....
"Putkte. Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" gulat ko pa ring tanong. "At saka bakit ka nakaganyan? Gaya gaya lang ng uniform namin?"
"I miss you babe. How are you? Did you miss me too?" akmang yayakap siya sa akin, pero tinabig ko lang kamay niya.
"Wag mo nga ibahin ang usapan. Tinatanong kita kaya sumagot ka." duduruin ko sana siya ng makita ko si Mrs. Phuno, ang principal namin.
"Ms. Audlie Porelia, please escort Mr. Jeron Lujean hanggang sa mamemorize na niya ang pasikot sikot dito sa campus. Isa siyang transferee student kaya tratuhin mo ng ayos ha. Thank you Ms. Porelia." sabi ni Mrs. Phuno at umalis na lang bigla na hindi man lang ako nakakapagsalita.
"Ngayon alam mo na babe ang dahilan kung bakit ako nakasuot ng uniform nyo at bakit ako nandito." ngingising sabi niya.
"Ewan ko sayo." hinatak ko na sina Criselyn papuntang gate. Putakte nagugutom na talaga ako.
Papalabas na kami ng gate ng biglang may tumawag sa akin. "Audlie. Sandali." napalingon tuloy ako sa likod para tignan kung sino yun. Si Auric na naghahabol ng hininga na parang hinabol ng sandamakmak na ipis. Nakakahingal kaya yun at nakakatakot pa.
"Sabi ko susunduin kita sa room nyo at sabay na tayo pumunta sa office. Di mo man lang ako hinintay." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Di ko matandaan na nagsabi siya nun.
"Tangek nagsabi siya. Nasa canteen pa nga tayo nun e.Magmemory plus gold ka na nga lola Audlie. Masyado ka ng tumatanda."napatingin tuloy ako kay Micaela na kumakain na naman.
"Magano ka nga-"
"Wag ka ng magsalita. Wala kang panama sa akin. Bleeh. Bababababyyyeeee" dinilaan pa ako ng loka bago hatakin sila Criselyn.
Kinulbit ako ni Auric."Halika na. Hinihintay na tayo nila." tinuro pa niya ang daan papuntang faculty.
Ang gentleman ni kyah, ako pa punaunang maglakad papuntang faculty dahil hindi ako sanay na ako nauunang maglakad, huminto ako at sinabayan siyang maglakad.
"Bakit?" tanong niya at saka huminto. Kaya napahinto din ako. Nakakahiya nasa gitna kami ng open field.
"Di ako sanay na may nasa likuran ko kapag naglalakad ako. Halika na, nasa gitna pa naman tayo ng open field nakakahiya." hinatak ko siya at saka binilisan ang paglalakad papuntang faculty.
"Good morning everyone. Dahil nandito na kayong lahat. May mga sasama sa inyo magreview. Tutulungan kayo para mas maintindihan nyo ang mga irereview. Nandito si Jeron for science. Si Angel for English. Gab for Filipino. And ako for Math." tumingin sa akin si Auden ng banggitin niya ang math at saka ako kinindatan.
Putakte. Matalino ba yang lalaking yan? Di ako nainform. Hahahahaha ansama.
"Nakakahiya babae pa ang makakasama kong magreview." bulong ni Auric pero nadinig ko. Close kami e.
"Okay lang yan Ric. Gwapo ka naman e." nginitian ko siya at tinaas taas pa ang kilay ko para sabihin na totoo sinabi ko. Nakita ko naman pumula ang tenga niya. Ang cute hihihi.
"Sige. Una na ako dun sa side namin ha." nginitian muna ako ni Auric bago siya pumunta sa pwesto nila.
Nagsisimula na sila magreview. Pero ako nandito pa rin at nakaupo sa sulok. Wala ako sa mood e. Babagsak na sana talukap ko at makakatulog na ng may humigit sa akin bigla. "Sa garden tayo."
Kumunot ang noo ko ng makita ang nilalakaran namin ay papuntang canteen."Hoy lalaki, papuntang canteen to ah?"
"May bibilhin lang ako."
Akala ko bibitawan na niya ang braso ko kasi kukuha siya ng pera pero yun ang akala ko kasi ako ang pinakuha ng pera niya.
"Pakisara din nung wallet ha. Thanks." kinuha niya sa akin ang pera niya at saka bumili ng pagkadami dami. Buong klase ba papakainin niya?
Hirap na hirap tuloy kami magbitbit ng mga pagkain. Kung di ba naman ang timang hawak pa rin hanggang ngayon ang braso ko.
Nilagay ko agad sa upuan ang mga pagkain at padabog na umupo sa damuhan. Hiningal ako e. At saka para mabitawan na niya braso ko.
"Bakit ang dami mo bang dalang pagkain?"
"Ahh??."
"Huh-Ackkk" nabulunan ako ng bigla ba naman niyang ipasok sa bunganga ko ang tatlong buong pringles.
Akala ko di na ako makakahinga, buti na lang binigyan niya ako agad ng gatorade.
"Whooo" sabi ko pagkatapos uminom.
"Bakit mo inubos?" napatingin tuloy ako sa kaniya at dun sa bote ng gatorade.
"Hehehe. So..rry?" ngingiti ngiti kong sabi.
"Okay lang. Okay ka na ba?" wahaw. Concern si kyah.
"Yas. Review na ako ha?" tinanguan na lang niya ako at sinubuan ulit ng pringles. Pero yung alam ko na hahaha.
Tumagal kami ng tatlong oras kakabasa at kakakain. 6:00 ng hapon na kami nagpasyang umuwi.
"Hatid na kita? Medyo madilim na e. Baka kung mapaano ka pa dyan sa daan." aya niya habang nililigpit mga pinagkainan namin.
"Hindi na. Hindi ako sa nagpapabebe ha. Kaya ko ng mag-isang maglakad, sanay na rin naman ako. Tsaka wala naman mangyayari dyan e. Kilala ko mga tao papuntang bahay namin. Hahahaha. Sige Bye." kumaway muna ako sa kaniya bago lumakad pauwi.
Nasa may highway na ako ng may maramdaman akong sumusunod sa akin. Tumingin na ako sa likod, gilid at harap ko, sinilip ko na din mga pwedeng pagtaguan pero wala namang tao.
Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad ng biglang may tumakip sa ilong ko.
"Matulog ka muna." ang narinig ko bago ako mawalan ng malay.
___________________
08/22/18
Note. Heeeelllloooo.
So yun na nga. Wala pa rin nagbabasa hahahahaKahit na. Kailangan ko talagang tapusin to hahaha. Di ko matapos tapos story ko e.
THANK YOU SA MAGBABASA.
Vomment?? *puppy eyes*Okay lang sa akin na hanggang 3 lang ang magbasa nito hanggang dulo. Promise maappriciate ko yun ng bonggang bongga.
VOTE
COMMENT
BE A FRIENDthat's all mwuah mwuah mwuah.
HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
My Solely Wish
Novela Juvenil"Isa lang naman ang aking hiling e. Ang pansinin mo ako kahit saglit lang. Dun lang napasaya mo na ako. Pero sobra-sobra ang ibinigay mo. Kaya ito ako ngayon nasasaktan ng dahil sayo." -Unknown August 1,2018