MARB C-3

1.3K 49 6
                                    


"Tinatanong kita. Do you remember me?" ani ulit ng lalake at hinawi ang librong hawak ko dahilan para mahulog ito sa sahig.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kinuha ko ang libro pagkatapos ay bumaling ng tingin sa lalake. "Ikaw yung sa cafeteria." malumanay kong sagot.


Ngumisi siya at binigyan ako matalim na tingin. "Fuck the hell you are!"bulyaw niya ulit.


Napansin kong nagkukumpulan na ang ibang estudyante dahil sa agaw pansin niyang eksena. Idagdag pa ang tinig niyang nanginginig sa inis.


Pakyu ka din. Gusto kong isigaw pero sinarili ko na lang.


"What did you said?. Geez what an insane manners you have." ani nitong tila hindi nagustuhan ang aking sinagot.


"Sabi ko ikaw yung sa cafeteria"


Gusto ko siyang itulak palabas ngunit hindi maaari. Ayaw kong magkaroon ng problema dito sa unibesdad. Lalong lalo na kay Mina at Zeus na silang nagpasok sa akin dito. Ang tanging nagawa ko lang ng mga oras na iyon ay ikuyom ang aking palad at itikom na lang ang aking bibig.


"Hindi ako nagpunta rito para kumausap sa walang kwentang kagaya mo. I came here to let you know na pipili ka nang babanggain mo. And aside from that may I ask kung mapapalitan mo ba ang shirt kong tinapunan mo nang juice?"


Hindi ako sumagot bagkus ay nakipagtitigan lang ako sa kanya. Ngumisi ulit siya at kasunod nun ang paghawak niya ng mahigpit sa aking braso. Gusto kong uminda ng sakit pero hindi ko magawa ayaw kong makita niyang nasasaktan ako.


"Ano?!! makikipag titigan ka na lang ba sa akin?!. Don't you know who I am? I'm one of the owner of this university!!" singhal niya na lalo pang hinigpitan ang paghawak.


"Vince tama na... palagpasin mo na lang. Tutal maganda naman siya" ani ng lalaking may kaputian na nasa kanyang likuran.


Pabalya niyang binitawan ang aking braso na muntik ko pang ikawala ng balanse mabuti at nahawakan agad ako ni Sab.


Lumapit siya sa akin na halos isang danggal nalang ang pagitan naming dalawa."Hindi pa tayo tapos! hanggat hindi ko nakikitang umiiyak ka, hindi kita titigila" bulong niya sa akin tenga saka humakbang paatras.

Mr. APOLLO "Ang Romantikong Babaero"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon