PROLOGUE MARB C-1

4.6K 83 5
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a legal violation of copyright law, plagiarism is using someone else's work or ideas without giving proper credit. Plagiarism is a crime.



*******************************


"Manang!" tawag ko nang makita si manang na papasok sa may entrance ng hospital.


"Mabuti nakarating kana Master Apollo, tamang tama ngayon kasi ang labas ni Minah dito sa hospital" sambit niya ng makalapit ako sa kanya.


"I see, actually Zeus call me last night na samahan ko daw kayo sa pagsundo kay Minah."


"Teka nga levi alam mo na ang sasabihin mo kay minah ha, wag kang magpapahalata." napalingon ako sa babaeng nasa tabi ni manang, hindi ko siya napansin dahil hindi siya nakauniporme.


"Master kilala mo na ba si Levi? Kaibigan siya ni minah" pakilala ni manang habang palipat lipat ng tingin sa amin ni Levi.


"Opo nay pinakilala na po siya sa akin ni Minah" sagot ni levi halata ko sa mukha niyang nagulat nang makita ako. Iniwas agad niya ang tingin sa akin at itinuon ang tingin sa mga taong dumadaan.

"Yes manang I know her" nakangiting sagot ko. Nilahad ko ang kamay sa kanya bilang pagpapakilala pero yumuko lang siya ng bahagya.


"Ahemmm ahemmm.. Umiiral na naman ang pagiging babaero mo Master, tara na nga kay Minah" sabat ni manang. Napakamot na lang ako sa batok habang nakatingin kay Levi. Marahil hindi niya parin nakakalimutan ang biro ko sa kanya.


"Tara na po," saad niya at lumakad na kaya sumunod na din kame ni Manang.


"Levi?! Yeah your Levi!" isang boses na galing sa isang may edad na lalaki ang tumawag sa kanya dahilan para huminto kaming tatlo sa paglalakad.


Napansin ko ang itsura ni Levi na may pag-aalala habang nakatingin sa matandang lalakeng papalapit. "Nay mauna na po muna kayo" she said at lumingon sa amin ni Manang.


"Ha?! O.... sige". manang answered with a little confuse.


"Susunod po agad ako, kakilala ko po kasi yung lalaking tumawag sa akin"


"Ahh sige, sumunod ka kaagad ha"


"Opo nay" at binaling naman ang tingin sa lalaking papalapit sa pwesto namin.


"Tara na Master" sambit ni manang at lumakad na. Habang nakasunod kay manang ay nakatingin pa rin ako kay levi.


May pagtataka at pag-aalinlangan ang itsura niya nang makalapit na sa kanya ang lalake. Bigla akong huminto sa paglalakad na tila ba gustong malaman kung ano man ang usapan nila.


"Master Apollo" tawag ni manang habang lumalakad.


"Susunod ako manang, may nakalimutan lang ako sa kotse"


"Sige sumunod ka kaagad"


"Ok" sagot ko sabay lingon kay Levi na di kalayuan sa pwesto ko. Lumakad ako papalapit sa pwesto nila habang lumalapit ay unti unti kong naririnig ang usapan dahilan para huminto na ako.


"Hinanap kita sa club pero wala ka na daw doon, mabuti at nakita kita dito"


"Sir umalis na po ako dun, hindi na ako babalik sa club"

Mr. APOLLO "Ang Romantikong Babaero"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon