KING's P.O.VNahulog ako sa kama nang marinig ko ang ingay ng alarm clock.
Agad akong tumayo para patayin yon =____="Badtrip, inaantok pa ko" - bulong ko.
Nakapikit parin ako, gusto pa ng katawan kong humiga, ang mga mata ko ay parang walang balak dumilat.
anong oras narin kasi ako nakauwi kagabi.
nakipag inuman pa ang papa nila duwende sakin.*Flash back *
Parehas kaming marami na ang nainom.
10pm na pala...
Nagsimula kami mga 8:30.
Halata namang tipsy na ang papa nila."hijo...may hihilingin sana akong pabor sayo." - saad nito
Medyo okay pa sya kausap, siguro nilalabanan pa nya ang alak na dumadaloy sa katawan nya.
Sa ganyang lagay, hindi sya sanay sa inuman."Ano ho 'yon?" - Tanong ko.
Seryoso syang nakatingin sakin.
"Mapagkakatiwalaan naman siguro kita.... Gusto ko sanang ipagtanggol mo anak ko, hindi naman literal na super hero, gusto kong bantayan mo sya, ipagtanggol mo kung kinakailangan, yung mga anak kong lalake, hindi sya nakakasama sa school nyo dahil may mga kanya-kanya silang ginagawa. Kaya hindi rin masyadong nababantayan, si Hannie kasi ang nag iisa kong anak na babae, ayoko lang na may nananakit sa kanya, prinsesa namin yon dito."-Kwento nito.
May choice pa ba ako?
Pero sige, bilang kapalit dun sa pagtulong ng anak nyang si keark sa team namin, gagawin ko lahat ng sinabi nya." Sige ho, makakaasa kayo"-sagot ko
Napaisip tuloy ako kung bakit sa akin sya humingi ng pabor... Hindi ba dapat kay Clyde? =___=
Kung sabagay, pati si clyde nagagawang saktan si duwende.
*End of flashback *
"Anong oras ka umuwi kagabi?"
Paglingon ko, si tita....
Tatanungin ko sana kung paano sya nakapasok dito, naalala ko may duplicate sa kanya.
"Bakit mo ba tinatanong?" - Me
Tumayo ako at naglakad palapit sa sliding door ng balcony ko para buksan yon at pumasok ang liwanag ng araw.
"Nagsabi si clyde na ikaw ang may gawa kung bakit meron syang black eye. Sabihin mo sakin ang dahilan kung bakit ginawa mo yun sa kanya? " - tita
=____=
Ibang klase, nagawa nya pang mag sumbong?, masyado na syang gurang para magpakampi tsssk.
"HAHAHAHAHA nagsumbong sya sa inyo? HAHAHAHA" - pagtawa ko.
How ironic na ang isang tulad nya na kinatatakutan sa university , sumbongero naman pala pagdating dito.
"May nakakatawa ba?,siguro naman alam mo kung paano magalit ang auntie Seo Ah mo" - Tita
Tumigil ako sa pagtawa at tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
High School Memories
Teen FictionA simple student, Hannie, would fall in love with two mortal enemies. (Zyler & Clyde) both of them leading the popular group of their university. hannie will be kidnapped by a big time criminals and they will keep her for a long time and will be tor...