Chapter 43

252K 3.4K 845
                                    

Chapter 43


Kathryn's POV


Yakap-yakap lang ako ni Daniel. Wala naman kasing katao-tao dito.

Hindi kami naguusap pero hindi rin naman kami magkagalit.

Parang we're just contented na we're holding each other lang.


Hindi ko alam kung bakit pero may something ako ngayon na ang hirap i-explain.

Siguro nga natatakot lang ako na hindi ko masabi kay Daniel yung feelings ko bago siya umalis.


Hindi ko pa kasi matanggap yung sinabi niya.

Gusto kong paniwalain yung sarili ko na lahat ng ito ay isang malaking TRIP lang ni DJ. Na lahat ng tungkol sa 7 days ay biro lang niya. At least yun, matatanggap ko pa.

Kaso kahit anong gawin ko, totoo pa rin yun.


"Bat ang tahimik mo na naman?" Bulong ni Daniel sa tenga ko.

"Wala. May naisip lang"


Tinignan niya ko tapos kumunot bigla yung noo niya.

"Kapag hindi ako yung iniisip mo, maiinis ako sayo. Dapat ako lang isipin mo palagi"

"Bakit? Boyfriend ba kita?" Asar ko.


"Bakit ba kasi hindi mo pa ko sagutin? May kulang pa ba?"

Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya.


Sige nga! Kapag ba sinagot kita, after 7 days, break na tayo! Iiwan mo rin kasi ako.


"Hay. Okay fine, wag na muna yun ang pagusapan natin. I told you I can wait" Ngumiti lang siya at pinaglaruan niya yung buhok ko.


Ito na naman ako.

Parang gusto ko na naman umiyak.

TT_TT


Paano niya nasasabi na kaya niya maghintay?

Kung makaasta pa siya eh parang hindi niya iniisip yung oras na natitira sa kanya bago siya umalis papuntang US.


Kung makapagsalita siya, parang hindi siya nahihirapan. Parang hindi siya nape-pressured.

Paano niya ba nagagawa yun?


"Daniel, ayokong umalis ka---"


"Kath. Wag mo muna isipin yan okay? Yan ka na naman. Iiyak ka na naman oh. Itigil mo nga yan" Hinawakan niya yung pisngi ko tapos tinitigan niya ko. Seryoso siya, promise.


"Alam ko mahirap para sa atin pero let's just forget everything and enjoy Kath"

Seriously. Enjoy? How can I enjoy everything? Everytime I looked at him, naiiyak ako! Sumisikip yung dibdib ko! Nahihirapan ako huminga!


Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon