Chapter 5 - Matakaw ako e, anong pake nyo!
LUNCHBREAK:
Pagkalabas ko ng room, "hala!San nga ulit yung papunta ng canteen.Argh!"naibulong ko.
Sabay kasi kaming magla-lunch ng mga kuya ko.
Dati kasi si Kevin lagi kong kasabay.Amp.bat kasi di ko napapansin ang paligid nung kami pa.
Ang hirap !
"Kassandra!Pasabay maglunch?"tanong ni Seth.
Haynako.Di naman pala masama yung pagsulpot sulpot nya minsan.
"Tara!Alam mo ba san papuntang canteen?"hila ko sakanya.
"Aahh.Oo, nung Monday kasi naglunch ako dun."
"Yun.Buti nalang andyan ka.Tara na dali!Gutom nako."hila hila ko pa din sya.
"Dito sa kabila yung daan.Teka nga, di mo talaga alam mga lugar dito?"nagtatakang tanong nya.
"Oo, since pumasok ako dito kasi hatid sundo ako ni Kevin sa klase.Kaya ayan.Siguro naging masyado akong dependent sakanya",malungkot kong sabi.
"Kaya you never saw what's outside.Nasanay kang kayong dalawa lang."
Nasanay nga akong kasama sya, kaya ngayon di ko ata kayang mag-isa.
"Siguro.I never paid much attention sa paligid kasi he used to be all that matters to me."
Lumungkot yung mata nya.Problema ni Seth?
"Tss.Dami mong namiss out."
Tumango nalang ako.Totoo naman e.
Inexplain nya sakin kung pano ko pupunta ng canteen saka sa mga room.
"Dati kasi lagi akong hinahatid ni Kevin.Yan tuloy!"bigla kong nasabi.
"Di din naman kita iiwan e.Sasamahan kita lagi papunta kung san yun room mo!"
"Hha?Bakit naman?"Anu daw??
"E kasi, kasi ano..
syempre classmate kaya tayo.Tama magclasmate tayo e.Kasabay talaga tayo lagi."
"Ahh.."kala ko kung anu na e.
"Kaso malay mo, absent ako ska pano dun sa subjects na di tayo magclassmate?Kaya dapat talaga turuan kita kung pano puntahan mga yon."
Tas explain ulit sya.Lahat ng lugar na madaanan namin.
"waah.mas matagal nako dito pero ikaw pa na transfer ang nagtour sakin.salamat!"masayang sabi ko.
Ewan ko ba.Kahit naman nkakabuset to minsan, mabait naman pala sya.
Kulitan padin kami ng kulitan hanggang sa narating na namin yung canteen.
"Kishieee.Over here!"tawag sakin ni kuya Katsumi.
Kaupo sila ni Kuya Itsumi sa isang table.
Lumapit kami dun at napansin kong nakatingin sila kay Seth.
"Ayy kuya Kats, kuya Itsumi.Si Seth.Bagong classmate ko.."sabay tap sa balikat ni Seth."Oy Seth, mga kapatid ko pala."
Nagshake-hands sila.
"Katsumi pala dre."sabi ni kuya kats.
"Kambal kami."dagdag ni kuya itsumi.
Nangiti lang ako, mukang gusto sya nila kuya.
"Huy, huy.Kain na tayo."nakapout na sabi ko.
"Tss.Takaw.Kanina pa kain ng kain di naman nabubusog."pang-aasar ni Seth.
Natawa lang sila kuya.
"Napansin mo din pala yun dre.Nagtataka nga kami ni Itsumi san nya dinadala yun kinkain nya."-Kuya Kats.
"Di naman tumataba!"-Kuya Itsumi.
Pagtulungan daw ba ko?Hmp.
Tatawa-tawa lang sila habang papunta na kami sa counter.
"Hmm.Ano kaya masarap dito?"psh.di ako makapili kung ano kakainin ko, parang masarap lahat e.
"Kung di ka makapili, edi pareho mong kunin."sabi ni Seth sabay lagay nung pork steak at adobo dun sa tray ko.
"Pero I can't have them both." sabi kasi ni Kevin, isa lang daw dapat kainin ko.
Sheet of paper.Kevin na naman.Kaynis!
"Bakit naman?You can eat them both.Believe me, you can."
"E baka kasi sabihin ng mga tao ang takaw ko."nahihiyang sabi ko.
"Ano naman?Sabi mo nga kanina democratic country to.You can eat and do whatever you want.Kesa naman ideprive mo sarili mo?Matakaw ka, anong pake nila?Sila ba tataba?"
Yun totoo.Natuwa ako sa sinabi ni Seth.
Nung kami kasi ni Kevin,natatakot ako na isipin nyang matakaw ako.
Nung kami pa kasi, ang behave ko.Nung kami pa, I do what he wants.
Siguro ngayon, I should do what I want naman.
"Yun o.Kaya sayo ko e."nilagay ko sa tray yung mga gusto ko.
Edi matakaw na kung matakaw.
"Ako na."sabi ni Seth nung bubuhatin ko na yung tray.
"Nah.Kaya ko naman e.Di mo madadala pareho yun tray mo saka tray ko o."
"Edi mauna ka nalang sa table.Ako na bahala dito."
"Wag na kasi.Kaya ko naman e."
"Palit nalang tayo."pagi-insist nya.
Tinignan ko tray namen.Dami kasi laman yung akin e, yun sakanya konti lang.
Kinuha na nya tray ko at pinauna ko maglakad.
Inalalayan pa nya ko.
Yun totoo?Natouch ako.
Si Kevin naman kasi, di ginagawa sakin dati yun.
Samantalang si Seth na kaibigan ko lang..
Ayt.wag na ngang icompare si Kevin.
Psh.Puro nalang si Kevin, Kevin , Kevin !
Naiinis nako sa sarili ko.
Move-on na kasi..
A\N:
sabaw ng update ko. :)
hahah sarehh.

BINABASA MO ANG
WHY WE BROKE UP .. (KathNiel)
Genç KurguBREAK-UP? Eto yung pinakamasakit na part ng isang Relationship e. Masakit ! Sabi nila MOVE-ON!GET OVER IT! Madaling sabihin, pero trust me, super hirap gawin.. Pero how can you MOVE FORWARD? when you don't even know the reason WHY YOU TWO BROKE UP...