......
"Saan tayo pupunta Auden?" tanong ko ng makarating kami sa parking lot.
Kinuha niya yung helmet at inilagay sa ulo ko. Aba, hindi sinagot ang tanong ko.
"Oy saan nga tayo pupunta?" sigaw ko sa kaniya.
"Kahit saan basta mailayo kita dito. Bilisan mo sumakay ka na." tinap (tap) niya ang upuan sa likuran niya.
Itatanong ko pa sana sa kaniya yung sinabi niya kanina kasi di ko narinig ng biglang humarurot ang motor.
"Pakshet ka Auden. Bagalan mo ang motor. Baka sumuka ako bigla." sigaw ko para marinig niya. Kumapit ako sa likurang bahagi ng motor para di ako mahulog.
Binagalan din naman niya ng kaunti pero mabilis pa rin. Okay na rin naman yun sa akin kasi may motor din ako pero hindi ako sanay sumakay sa sobrang mabilis na sasakyan. Bigla akong sumusuka ng wala sa oras.
Mahigit isang oras na yata kami bumibiyahe pero 'di pa rin niya sinasabi sa akin kung saan kami pupunta.
"Maaari mo na bang sabihin sa akin kung saan tayo pupunta?"
"Sa bagong pamilihan sa makiling."
"May bibilhin ka?"
"Oo nalang."
"Ano bang bibilhin mo? At saka bakit ako pa sinama mo?" tanong ko sa kaniya ng makarating kami sa pamilihan dito sa makiling.
"Bibili ako ng regalo."
"Para kanino ba?"
"Sa girlfriend ko."
Nagulat ako ng sabihin niya iyon. "M-may girlfriend k-ka na?"
"Oo. Pero yung girlfriend ko di ako naaalala." sabi niya habang tumitingin sa mga damit.
Mas lalo akong naguluhan nung sinabi niya iyon. Girlfriend niya di siya naaalala? Ano yun may Alzheimer's disease?
"Bakit naman?" tanong ko na lang.
"Hindi ko din alam. Walang sinasabi sa akin ang mga magulang niya e."
"Ganun ba?" Kawawa naman-.
"Wag mo akong kawaan hahaha. Okay lang yun. Gagawa ako ng paraan para maalala niya ako muli." ngumiti siya sa akin. Ang gwapo niya kapag ngumingiti.
"Halika na. Hahanap tayo ng magandang regalo para sa gerlpren mo para mas mapabilis ang pag-alala niya sayo." hinawakan ko ang braso niya at hinatak siya para humanap na ng regalo.
Hindi sa masokista or what. Gusto ko lang maging masaya siya. Magaan na kasi ang loob ko sa kaniya. Hindi ko lang alam kung bakit.
JERON'S POV
"Audlie. Sina tita na ba yan?" tanong ko pabalik sa living room.
"Audlie? Yuhoo?" walang Audlie akong nakita pagbalik ko.
*Ding
*DongLumapit ako sa pinto at binuksan ito.
"Audlie saan ka ba nagpupun-ta...Tita?"
"Oh bakit gulat na gulat ka hijo? Si Audlie?"
"Ah..hehe. Tita wala p-po kasi s-si Audlie."
Ohmygash. Audlie. Saan ka ba nagpupunta? Patay ako nito kay tita.
"So saan nagpunta si Audlie, Jeron?" tanong ni tita pagkaupo niya sa couch.
"Uhm. Di ko po alam e. Akala ko po kasama ninyo ni tito kasi may nagdoorbell kanina." kinakabahan kong sabi. Nakakatakot magalit si Tita Angel. Kahit name niya Angel, kapag nagalit nagiging demon.
"What? Ngayon nga lang kami dumating, paano kami magdo-doorbell diyan?"
"Uhm. Sandali po tita. Tatawagan ko lang po si Audlie."
Itinype (type) ko na ang number ni Audlie sa phone ko.
*Ring
*Ring
*RingMay narinig akong tumutunog na cp malapit sa kusina kaya sinundan ko ang tunog.
At paktay talaga ako. Naiwan ni Aud ang cp niya sa lamesa.
AUDLIE'S POV
"Auden. Dala mo cp mo? Hindi ko pala nadala cellphone ko. Pahiram ako please. Itetext ko lang si Jeron na kasama kita."
Inabot sa akin ni Auden ang phone niya kaya nagtype na ako.
'Jeron, si Audlie ito. Kasama ko si Auden. Okay lang ako. Wag kang mag-alala ha. Mwuah.
Ps. Babalik ako kaagad.'
"Ito na phone mo oh. Thanks. Halika na at ng makauwi ako kaagad." hinila ko na ulit si Auden.
JERON'S POV
Owshit ka talaga Audlie.
"Jeron. Nasaan na daw si Audlie?"
"Uhm..." shit isip Jeron. Bawal mong sabihin yun kay tita baka lalong magalit yun.
"What hijo?"
"Tita bakit nga po pala kayo nagpunta dito? Saan po kayo pupunta?" ngumiti ako ng napakalaki at binigay kay tita at tito ang tinimpla kong juice.
Wala talaga akong maisip na palusot kung saan nagpunta si Audlie kaya yan, binago ko ang topic. Hayst anlaki mong problema babae ka.
"Ah. We will have a dinner with my friend and her son. Ipapakilala ko si Audlie. Baka magustuhan niya yung anak ni Francine." ngingiting sabi ni Tita Angel.
"Huh? Hindi naman po sa nanghihimasok pero, diba may boyfriend pa ho si Audlie. Diba si A-" naputol ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Tita.
"No. Nang dahil sa kaniya di maalala ni Audlie ang mga nangyari dati."
"Huh? Dahil sa kaniya?"
"Oo. If he didn't drunk that day, Audlie will not forget what happened 5 years ago since that day."
____________________
10/26/18
Pagpasensyahan na po ang grammar kung mali-mali. Hindi po kasi ako perpekto. Hehehehe
THANKS ♡
BINABASA MO ANG
My Solely Wish
Novela Juvenil"Isa lang naman ang aking hiling e. Ang pansinin mo ako kahit saglit lang. Dun lang napasaya mo na ako. Pero sobra-sobra ang ibinigay mo. Kaya ito ako ngayon nasasaktan ng dahil sayo." -Unknown August 1,2018