HIGH SCHOOL MEMORIES

33 2 0
                                    


10 years later...

KING'S P.O.V

It's been a decade since nangyare ang hindi nakakalimutan ng karamihan noong highschool, maraming nagbago sa buhay namin. actually tahimik na ang buhay ng lahat. may sarili ng pamilya si Laimer, ikinasal sila ni Hopie 3 yrs ago at may isa ng anak. si Matthew naman ay engaged ngayon kay Ashley, nagkabalikan parin ang dalawa. si Prince naman ay may Girlfriend na ngayon at may magandang trabaho. habang si Jade ay artista na ngayon. may nakita na daw syang babae para sa kanya, nakilala nya sa Bar last month kaya laging tambay sa bar ni matthew.
Ako? single parin hanggang ngayon. 10 yrs na nakakalipas but still I'm inlove with her, si Hannie. sayang lang at hindi ko nasabi sa kanya ang feelings ko for her, it's complicated kasi. pero atleast alam kong gusto nya rin ako.
siguro ganon talaga kapag inlove ka parin sa isang tao, hindi mo magawang makipag relasyon sa iba. ewan ang corny.

Wala na akong gaanong balita kina Francess at Leslie pero ang alam ko lang ay naninirahan ang dalawa sa U.S hindi lang ako sigurado kung nakapangasawa na ang dalawa. si Maxene naman ay isa nang sikat na model at singer, maraming manliligaw ngayon ang bestfriend ko and masaya ako para sa kanya kung ano ang narating nya ngayon.

Nagkaayos na nga pala kami ni clyde after nung nangyari. sa una awkward pero di nagtagal naging close na ulit gaya noong mga bata pa kami. hindi na pinsan ang turing namin sa isa't isa, kapatid na. Nagpasya syang bumalik ng korea at samahan ang mommy Seo Ah nya. sa ngayon nag enlist na sya para sa Military Mandatory Service, isa yung batas sa South Korea para sa mga lalaki. kung di sya nagpa enlist, sa kulungan ang bagsak nya.

"Pre! isang dekada na pero hindi kapa naghahanap ng babae. iniisip tuloy ng mga empleyado mo bakla ka."-Jade

yan ang chismis ng karamihan sakin =_=
buntisin ko kaya sila isa-isa ng malaman nila kung sinong bakla tsk.

"Mind your own, nakakahiya naman kasi sa lovelife mo diba? wala ka ring Girlfriend, remember?."-saad ko.

nakatambay kami sa rooftop ng Building, i mean company building ko. Oo ako ang may-ari nito.

"Hahaha ang sabihin nyo parehas kayong single"-sabat ni Prince.
kararating lang nya.
every weekend nagkikita-kita kami dito para magpakasaya, at kalimutan lahat ng problema. nagkukwentuhan ng mga nangyari sa trabaho tsaka inaalala din namin ang mga Memories noong highschool. talagang hindi kami nauubusan ng topic. once in a week nalang kasi nagkikita-kita. bonding time kumbaga.

"Nako, dumating ang first time magka girlfriend" -iiling-iling na bulong ni jade. natawa naman ako.

naghampasan ang dalawa na parang mga bata.. tskk
namiss ko 'to, ganitong-ganito kami noon. walang pinagbago.

"Oo na wifey! uuwi din naman ako mamayang 8pm. promise!.. i love you MUAH!" - Laimer

nabilaukan ako dahil sa itsura ni laimer, required bang halikan pati cellphone kapag magsabi ng I LOVE YOU? PFFFT.
hindi halata sa itsura nya, pero under yan ni Hopie. haha!

"Ohh si Matthew nalang wala! laklakan na ba? HAHA!" -Laimer.

"Uy si Under! hahahahaha"- pang aasar ni Jade.

"Siraulo!.. ikaw na walang girlfriend tigilan mo ako!"- duro ni laimer habang tumatawa saka lumapit kay jade para batukan.

High School MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon