nakatingin din kay Mrs. Wangtakot.
"Saan nga kasi?" inis kong tanong.
"Hindi pa namin alam besh. Bakit ba?" sagot ni Criselyn sa akin na nakatingin din kay ma'am.
Ganern kami mag-usap kapag may teacher. Galing no? Hahaha
"Tanong ko lang." tatawa tawa kong sabi.
"Where are you laughing at Ms. Porelia?" napatayo ako bigla ng tawagin ako ni Mrs. Wangtakot.
"Sa Bubuyog ma'am. Nag aala-Jollibee po e." ngumiti ako ng pilit. Tawang tawa naman ang mga kaklase ko sa sinabi ko na pinapangunahan ng apat kong pinakamamahal na kaibigan.
Napatingin naman ako kay Auden ng kindatan ako. Putek di bagay. Nasa unahan kasi sya kaya nakikita ko. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at napatingin kay Ma'am Wangtakot, na ngayon ay sasabog na sa sobrang pula.
"SOLVE THIS EQUATION MISS PORELIA."
Paktay ka ngayon.
Pumunta na ako sa unahan at binasa ang problem.
The force of gravity causes a body to fall 16.1 dm during the first second, 48.3 the next second, 80.5 the third second and so on. How far will the body fall in 10 seconds?
Nakakafall ang problem e. Buti na lang may alam ako hahaha.
Isinulat ko na sa board ang solution at answer ko.
Given:
αsub1 = 16.1
αsub2 = 48.3
αsub3 = 80.5
n = 10
asubn = ?
d= ?Solution :
d= (asub2- asub1)
d=48.3 - 16.1
d=32.2asubn= asub1+ (n-1) d
asubn= 16.1 + (10-1) 32.2
asubn= 16.1 + (9)(32.2)
asubn= 16.1+ 289.8
asubn= 305.9Therefore, at 305.9 dm will the body fall at 10 sec.
Hindi sa nagmamalaki pero magmamalaki na rin, natapos ko yan ng 1 minuto lang. Ang galing ko.
Pagkatapos kong magsulat. Humarap ako kay ma'am at ngumiti ng pagkatamis-tamis ganun din si ma'am sa akin, mabait yan si ma'am e. Yung mga kaibigan ko namang pinagtatawanan ako kanina, nagstanding ovation pa pagkatapos kong magsulat. Mga loko-loko e.

BINABASA MO ANG
My Solely Wish
Teen Fiction"Isa lang naman ang aking hiling e. Ang pansinin mo ako kahit saglit lang. Dun lang napasaya mo na ako. Pero sobra-sobra ang ibinigay mo. Kaya ito ako ngayon nasasaktan ng dahil sayo." -Unknown August 1,2018