Chapter 7

14 1 0
                                    

Mhae's P. O. V

Nung malapit na kami sa clinic ay nag unahan na kami ni Rhose sa pag alala. Di namin alam kung bakit sya napunta sa clinic eh.

"Waahh! Friendd!"
"Waahh! Beb!"
Sabay na sigaw namin ni Rhose.

Ng nakapasok na kami. Niyakap agad namin si Hannah, di namin pinansin kung sino ang mga andoon. Pero parang sya lang eh, so okay na din.

Nung humiwalay na kami may napansin akong lalaki sa isang gilid. Siguro ito yung nag dala sakanya, yung prince.

Bat ang lakas at bilis ng tibok ng puso ko? Sakanya ko lang naman yon nararamdaman.

Nung na tingin ako sakanya, tila na walan ako ng hininga. Natigilan ako, dahil sa kaharap ko ngayun. Gusto kong umiyak, parang bumalik ang nakaraan nung kami pa.

Nag tama ang aming mga mata, nakita ko sa mga mata nya na nagulat sya. Hah! Gulat ka noh? E-eto na uli ako! Kaharap mo uli ako! Nagkaharap na ulit tayo, yung taong sinaktan mo😥

Maluha-luha akong tumalikod sa kanya at tumayo nalang ng tahimik sa gilid. Pinag mamasdan ko nalang sina Rhose at Hannah na nag uusap.

Napatingin sakin si Hannah, siguro nag tataka kung bakit ako tahimik.

Nung dumating kami kanina dito, nag uusap lata sila. Nakangiti pa ha? Pero di ako nag seselos no? Bakit naman ako mag seselos, part lang naman sya ng past ko na di na dapat pang alalahanin/ibalik!

Tch. Tama na! Ayoko na! Mag hahanap nalang ako ng iba dyan diba? Di lang naman sya ang lalaki sa mundo! Siguro pinagtagpo kami pero di kami para sa isa't isa.

Lalabas muna siguro ako noh? Andyan naman si Rhose at si Prince, para mag alaga sakanya.
Mamaya ko nalang sya kakausapin.

Bat ka lalabas? Diba naka move on kana?
Siguro affected ka parin sakanya?

Tss. Oo, naka move on na ako!
Di na ako affected noh!

Wait. Bat ko kinakausap ang sarili ko?
Aish. Guloo!

Rhose's P. O. V

Nandito ma kami ni Mhae sa clinic, pag dating namin dito gising na din si Hannah!

May kasama pang lalaki ah?! At kaloka!
Ang gwaffuuuu!! Nakakaloka si bes! Gwafu ng nag dala sakanya ah?

Pero pansin ko lang, ang tahimik ni Mhae. At ang tahimik rin ni boy. Kaninang nakangiti din si boy pag dating namin dito ay nawala ng nag kita sila ni Mha. Si Mhae din na ang lakas lakas ng boses eh napipi! Anyare? May past ba sila? Pero, parang impossible! Walang nasasabi si Mhae na may bf na sya?

Aish. Wag yan ang intindihin mo Rhose! Okay? Alalahanin mo si Hann--wait, nakalinutan ko pala si Hannah! Sht! Yung moga-moga nya!

Tumakbo na ako papuntang clinic! Pinabili kasi ako ni Hannah na pabili daw ng moga-moga! E wala yung boy kasi nag cr lata? Si Mhae naman ay nawala?

Pagdating ko sa clinic  singhal agad ni Hannah ang narinig ko..

"Tsk! Ba't ang tagal mo? " hala?

Binigay ko na sakanya yung moga-moga nya!
Ganyan yan eh, madaling mag init ang kanyang ulo pag nag kecrave sya sa isang pagkain pag matagal o wala ito.

"Eto na, sorry. Hehe. Dami kasing tao eh. Kaya natagalan." Paumanhin ko at pag sisinungaling.
Hehehe.

Peace tayu!

Hannah's P. O. V

Andito parin ako sa clinic at nag iinit na ang ulo ko! Bakit!? Kasi ang tagal ni Rhose bumili! Moga-moga! Waahhh! Gusto ko nang mag wala pinipigilan ko lang. Ganito ako, mabilis mag init ang ulo pag nag kecrave!
Arrgghh! Ang tagal! Pvta?!

~^~^~^^

Hi! Sorry sa short ud! Kasi wala lang, sorry din kasi mabagal ako mag ud! Wala rin naman kasing nag babasa ng story ko! Hmp!






Married to the Campus King [on-going] Where stories live. Discover now