Chapter 6

5.7K 61 0
                                        

Isang linggo na ang nakalipas simula nang umuwi sa Pilipinas si Vera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang umuwi sa Pilipinas si Vera. Dahil sa kanya ay mas naging masigla ang bahay nila Francine. Hindi siya nauubusan ng kuwento na nagbibigay saya sa mag-asawa. May nakakatulong na rin si Francine sa mga gawaing bahay habang abala sa paghahanap ng trabaho si Miggy.

"Kapag naluto na itong gata, saka mo ilagay ang mga dahon ng gabi," sabi ni Vera habang tinuturuang magluto si Francine. "O hindi ba't madali lang namang magluto ng Laing? Siguradong matutuwa nito ang asawa mo."

Highschool pa lamang sila ay mahilig nang magluto ng kung anu-ano si Vera. Madalas pa nga ay si Francine ang taga-tikim niya, kaya naman hindi na ito nagtaka na Hotel and Restaurant Management ang kinuhang kurso ng best friend niya.

"Mabuti na lang ay nandito ka na. Ang tagal-tagal ko nang sinusubukang lutuin 'to, pero hindi ko makuha-kuha."

"Don't worry, tuturuan pa kita ng ibang putahe. Ano pa ba ang paboritong pagkain ng asawa mo ang hindi mo kayang lutuin?"

Nag-isip si Francine. "Ah, ano pa nga ba?" Hanggang sa may naalala siya. "Aha! Iyong ginataang langka? Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na madalas bumili si Miggy ng gano'n sa karinderya. Pareho naming hindi kayang lutuin 'yon."

"Ginataang langka? Madali lang iyon, bessy. Kung gusto mo ay ipagluto natin si Miggy no'n sa isang araw."

"Talaga?"

"Aysus! Oo naman. Para makabawi naman ako sa pagpapatira n'yo sa akin dito. Kahit pa gawin n'yo na akong kusinera rito, okay lang sa akin."

Natawa si Francine. "Paano kaya kung dito ka na lang tumira habang buhay, ano? Baka-sakaling maging kasing galing mo rin akong magluto someday. E, wala ka pa ngang isang linggong nandito, marami na akong natutunan sa 'yo. Hindi na ako magtataka kung balang araw ay maging tabaching-ching na si Miggy sa sarap ng mga niluluto mo."

"Ano ka ba? Nakakahiya sa inyo. Siguro kapag nakahanap na ako ng trabaho at nakaipon ay saka ako aalis dito."

"Ako na ang nagsasabi sa 'yo, welcome ka ritong mag-stay hanggang sa gusto mo. Wala pa nga 'to sa lahat ng mga naitulong mo sa 'kin since highschool. Remember, ikaw pa nga ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Miggy? E, hindi nga kami magkakatuluyan kundi dahil sa'yo."


Biglang nag-flashback kay Vera ang nakaraan.

Naalala niya ang araw nang una niyang makausap si Miggy noong second year highschool pa lamang sila.


"Vera, ang suwerte mo naman! Tignan mo, may nagbigay sa 'yo ng flowers and chocolates oh," kinikilig na pagkakasabi ni Marie, kaklase niya.

Kapapasok pa lamang niya sa classroom nang umagang iyon.

"S-sigurado ba kayong para sa 'kin yan?"

"Hello! Bakit naman ito ipapatong sa table mo kung hindi para sa 'yo?" sagot naman ni Gladys.

Sinful Heaven 💋 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon