Chapter 2 - Broken

252 2 3
                                    

Chapter 2 - Broken

A WEEK AFTER THE BREAK-UP :

Sabi nga nila, first cut is the deepest.

Paulit-ulit ko ng sinasabi sa sarili ko na wala na.

WALA NA TALAGA.

I was waiting na bawiin nya yung break-up.

But he never did.

I saw him once after nung break-up.Nagkita kami sa fastfood pero umiwas nalang ako.

Di ko kaya e.

Di ko kayang lumapit, kasi siguradong iiyak lang ako.

Ang sakit pala nung ikaw hirap na hirap at nasasaktan tapos sya parang wala lang.

Paulit-ulit kasi yung sakit.

Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit?

BAKIT KAMI NAGHIWALAY?

Nawalan nako ng dahilan para maging masaya.

Tamad na tamad na nga ako bumangon.

Yung feeling na maaalala mo yung comercial ng Nescafé?

Para san ka bumabangon?

Halos one week nadin akong nagkukulong sa kwarto.

Hinayaan nalang din ako nila Dad at Kuya.

Syempre nagalit sila kay Kevin, pero binigyan nila ko ng space.

Magang maga na yung mata ko.Masakit nadin ulo ko.

Naisipan kong i-open FB ko kaya hinanap ko laptop ko.

Pinalitan ko na status ko:

-Kishie Graciano went from "In a relationship" to "Single"

Wala e, kaylangan tanggapin.Kaya ko ba?

Maya-maya pagtingin ko sa notification ko, 12!

BOOOM! agad agad 12 ?

Chineck ko na tuloy,

- Ashley Calang, Ria Crisostomo, Princess Mesina and 24 other people liked your relationship status

- Ria Crisostomo, Solstice Santana, Matt Dela Peña and 2 others commented on your relationship status

- Karmii Interia, Jaz Padilla, Ryuen Kabe and 8 others posted on your timeline

tamo tong mga to, nagbreak na nga, ni-Like pa!aish.

Binasa ko mga comment:

|Itsumi Graciano|

-baby sissy, be strong.kawalan nya yan.kats and me will always be here for you.

Like.8Likes.4mins.ago

|Katsumi Graciano|

-baby kishiee ang panget ng ex mo upakan namin ni itsumi yun e.You deserve someone better!

Like.24Likes.4mins.ago

|Itsumi Graciano|

-wag na kats sayang oras natin dun sa panget na ex ni kishiee.Such a waste of time.

Like.2Likes.2mins.ago

|Matt Dela Peña|

-whoo, okay lang yan crush.kapal ng muka nya para makipagbreak!

Like.12Likes.2mins.ago

|Katsumi Graciano|

-Hoy Matt, anong crush?Kakabreak lang dumadamoves ka na agad ha?

Like.28Likes.2mins.ago

|Solstice Santana|

- amp.T_T

ang sakit isipin na binabasura ng iba ang babaeng pinapangarap ko.

De joke lang.kaya mo yan!

Like.4Likes.1min.ago

|Ria Crisostomo|

-AYY BAKIT TE?

Like.2Likes.JustNow

Nangiti nalang ako ng malungkot.

Si Kuya Katsumi at Itsumi talaga, kala mo naman di magkakatabi kwarto namen.Twins yung dalawang kuya ko na yan e.

Naglog-out na lang ako.

Di ko din naman alam isasagot sakinala e.

Kasi ako mismo, di ko alam kung bakit.

ALAM NYO YUN BROKEN HEARTED?

AKO YUN E!

Ang hirap pala.Mahal ko pa kasi e.

Kung makakaimbento siguro ko ng gamot sa broken heart, super mayaman nako.

Kaso kahit siguro pinakamatalinong tao sa mundo, imposibleng makaimbento nun!

Si Einstein nga di nakaimbento nun, sila pa kaya?

Ayun,puro ka-adikan naiisip ko kaya naisipan ko na lang lumabas.

Naligo na ko at nagsuot ng shirt,shorts at sneakers.

Sa park ko kasi balak pumunta.

PARK:

Naupo ako sa swing.Wala din naman kasing masyadong tao kasi di naman pala labas mga tao sa village namin.

"Kevin naman kasi tara na!"narinig kong sabi ng isang boses ng babae.

Lakas lang makatrip.KEVIN PA TALAGA?

"Wag kang mag-apura Sab!"angal nun lalake.

Dun na ko napalingon, kilala ko yung boses e.Si Kevin nga!

"E kasi naman ang tagal mo gumayak.Ayan tuloy!"Hinihila sya nung girl papunta sa isang bahay.

Lesheng luha yan,traydor!

Puro sama ng loob na lang ba talaga mararamdaman ko?

Sabi ko nga kasi sa bahay nalang ako, lumabas pa kasi ko.

Pinagpalit na pala nya ko?Sya ba yung dahilan kung bakit nya ko iniwan?

Niloko nya ba ko?

Masakit e! Gusto kong magwala.Maglupasay.

Umiiyak kong tinungo yung ice-cream parlor malapit sa park.

Amp.walang hiya-hiya na talaga kung ngumangalngal ako.

HANGSAKIT IHH.

Kayo kaya ma-broken hearted!

Umorder ako ng choco deluxe!

Pasensya na, masama loob ko e.

Idaan na lang sa kain.

Umiiyak kong kinain yun ng may nag-abot sakin ng panyo na kinuha ko naman.Di ako nakapagdala ng panyo e.

Kulay black tas may embroidered batman logo.

"Miss, di ko alam kung bakit ka umiiyak pero sana wag mo ng sayangin luha mo kasi di mo maeenjoy yun ice-cream oh!aalat yan"sabi nya at umalis na.

Di ko man lang nakita kung sino.

Buset.Panira lang ng moment yong mama na nag-abot ng panyo, kung sino man sya.Natawa ako ng di oras e.

Ewan ko,pero dahil sa sinabi nya, di na tuloy ako naiyak.

Ayoko umalat yung ice-cream ee.

Sayang kaya!

Kung sino man yung kuya na yun, Thank you Ü

Kasi kahit papano, napawi yung mga luha ko at nakalimutan ko kahit sandali yung sakit.

WHY WE BROKE UP .. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon