Someone's P. O. V
Andito ako sa locker room, binabalik ko yung ibang libro o gamit kong nagamit na. Bukas ko nalang siguro kukunin ulit...
Habang nag aayos ako dito naisip ko na dumaan muna saglit sa music room, tutal wala naman ng klase may vacant pa naman kaming 1 hour. Wala din naman akong gagawin...
Habang palapit ako ng palapit ay parang may umiiyak? Sino yun? Saan galing? Luminga linga ako sa paligid pero walang tao kasi klasi pa nila ngayun, oras pa ng klase.
Binale wala ko nalang yun pero...
Habang palapit ako ng palapit talaga ay lumalakas.
Huminto muna ako at nakiramdam kung saan iyon nanggagaling.
*ting!*💡
Alam ko na kung saan sa music room!
Madali akong pumunta duon, nang nasa tapat ako ng pinto ay huminga ako ng malalim at unti unti ko itong binuksan..
Nakita ko dun ang isang magandang babae na umiiyak, unti unti ko syang nilapitan inabutan ko sya ng panyu
"Panyo?" Alok ko sakanya...
Unti unti syang nag angat ng tingin.
Umiling lang sya. At tumayo, pinunasan nya ang kanyang mga namumugtong mga mata... atsaka nag salita."No thanks, but thank you"
Sabi nya sa gitna ng kanyang mga hikbi... ngumiti din syang alam kong pilit.Lumakad na sya sinundan ko lang sya ng tingin.
Nakaka-tatlonf hakbang palang ata sya ay bigla nalang syang natumba. Mabilis akong gumalaw at sinalo sya...Nung tinignan ko na ang kanyang muka ay...
Tsk. Wala na syang malay! Napatitig ako saglit sa kanyang makinis at maganda nyang muka..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nabalik lang ako sa ulirat ng sumarado ng malakas yung pinto, di ko pala na sarado kanina...Pero, bat ganun? Tinitigan ko lang sya, bumilis agad tibok ng puso ko? Aish!
Dali dali ko syang binuhat ng pa bridal style at patakbong dinala sa clinic..
*boogggsshh*
"Oh anung nangyari sakanya?"
"Nawalan po sya bigla ng malay"
"Ahh... ganun ba? Sige, ihiga mo muna sya dito. Bumili ka muna ng makakain nya at tumig na rin" sabi ni Ms. Shen habang tinitignan si.... ewan ko? Basta. Lumabas na ako at bumili ng makakain.. dinamihan ko ito.
~°~°~°°
Hanah's P. O. V
Nagising ako kasi may naritinig akong pamilyar na tinig..
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at ginala ang tingin sa paligid..
Puro puti dito, nadako ang tingin ko sa isang lalaking parang pamilyar at kay Ms. ShenNapatingin sila sakin ng nag kunwari akong umubo.
"Oh? Gising ka na pala. Kain ka muna..." sabi ni Ms. Shen. Inabot nya sakin ang isang tray na may lamang 1 hamburger 2 sandwich 1 water
1 buko juice.Inabot ko toh at nilapag sa maliit na lamesa dto sa tabi ng kama..
Na patigil ako ng may mag salita. Kamuka ng boses nya.
Unti unti kong inangat ang paningin ko, kamukang kamuka nya nga. Sabi ko sa isip
"H-hello" nanginginig kong sabi at pilit na ngumiti. Ngumiti naman sya pa balik. Parang sya talaga!
"What's Your name?"
"H-hannah Deines B-bernabe." Nauutal kong pakilala sakanya...
"Ikaw?" Lakas loob kong tanong sakanga, para malaman ko din kung sya ba ito.
"I'm P--" naputol ang kanyang pag papakilala sana ng may biglang sumigaw sa labas.
"Waaahh! Friendd!"
"Waaahh! Beb!"Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na nag uunahang lumapit sakin niyakap nila ako..
"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo, di ka pala kumain tapos may gana ka pang mag music room?!" Singhal sakin ni Rhose...
Si Mhae naman ay tahimik lang sa isang gilid pati rin si..... ewan eh? Di pa sya nakakapag pakilala.
Parang ramdam ko na may ilangang nagaganap sakanilang dalawa. Bakit kaya? May past ba sila?
YOU ARE READING
Married to the Campus King [on-going]
Mystery / ThrillerIsang rebeldeng babae dahil sa isang fixed marriage..... At Isang lalaking sunod ng sunod sa isang rebeldeng babae.... Kung mahuli kaya si boy sunod ng sunod ni girl rebelde anung mangyayari? Mag mamahalan kaya sila? Oh hanggang one-sided love nalan...