Chapter Two

5 2 0
                                    

....
AUDLIE'S POV

'Di ako makatulog ngayong gabi sa kakaisip, sa diwa o ikaw ang aking panaginip-CHAROT. HAHAHA




Di ako makatulog sa kakatawa sa mga nangyari kanina. Grabe talaga...

"May asawa ka na?" di makapaniwala niyang tanong.

"Oo. Kaya kung pwede uuwi na ako kasi hinihintay na ako ng asawa't anak ko e." binawi ko sa kaniya ang braso ko at saka umayos ng tayo.

"Kailan pa?"

"Nung nag-debut ako." nginitian ko muna siya bago naglakad pabalik sa sakayan ng bus. Iniwan ko siya dun na takang-taka at ang malupit, nakanganga pa. Hahaha konti na lang ay tutulo na ang laway niya.

Sa tuwing naalala ko yun tawang tawa talaga ako. Akala siguro nila mama humithit ako ng katol.

"Aud bakit tawa ka ng tawa? Nakahithit ka ba ng katol kanina?"tanong sa akin ni mama habang naglalagay ng kanin sa pinggan niya.

"Grabe ka po ma. 'Di ba pwedeng may nangyaring nakakatawa lang? Grabe po sa nakahithit e."

"Grabe ba? Para kasing nakahithit ka talaga e. High na high ka."

"Hahahaha" tawang tawa si papa sa mga sinabi ni mama.

Paulit-ulit kong naaalala ang nangyari kanina hanggang sa tinablan na ako ng antok at knock out na sa higaan kong banig.

SOMEONE'S POV

"Hello Micaela?"

[Oh?]

"Ano kasi."

[Sige tulog na ako-]

"Kailansiyanagdebut?"

[Bakit mo tinatanong?]

"Libre ko ang isang linggo mong recess."

[Hindi pa siya nagdedebut. 16 pa lang siya. Sa December 30 pa siya mag-17. Bakit ba?]

"Wala. Wala."

[Yung libre mo ha. Wag mong kakalimutan kundi sasabihin ko ito sa kaniya.]

*tottottottottottottottot

"Wala ka pa palang asawa e. Niloloko mo ako. Pero kahit may asawa ka na, gagawa ako ng paraan para maging akin ka lang." pagkausap ko sa litrato niya at niyakap ito hanggang sa pagtulog.

AUDLIE'S POV

Monday na't lahat lahat, di ko pa rin napapag-isipan ng maigi ang quiz bee. Puro tulog at kain lang kasi ako nung sabado at linggo, nagbabawi ng tulog kumbaga.

"As I was saying Ms. Porelia. Napag-isipan mo na ba? Kanina pa ako nagtatanong dito, nakatulala ka lang dyan." madiin na wika ni ma'am Wangtakot.

"Uhm. Pwede ko pa po bang pag-isipan?"

"Ano ba ang bumabagabag sayo at hindi mo mapag-isipan ng maayos?"

"Baka hindi ko po kasi makayanan yung mga tanong dun. At saka baka makalimutan ko po yung mga irereview ko, wala po akong maisasagot. At saka baka di ko po maipanalo yung school natin." mahabang lintaniya ko na tawa lang ang isinagot ni ma'am. Hirap talagang umasa na masusuklian ka katulad ng ginawa mo-WHOGOAT!! HAHAHA

"Ma'am naman e. Wag nyo po akong pagtawanan." yumuko pa ako para kunyari nahihiya.

"Ngayon ka lang ba makakasali sa mga quiz bee? Kahit nung grade school ka pa?" natatawa paring sabi ni ma'am.

My Solely Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon