.....
JERON'S POV
"If she come back here, pakisabi na umuwi na siya. Mauuna na kami hijo." tumayo na si tita kaya sinabayan ko na lang sila ni tito hanggang sa pinto.
"Ingat po kayo tita."
"We will."
Isinarado ko na ang pinto pagkatalikod nila tita. Woohh grabe nakakatakot talaga kapag nasa harapan ni Tita Angel e. Sa wakas nakahinga na rin.
*Ding
*DongDapak. Sina tita na naman? Binuksan ko ulit ang pinto.
"Bakit po ti–ta... Oh Audlie? Saan ka naman pumunta?" napataas ang kilay ko ng si Audlie ang nagdoorbell. Kakainis itong babaita e.
"Sinamahan ko nga si Auden. Bakit naman nakataas ang kilay mo? Anong problema mo?" tumaas din ang kilay niya at saka ako itinulak papasok.
"Di mo ba nakasalubong sila Tita at Tito?"
"Tita...at... Tito?"
"Mama at Papa mo tungeks. Kani-kanina lang sila umalis."
"Ah hindi. Anong ginawa nila mama dito?" sabi niya at sumalampak sa sofa.
"Ano pa ba edi hinanap ka. Sa susunod wag ka bigla-biglang umaalis ha. Nakakatakot pa naman ang mama mo. Hay nako buti na lang matalino ako kundi nahimatay na ako dito."
"Salamat nalang at di nila mama nalaman kung ano ka kundi naglulumpasay ka na. At saka ano bang ipinunta dito nila?"
"Ano pa e di ipapakilala ka na naman. Bakit ayaw mo pa kasing tumanggap ng manliligaw ngayon e single ka naman?" kahit hindi talaga.
"Hindi ko alam." tumungo siya parang hirap na hirap.
"Umuwi ka na. Baka magalit pa si Tita sa akin. Wag ka na kung saan-saan magpupunta ha." tinulungan ko siyang tumayo sa sofa at saka pinagtulakan papuntang pinto.
"Sa bahay niyo ikaw didiretso ha. Wag sa ibang lugar kundi malilintikan ako nito. Mag-iingat ka."
"Oo na. Oo na." kumaway-kaway siya hanggang makapasok sa elevator.
"Pasensya na babae. Wala ako sa pwesto para magsabi e."
AUDLIE'S POV
Nang makapasok ako sa bahay namin, nakita ko sila mama sa living room.
"Saan ka galing?"
"Sa bagong pamilihan sa makiling, ma."
"What are you doing there?"
"Bumili po ng panregalo. Birthday ng kaibigan ko e." hinubad ko yung sapatos ko at inilagay sa shoe rack sa gilid.
"Where's the gift?"
"Binigay ko na po agad. Ma tutulog na po ako." Humakbang na ako pataas sa paikot naming hagdan ng biglang nagsalita si mama.
"Tomorrow. You have no classes so we will going to a fine restaurant. We will meet your fiance." tumango na lang ako saka nagpatuloy papunta sa kwarto ko.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nagiisip ng palusot para bukas ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Micaela is calling...
Pinindot ko ang accept button at nilagay sa loud speaker.
"Hello?"
"Hoy babaita may pupuntahan nga pala tayo bukas. Magpaparegister tayo sa mga college schools diyan sa tabi tabi." sabi niya haba
Hmm. May naisip ako....
____________________________
"Mica bilisan mo namang kumain baka magising na sila mama." kulit ko sa babaeng lumalantak sa lahat ng pagkain namin sa kusina.
"Sandali lang naman. Kukuhain ko na nga ito." turo sa chicken sabay lagay sa lunchbox.
"Ito." sa porkchop.
"Ito." apple.
"Ito." banana.
"Ito." hard boiled egg.
"Ito." chocolates.
"Kuhain mo na kayang lahat. Patagal ka pa e." kinuha ko lahat tapos binigay ko sa kanya sabay hila papuntang labas ng subdivision namin.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Hindi pa nasikat ang araw oh. "
"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo. " pumara ako ng taxi at sumakay dito dali-dali.
"Manong dito na lang po. " inabot ko sa kaniya ang bayad tsaka lumabas na.
"Anong gagawin natin dito Audlie?" tumingin siya sa pinakatuktok ng building tsaka tumingin sa akin.
"Sabi mo magpaparegister tayo? Kaya yan. " Tumingin ako sa pangalan ng school na nasa tapat namin at binasa ito ng pabulong. 'UP College'
"Di ba natin tatawagan sila Crise—"
"Good morning Micaela. Good morning Audlie. " napatawa na lang ako kay Micaela ng makita niya agad sila Criselyn.
"Mahuhulog na eyeballs mo Mica." sabi ni Jynarrah
"Eh? Hala anong gagawin ko? " pinikit-pikit pa niya ang talukap ng mata niya.
"Hahaha shet Mica. Ang tali-talino mo pero hindi mo alam na joke lang yun? Kaya ka naloloko e. " hindi makahingang sabi ni Charleen.
Kaya kinurot ko ng patago sa tagiliran siya. Magsasalita na nga lang di pa nag-iisip ng hindi makakasakit. Naku naku.
"Aray. Ano ba? "
"Twomegelkadyan" (Tumigil ka dyan)
Sabi ko ng pabulong."Bhaketba? " (Bakit ba?)
"MashadongemosyonalyanshiMica taposhshashabihanmongganun." (Masyadong emosyonal yan si Mica tapos sasabihan mo ng ganun)
"Edishorry. " (Edi sorry)
"Anong pinagbubulungan nyo dyan aber? "
"Hala wala wala. Halika na pasok na tayo. " hinila ko ng malakas si Charleen para tumahimik.
"So saan na tayo pupunta? " tanong ni Criselyn.
"Sa Mcdo na muna. Namiss ko na yung Chicken Ala King e." pumara na ako ng jeep na masasakyan namin papunta sa pinakamalapit na mcdo branch.
"Audlie bakit ka nga pala nag-aya ng napaka aga? 6:00 pa lang kanina e. " napatingin ako sa labas ng itanong sa akin yun ni Micaela.
"May irereto na naman kasi si mama sa akin e. Kaya dali-dali kitang pinapunta dun para makalabas ako ng maaga."
"O eto na pala tayo. Para po manong." sabi ko tsaka bumaba na.
"Anong bibilhin nyo? " tumingin ako sa kanila.
"Dalawang Bff fries na lang. Kakakain pa lang namin ng agahan e. "
"Sige sige. Hanap na kayo ng mauupuan ako na bahala dito. " pagka-alis nila saka ako pumila sa counter.
Gising na kaya si mama? Sana lang di niya ako makita mamayang pagala-gala. Kundi hahatakin na naman ako nun papunta sa irereto niya sa akin.
"Miss. Ikaw na daw" napatingin ako kay kuyang nagsalita.
"Ah ako na ba? Hehe sorry. " umusod na ako tsaka sinabi ko na rin ang mga order ko. Lumipas lang ang ilang minuto naibigay na rin sa akin ang mga order ko.
"Ito na guys. "
"Grabe namang dami niyang order mo Aud. Di ka ba pinapakain? " natawa na lang ako sa komento ni Charleen sa mga order ko na, Dalawang Chicken Ala King ,isang sundae at isang fries.
"Sandali lang kukuha lang ako ng gravy. " pumunta na ako dun sa gravy section at pinuno ang lagayan ko.
Pabalik na ako sa upuan namin ng di ko nakitang may makakabungguan ako.......
______________________
VOMMENTS'(*∩_∩*)′
BINABASA MO ANG
My Solely Wish
Ficção Adolescente"Isa lang naman ang aking hiling e. Ang pansinin mo ako kahit saglit lang. Dun lang napasaya mo na ako. Pero sobra-sobra ang ibinigay mo. Kaya ito ako ngayon nasasaktan ng dahil sayo." -Unknown August 1,2018