The Virgin 6

6.5K 132 2
                                    

Pag labas ng Hotel ay marami ng mga pulis agad akong tumakbo palapit kay Serifi na ngayon ay naka upo habang may balot na kumot iyak ito ng iyak tinapik ko ito sa balikat habang sinasabing 'okay na'.

Napag alaman kong madami na din palang nabiktima sila Nico Pakyung yun.

"Okay ka na ba?" Inabutan ako ni Carrie ng isang bote ng tubig andito kaki ngayon sa Condo niya.

"Okay na Salamat may gusto lang sana akong itanong" tumingin siya sakin at tumango.

"P-pano niyo nalamang nandun kami?" Umupo siya sa tabi ko at saka tinignan ako sa mga mata.

"Pag pasok ko sa loob wala na kayo dun kaya kinabahan na ko maya maya dumating si Mitchi ng malaman niyang wala kayo tumawag agad kami ng mga pulis, palabas kami ng Bar ng makita namen si Aki hindi mo lang alam pero pansin din nameng lagi siyang naka buntot sayo" huminto siya sa pag sasalita at huminga ng malalim bago nag patuloy.

"Sinabi namen sa kanya ang sitwasyon pumasok siya sa loob at kinuwelyuhan ang isa sa mga Bouncer dun tinanong niya kung nakita niya ba kayo at sinabi ng bouncer na Oo at actually kilala niya sila Nico dahil nga madami ng na gago ang gagong yun. Inalam namen kung saan madalas dinadala ng gagong yun ang mga biktima niya kaya nalaman namen kung nasan kayo"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung matutuwa or maiinis ba ko pero mas pinili kong manahimik.



Kinabukasan hindi ako pumasok sa Company hindi ako lumabas ng kwarto mag damag akong nakakulong.

Tumayo ako at tinignan ang sarili ko sa Salamin napa mura ako sa naalala ko Tang ina nakuha ng Gagong Nico ang Virginity ko.

Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap nawala ang pinaka iingatan ko kahit gagago gago ako gusto kong ilaan sa taong papakasalan ko ang Virginty ko pero wala na.

Napa upo ako sa sahig hindi ko namalayang ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.

Loving Say AlonzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon