Family Outing

118 2 1
                                    

Hannie's POV

"Hoy kian!!! bumalik ka dito! humanda ka sakin pag nahawakan kita!"- habol ko kay kian

"Kahit anong takbo mo! hindi mo ako mahahabol! ateng unano! ;P "-Pang-aasar pa lalo ni kian sakin


"Ikaw talagaaaaa lagot ka talaga sakin!!!"- sigaw ko pa

"Hannie! hayaan mo na yang kapatid mo, halika kumain ka dito!"-Mama

"Samahan mo kami dito ng mama mo babygirl!"- Papa

tumigil ako sa kakatakbo sa buhanginan
at lumapit agad kina mama't papa

"Eto kumain ka"- iniabot ni mama ang barbeque saka umupo sa tabi nila

"Mama, tignan mo anak mong si keanno sweet sa girlfriend nya"-Papa

tumingin naman ako sa pinupwestuhan nila kuya keanno

"Aba Oo nga binata na talaga yan, nung umalis ako dito 16 years old palang sya"-Mama

"Nako mama, maghihiwalay din naman yan agad!, alam nyo ba na halos karamihan daw sa building ng college na babae EX nya!, ibig sabihin hindi seryoso sa karelasyon!"-kwento ko habang ngumunguya ng barbeque

"tingin ko naman seryoso na sya ngayon, kasi ayan ang kauna-unahang babae ang ipinakilala samin ng mama mo"-Papa

Oo nga no? hindi ko naisip yun. akalain mo nga naman pwede din pala maging seryoso ang isang playboy

"Aba Oo nga no? hmmm teka nga, family outing natin 'to pero bakit kasama girlfriend ni kuya keanno?"-Ako

"Hayaan mo na, the more the merrier"-Mama

"Tama"-Papa

(¬‿¬)

lumapit si kuya keark samin at kumuha ng barbeque

"Ikaw keark, kailan ka nga pala magkaka girlfriend?"- tanong ni papa

"Papa naman"-Kuya keark

napapangiti ako sa usapan haha(^~^)

"Nagtatanong lang naman papa mo, teka baka naman meron na "- biro ni mama

"Pati ba naman ikaw ma? psh!"-kuya keark

"Eh kuya yung araw na bumisita si nathan sa bahay ng umaga, bakit naka formal attire ka? nakipag date ka no?"- pang aasar ko HAHA

"Hindi 'no! "-apila nya

"Eh ano pala ginawa mo nun?"-tanong ko

"basta may pinuntahan ako nun"- saka kumagat sa barbeque

"hahahaha"- Mama't Papa

"Eh ikaw bansot!? balita ko nakakasama mo sa school yung mga sigang transferees? pati yung Royal Gang?"- kuya keark

Natigil ako sa pagkagat ng barbeque  0____0

"Ha?"-Ako

"Ano? siga?"-Mama

"Nako babygirl lumayo-layo ka sa mga ganung tao!, mamaya pagsamantalahan ka!"-Papa

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon