#Share lang: Wee! Sobrang nakakatuwa lang kasi sa subject naming food micro(Im an HRM student), nung nagluto kami ng fried tilapia...nakakuha kami ng 96%! Beginners pa kami niyan ah! Wahaha may kasamang garlic sauce yun eh :D
Anywhoo, thanks sa mga nag-fan, dedicate, comment and vote!
Ito lang masasabi ko, MALAPIT NA!!! hahaha. Medyo lang naman. Siguro last chapter ng story, dun lang sasabog yung A/N! Hahaha. Kaya chill chill lang muna tayo. Ayokong ma-stress. Hihihi.
---------------------------------------------
Chapter 48
Kathryn's POV
"Kuya..."
Magsasalita na sana ako nung bigang dumating si mama.
"Oh, nandito na pala neil..kath...Teka. DJ? Bakit nandito ka?" Kumunot yung noo ni mama nung nakita niya si Daniel.
"Ah Tita Min, good afternoon po" Nagmano si DJ kay mama tapos tumabi siya sakin.
O_O
Ano ba toh!
Dumating pa si mama!
Dagdag sakit sa ulo!
"Ma, nagpapaturo po kasi ako kay DJ sa Math. May assignment po kasi kami eh hindi ko maintindihan yung lesson nung teacher namin" Palusot ko. Sabay tumingin si Mama at Kuya dun sa notebooks ko sa table sabay nagtinginan silang dalawa.
"Yun lang?" Tanong ni Kuya.
Uhm.
Teka lang.
Pwede umupo? Nakakangalay eh.
Hahaha.
Tinignan ako nung dalawa ng seryoso.
*gulp*
Shemay.
Ibang usapan na ito.
"Tsaka meron pa po" Dagdag ko.
Hindi nagsalita yung dalawa. Tinitigan lang ako.
Okay.
Alam kong mahirap gawin kasi first time ko pa lang magka-boyfriend.
New experiences lahat!
Pero kailangan ko na itong gawin eh.
Hinawakan ko yung kamay ni DJ at napatingin siya sakin.
"Ma, sinagot ko na po si Daniel...kanina lang"
BINABASA MO ANG
Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)
Teen FictionMeet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pagkamayabang pa. What will happen if one day nag meet sila? A story full of love, kilig, tawanan and asaran! (Book 1) FINISHED! - Complete...